Chapter 9

4 0 0
                                    


Fight

Nagulat ako sa lumapit sakin.

"Oy, scoop!" Sigaw ng ilang bakla na papunta saamin.

"Dito ka lang pala makikita, Miss Phoebe Alonzo!"

"Bakit umalis ka na lang bigla sa showbiz?"

Lumingon ako sa gilid ko nang mapansin na wala doon si Isaiah, yun pala ay may kumausap sakanya. Napabaling ulit ako sa media na nag interview sakin.

"I'm here to support someone," saad ko.

"Sino po ang sinusuportahan niyo? Totoo ba ang balita na may ka live in ka na po?"

Nagulat ako sa tanong niya. Pero mas nagulat ako ng may humawak sa bewang ko, napatingin din ang media sa taong nasa gilid ko.

"You're with Isaiah Nieves?" tanong ng isang bakla na amputi ng mukha kahit nasa beach.

"Uh, yes.."

Marami pa silang tinanong na kesyo saan daw ako nakatira ngayon, bakit bigla na lang daw ako nawala, anong dahilan nang pag alis ko sa showbiz, hindi na ako nag abala pa na sagutin ang tanong nila. I don't care kung ano ang isipin nila, or ano ang magiging tingin nila sakin ang gusto ko lang ay tahimik na buhay.

Alas kwatro na ng nagising ako mula sa pagtulog, wala na sa tabi ko si Isaiah na sa tingin ko ay nag eensayo. Hindi niya na ako ginising dahil alam niya siguro na pagod ako sa byahe at mamaya pa nama'ng alas singko ang laban niya.

Bumangon ako at dumiretso sa labas. Nauna na kumain ang mga sasali sa kompetisyon mamaya kaya ito ako ngayon mag isa.

I ordered rice and adobong manok, I ate it outside the resto para makita ang scenery ng labas. Around four thirty ay natapos na ako at dumiretso sa room para mag bihis para mag bihis at manood na ng kompetisyon.

I sat on the bed, when my phone rang. Sabi ko na nga ba, dapat ay pinatili ko na lang ito na patay.

Unknown number iyon, dahil nag delete ako ng contacts kahapon kaya hindi ko malaman kung sino iyon.

"Hello," sagot ko.

"Phoebe!" Sigaw sa kabilang linya, boses pa lang alam ko na, kilala ko na, manager ko ito dati.

"May nakapagsabi saakin na nasa La Union ka daw? Totoo ba?"

"Uhm, opo.."

"Ano'ng ginagawa mo diyan? Bakit bigla bigla ka na lang umalis?"

"I  don't have enough time for now, sorry.." binaba ko ang tawag at pinatay ang cellphone.

Pumunta na ako sa shore at kita ko mula dito si Isaiah, with his dark brown skin tone, thick eye brows, well define jaw, he looks so handsome while holding his surfing board na sobrang laki.

Nagulat ako ng kinindatan niya ako. Napatawa na lang sa ginawa at lumapit ako sakanya.

"Good luck,"

"Kiss ko, para lucky charm.." asar niya sakin. Napatingin tuloy ang mga tao sa gilid niya, pero wala lang sakanya at nilapit ang mukha niya sakin at siya na ang humalik.

Pagkatapos ay umalis na ako doon at lumipat ng pwesto.
Waves were not that calm, malalaki ito pero kumapara sa siargao ay mas malalaki pa rin ang alon doon.

Huling sumabak si Isaiah, dala dala ang surfing board niya. Nagulat ako na may nag titilian at nag checheer sakanya sa likod ko na grupo ng mga babae. What the, pati ba naman dito meron?

"Go, Isaiah Yullo!"

"Ang hot at ang pogi mo!"

"Pwede pa kiss, pag nanalo ka?"

Napatingin ako sa huling nagsalita at tinitigan siya ng mabuti. Kung nakakapatay lang ang titig, baka patay ka na ngayon.

"May girlfriend ata yan, yung artista.." chismis ng isa sa huling nag salita na 'yon.

"Siya yon oh, si Phoebe Alonzo yung umalis sa showbiz.."

Mga chismosa. Pinabayaan ko na lang sila at tinuon ang pansin kay Isaiah, pinadausdos niya ang surfing board habang nakikisabay sa sayaw ng alon. Big waves are coming kaya pumailalim siya doon, kinabahan ako dahil hindi ko siya nakita dahil doon at medyo dumidilim na pero laking gulat ko ng tumalon siya galing sa ilalim para maipaikot niya ang surfing board niya na natatakpan ng alon. Nagpalakpakan ang lahat pag tapos, parang alam na kung sino ang mananalo.

Ilang minuto at sinabi na nga ang nanalo, si Isaiah ang nanalo! I'm very happy kaya sinalubong ko siya ng yakap, pumulupot ang mga binti ko sa bewang niya habang nabitawan niya naman ang surfing board niya. Maraming tao ang napatingin, maraming camera ang nakatutok.

"Ayan pala ang dahilan kung bakit siya umalis ng showbiz?"

"Sinayang niya lang ang career niya."

"Yan ang pinalit niya kay Ken?"

"Ang dungis naman, mukhang mahirap!"

Akala nila hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya. Tinggal ko ang pagkakayakap ko kay Isaiah at sumugod sa mga chismosa.

Splendid love (COMPLETED)Where stories live. Discover now