La Union
After that night we end up sleeping. By the following day, wala akong ginawa dahil kelangan mag ensayo ni Isaiah sa darating na kompetisyon sa La Union, naimbitahan siya doon dahil nanalo siya sa surfing competition dito sa siargao, at hindi ko alam kung makakasama ba ako o hindi.
Lumabas ako ng teresa namin na over looking sa karagatan ng siargao at ayun mula dito ay kita ko siya na seryosong nag eensayo kasama ang barkada niya.
Hindi ko inakala na makakamuhay ako ng ganito ka simple, all I thought na masusobsob ako sa pagtratrabaho sa showbiz pero hindi pala.
Pero laking kawalan din nito sakin, may kaunti man ako na ipon pero hindi sapat 'yon para mamuhay ng matagal sa ganitong lugar. Isaiah earn through those cash price na napanalunan niya, and kung iisipin mo ay hindi iyon sapat. Ayoko naman na humingi sa magulang ko dahil ako ang umalis at wala akong karapatan na humingi dahil doon.
Pumasok ako sa silid at pumunta sa aparador kung saan ko tinago ang cellphone na matagal ko nang hindi binubuksan simula nang umalis ako nang di nag paalam. Maybe its time?
Kinuha ko iyon at binuksan.
At the freaking second, kinakabahan ako dahil simula nung nakaraan ay hindi ko iyon binuksan.
Sunod sunod ang pag tunog nang dahil sa notification na dati pa, mga text ng manager ko at magulang ko. Una Kong binuksan ay yung text ng mommy ko.
From: Mommy
What the heck, phoebe? Where are you? You leave without consent of your company!
From: Mommy
Phoebe! Nahihibang ka na ba? Why can't you answer my calls!
At ang mga sumunod naman ay sa manager ko.
From Manager Rellie:
Phoebe, walang hiya ka! Pwede tayong makulong sa pinagagawa mo! Where are you? Ipinaghahanap ka na ng company!
From Manager Rellie:
What the hell Phoebe, its been days! Answer our calls! Sabihin mo kung nasaan ka hindi yung basta ka na lang aalis!
Marami pa akong text na natanggap, maliban kila mommy at sa manager ko meron pa kina ken, oliver, sally at iba pa. They are all mad and curious why I left showbiz, wala ni isa sakanila ang may alam kung bakit o nasaan ako.
****
"Sama ka na bukas," pag pupumilit saakin niya saakin. Medyo malayo naman ang La Uñion sa Manila siguro wala naman na makakakilala saakin don kung meron man at unti lamang.
"Sasama naman talaga ako.." pagsangayon ko sakanya, "..if I didn't go with you, baka may pormahan ka doon." Pang aasar ko sakanya na siyang ikinainis niya, ayaw niya kasi na ginaganon siya dahil paulit ulit niyang sinasabi saakin na ako lang.
Kinabukasan ay maaga ako'ng nagising para ayusin ang gagamitin namin at mga dadalhin. Pagkatapos ay nagising na din si siya at nag ayos, we should go to the airport early 7 dahil sa hapon ay start na ng competition.
"Are you ready?" tanong niya saakin habang nasa sasakyan kami papunta ng airport.
"Of course," Natawa ako sa tanong niya."Makikilala ka doon, baka mabalita ka nanaman."
"I don't care, I'm only here to support you.." yinakap niya ako at hinalikan sa noo at bumulong, "I can't imagine life without you.."
Isang oras higit ang nakalipas nakarating na kami sa La Union, bumyahe pa kami ng isa't kalahating oras para makarating sa resort kung saan gaganapin ang competition. Naalala ko nang bumaba kami ng airport ay may uunting nakatingin pero ang iba ay wala namang pakialam siguro ay sa tagal 'di na nila ako mamukhaan, from those straight hair when I'm in showbiz now my hair is a bit wavy and ang my pale skin now is already tan, some features of my face changed, ewan ko ba kung bakit nagbago siguro dahil sa isla ako nakatira.
Hawak hawak ni Isaiah ang kamay ko ng salubungin namin ang lalaki na may katangkaran at brown ang kulay ng balat.
"Akala ko 'di ka dadalo e!" saad ng lalaki na nakangiti at sinalubong kami.
"Ang layo din kasi, pero sayang ang premyo kung hindi.." sagot ni Isaiah sakanya, nakita ko na nakabaling ang tingin ng lalaki saakin, mukhang nagtataka. Na siyang napagtanto ni Isaiah kung ano ang pinapahiwatig.
"Ah si phoebe, girlfriend ko. Phoebe, si Rex ang founder ng competition na ito." Inabot ko ang kamay ko para pormal sana na magpakilala, kaso ay na realize niya ata kung sino ako.
"Phoebe? Phoebe Alonzo, Isaiah?" Nagtatakang tanong niya.
"Oo, Phoebe Alonzo." Amin naman ni Isaiah.
"Fuck man! Paano? Bakit? Saan kayo nagkakilala?" Tuloy tuloy ang tanong niya kaya kailangan pa tuloy namin mag paliwanag.
"Is this the reason why you left showbiz?"
"Yes," sagot ko.
Bumaling siya kay Isaiah.
"Swerte mo, man!" Tumawa lang si Isaiah at hindi na nagsalita pa kaya nag paalam na kami para dumiretso sa room na nakareserve samin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa amin dalawa ako ang swerte. Swerte dahil nakilala siya at naging kami dahil parang nag grow ako as a woman dahil sakanya.
"Are you okay?" tanong niya sakin dahil tahimik lang ako habang nag lalakad sa shore.
"Oo naman," sagot ko.
"Feel bothered? Natatakot ka ba na ma issue nanaman?"
"Hindi ah! I'm just nervous para sa gagawin mo mamaya.."
"Ako nga hindi ninerbiyos e, ikaw pa." Minsan may pagkamayabang din talaga siya e.
"Yabang."
Nagtawanan kami at hawak kamay kaming naglakad.
"Omy! Phoebe Alonzo! It's been a month since we last saw you, how are you?" nagulat ako ng may bakla na lumapit saamin na sigurado ako ay parte ng mga nagsusulat sa dyaryo o magazine.
YOU ARE READING
Splendid love (COMPLETED)
Narrativa generalePhoebe Alonzo known to be an artist, she is wild, and vulgar. She do what she wants even flirting to those guys,many issue came like a wild waves. Isaiah Yullo Nieves known to be a surfer. Who lives in a beautiful Island of Siargao. He is mysteriou...