Chapter 6

5 1 0
                                    

Break

Nag hahanda na ako para sa premiere night na gaganapin few hours from now. My dress were ready and my make up artist do my make up for tonight. Excited ako dahil pupunta si Isaiah mamaya, napilit ko siya na pumunta at sabi niya rin naman ay sige. Hindi pa kami nag kikita ngayon dahil na sa dressing room ako at siya naman ay nag check in sa isang hotel, tinext niya lang ako na andyan na siya.

Sigurado ako na maraming issue nanaman ang ibabato sakin o samin, dahil nga ngayon ko lang maipapakilala ng pormal si Isaiah sa lahat ng tao na nakakakilala sakin.

Dumating na ang premiere night ilang oras ang nakalipas. I wore something revealing, long red dress na may slit to perfectly see my beautiful long legs. Bumababa na kami ng nakita ko na nag aantay na saakin si Ken na siya'ng lead character ng movie.

"You're so beautiful.." bungad niya sakin at hinapit ang bewang ko na pinigilan ko.

"Huwag mo akong hawakan." Matalim ang titig ko sakanya.

"We need too, phoebe. We should be sweet, for the movie." sabi niya sakin ng natatawa. Pinabayaan ko na siya at tinext na lang si Isaiah.

To Isaiah:

Where are you? Papunta na kami sa sinehan.

Ilang saglit lang ay nag reply na.

From: Isaiah

On my way, see you!

Reply niya sakin. Excited na ako na makapunta sa sinehan dahil don, ewan ko ba sa dami ko na nakasalamuha na lalaki sakanya pala ako babagsak.

Nang naglalakad na kami sa red carpet maraming sumisigaw at nag titilian.

"Bagay na bagay kayo!"

"Phoebe at Ken, we love youuu!"

"Sana kayo ang magkatuluyaaan!" Sigaw pa nila na ikinatawa ko, umamin na ako na may boyfriend ako talks ganyan pa rin sila.

Bago kami makapasok sa sinehan, may nag interview muna samin.

"Ano'ng nararamdaman niyo na ipapalabas na ang movie niyo na matagal na na iniintay ng fans niyo?" Tanong sakin ng media.

"We're very overwhelmed sa lahat ng sumusuporta samin..thank you sa lahat ng pumunta at manonood, maraming salamat.." Masayang sagot ni Ken sa nag interview samin at pag ka tapos ako ang binalingan.

"Masaya ka ba dahil ang boyfriend mo na si Ken Rodriguez ang kasama mo na bibida sa pelikula na ito?" Nagulat ako sa tanong, napatingin kay ken na nakangisi.

"Excuse me, he's not my boyfriend!" Sagot ko sana pero hinila na kami ng manager ko para pumasok na sa sinehan. Hindi na ako narinig nang nag interview baka akalain nga nila na si ken 'yon.

Umupo na kami sa reserve seats namin at triny ko ulit itext si Isaiah dahil hindi ko pa siya nakikita. Iba ang upuan niya samin, dahil ako dito sa pinakauna at siya naman ay sa taas na mga upuan.

From: Isaiah

Nandito na ako :)

Napatawa ako sa smiley face na ginawa niya. Even he looks very masculine and has a dark aura makikita mo pa rin yung soft side niya.

Nagumpisa na ang pinapanood namin, halos dalawang oras at kalahati ang movie nang matapos naman ay maraming nag congratulate at bumati samin. Maraming yumakap at nakipag kamay.

"Congratulations girl!" Sigaw ng kaibigan ko ng nasa harap ko na pala siya.

"Thank you!" sabi ko at niyakap siya. Hindi kami masyado nakapag-usap dahil marami na ang gustong bumati saakin, nang matapos ay huli naman akong kinausap ni Ken.

Pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko at nilapit sakanya.

"Congrats. You did a great job," bati niya sakin. Medyo naiilang ako dahil baka nga mapagkamalan na kami dahil sa pwesto namin ngayon.

"Thank you." Sabi ko, nagulat na lang ako na may kumalabit sakin at ang personal assistant ko pala!

"Ma'am may nag papabigay," sabi niya.

"Sino?"

"Hindi naman nag pakilala ma'am, binigay lang ito at umalis na." Bulaklak iyon, bouquet of roses. Hula ko na kung kanino ito galing.

Kinuha ko ang bulaklak at inamoy, fresh na fresh at ang bango!

"Kanino galing?" tanong ni ken.

"None of your business." sagot ko sakanya.

May after party na gaganapin ngayong gabi, hindi ko alam kung paano ba ako makikipag kita kay Isaiah dahil sa schedule ko.

Nang nasa venue na kami kung saan gaganapin ang party ay maraming bumati at nag congrats.

"Sigurado ako na magiging box office yan! Pipilahan yan as sinehan." sabi ng iilan na nandito.

"Si Phoebe ba naman at Ken ang bida, sigurado na yan!"

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila at pilit na lamang na ngumiti. Gusto ko na umalis, gusto ko na makita si Isaiah!

Pumunta ako kung nasaan ang manager ko, magpapaalam para makaalis na.

"Can I go home?" tanong ko sakanya.

"Hindi pa pwede umuwi, ikaw ang center of attraction dito. Makisama ka muna." Hindi ko siya masagot dahil ang dami'ng tao dito, hindi ko siya pwede sigawan.

Umalis na lang ako doon at pumunta sa lamesa na walang tao. Nag scroll ako sa aking cellphone at may nakita ako na article na tungkol saakin.

'Confirmed Ken Rodriguez and Phoebe Alonzo are dating' nakalagay sa headline. What the, saan naman nila nakuha ang lecheng impormasyon na ito? Wala ako'ng sinabi na kami!

Nagulat ako ng may nag text sakin. Si Isaiah!

From Isaiah:

Are you playing with me? Well, if yes let's break up.


Splendid love (COMPLETED)Where stories live. Discover now