Chapter 13

4 0 0
                                    


Shadow

"I am with someone," gulat ang mukha nila sa narinig.

"So it means, you're not single anymore?"

"I'm single."

"What? So, ano'ng mangyari?" Hindi ko siya nasagot, dahil ako mismo hindi ko alam ang nangyari. Dumating na lang ang araw na kailangan ko siya iwan, kailangan ko umalis.

Nginitian ko ang host.

"Change topic, sorry nadala lang.." natatawa niyang sabi. Buti na lang at alam niya ang naipahiwatig ko, dahil ayoko sagutin ang tanong. I don't feel to like to answer it, it makes me remember everything.

"Your dad passed away last month, how are you feel about it?"

"Nalungkot ako kasi noong gabi na namatay siya sa hospital ay wala ako. I didn't have a chance to talk to him..or say that I love him," mangiyak ngiyak ko na sabi.

Dad was very strict to me since then, at tinggal ko iyon. Mga pangaral niya saakin at mga dikta niya saakin na kahit kailan hindi ko ata malilimutan. I was mad at him for long, hindi ko man lang na sabi na mahal ko siya, hindi ko man lang na paramdam na naging mabuti siyang magulang sakin. Lahat nang iyon pinagsisihan ko.

"This movie entitled as Say You Won't Let Go, kung i- dedicate mo ito sa tao..sino at bakit?" tanong niya.

Napaisip ako.

"A guy, who's very important to me..ayoko na i-specific," natawa ang host sa sinabi ko.

"Okay, why?"

"I don't want him to let go, I just want him to be there with me in any circumstances." saad ko nang diretso sa camera dahil kung nanunuod man siya, alam ko na alam niya na para sakanya iyon.

"Thank you and advance happy birthday, Miss Phoebe! Maraming salamat sa pag bisita sa ami'ng istasyon."

Natapos ang programa nang mabilis. Nag aabang na sakin ang manager ko nang pag balik ko sa dressing room.

"Sino iyong lalaki na sinasabi mo kanina?" tanong niya.

"Ah wala, just a random guy,"

"Nako, ayan na naman tayo..ayusin mo lang,"

"Ang birthday mo nga pala, saan tayo?"

"I just want to go to beach, boracay perhaps?"

"Some showbiz artist ang kailangan na invited, mostly yung mga ka trabaho mo ngayon.."

"Okay, just invite them.."

I have no friends in showbiz, nagkakausap kami pero hindi sila yung tipong tao na mapagsasabihan mo ng problema, mga sekreto at iba pa. I have only one friend at si sally yon, kaso ngayon hindi kami madalas mag kita dahil sa trabaho niya at busy rin naman ako.

****

My birthday came. Sa islang iglip at pag lubog ng araw nagulat ako na kaarawan ko na pala, ang tanda ko na. I'm 24 years old now, at ang bilis nang panahon parang hindi ko namalayan ang usad nito.

Nasa bangka kami ngayon papunta boracay, imbis na mag airplane diretso sa isla ay pinili ko ang mag bangka para ma enjoy ang tanawin. Kasabay nang lagslas ng hangin among gawi ay siyang pag lipad nang aking beach hat na naagapan ko naman bigla para hindi lumipad.

I'm miss the feeling being on an island, it's been a month since I last see this kind of place, ngayon ko na lang ulit narinig ang tunog nang dagat. It's very refreshing, parang binabalik ako sa dati.

"Bakit dito mo naman naisip mag celebrate, Phoebe?

Tanong nang manager ko. Anim kami sa bangka, ang manager ko, personal asisstant at ang iba ay ang mga nag aayos saakin.

" Its been a while since the last I go to beach, I just miss it."

"Ay ako rin miss, ang tagal na buti na lang dito mo naisip.." excited na sabi nang isa sa kasama namin roon kaya natawa na lang ako.

"Crowded ang island ngayon, maraming tao at guest dahil pagkatapos nang kompetisyon sa pagudpud dito sila dumiretso.."

Nilingon ko ang manager ko na nag salita, gulat ako at kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro siya kasali doon? Hindi naman siguro kami mag kikita dito? Hindi kami pwede magkita dito!

"Sino nag sabi?" tanong ko.

"Nabalitaan ko lang kanina,"

"Bakit pa sila dito kung pwede naman sa pagudpod nalang?" anang nang assistant ko.

"Yung founder kasi nang event may resort dito, kaya siguro dito sila didiretso."

Hindi pa ako ready na makita siya at kailan man hindi ata ako magiging ready. Sa pag hinto ng bangka ay mas lalo akong kinabahan at pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Ayos ka lang, miss?" tanong saakin ng assistant ko nang tinawag niya ako pero hindi ko siya narinig at pinasin.

"Ah oo, pagod lang sa biyahe."

Bukas pa gaganapin ang birthday ko at mamayang gabi naman ang datingan ng mga invited, kaya pag karating pa lang namin ay natulog muna kami sa kanya kanya suit.

Ilang oras pa ang lumipas nang nagising ako sa tunog ng phone ko.

"Hello mom,"

"Hello, anak. Advance happy birthday, you know how much I love you and sorry dahil hindi ako makakapunta sa espesyal na araw mo ngayon.."

"It's okay, mom."

"I want you to enjoy your day bukas,"

"I will, thank you and love you.." at binaba ko na ang phone ko.

As I stand dumiretso ako sa over looking window kung saan kita ang kabuuan ng isla, ang mga tao ay mistulang mga masasaya at busy dahil sakanila kanilang ginagawa.

Nagbihis ako nang pang ligo at hindi na inantay pa ang ibang kasama dahil baka tulog pa kaya dumiretso na ako. Sumalubong saakin ang alon, hindi man ganun kalaki ngunit pwede para mag surfing. Ang tagal ko nang hindi nag susurf, at hindi ko na ata kayang gawin ito ulit.

Dala dala ko ang surfing board na inarkilahan ko sa isang shop. Hindi ito ganun kalaki katulad sa dati ko na ginagamit ngunit pwede na ata to, even it was a short board.

Nag paddle ako gamit ang aking kamay papunta sa may medyo malalaking alon na hindi katulad sa siargao. As I went to the waves, tumayo ako at dinama ang maliliit na alon na humahampas. Binalanse ko ang aking sarili nang tumalon ako at bumaliktad ang board ngunit hindi tama ang bagsak ko.

Bumagsak ako sa dagat, ang sakit ng likod ko at pwetan. Hindi na siguro ako marunong, kailangan ko ulit ng practice.

Pero laking gulat ko ng may anino na humarang sa gawi ng araw.


Splendid love (COMPLETED)Where stories live. Discover now