This is the last journey of Isaiah and Phoebe. It's my first time to wrote a short story, I really appreciate those who support me from the start. I hope you enjoy it, thank you very much.
This part is a point of view of Isaiah from the start of the story.
Epilogue
Bukas na ang araw na pinakahinihintay ko. Araw ng kompetisiyon. Kailangan ko na mag ensayo dahil kailangan ko manalo dahil malaki ang premyo nito, pero kung tutuusin hindi ko na kailangan pa mag ensayo eh, dahil sa ilang taon ko sa Isla na ito ay yun lang ang ginawa ko.
Pinadausdos ko ang surfing board sa dumating na alon at binalanse ang sarili. I've learn how to surf since my father teach me how to do it, pero ngayon ay wala na siya.
Mahinahon naman ang alon at hindi ganon kalaki ang hampas nito sa pangpang kaya nagawa ko ng maayos ang tricks. Pabalik na ako ng nakita ko ang babae na hirap na hirap na pumatong sa surfing board.
She looks very familiar, hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero kilala ko siya.
Linapitan ko siya. Kung tutuusin ay hindi niya naman kailangan na pilitin ang sarili niya na gawin ang bagay na iyon dahil inaaral 'yon. Ang pag susurfing ay hindi nagagawa sa isang beses lang, it takes time to know it at kailangan mo nang maraming panahon para doon.
"You don't need to push yourself to try this one.." I said while she was trying to put herself on surfing board.
I held her waist and put her up and because of my moves she was a bit shock.
"I just want to learn this thing. Malakas lang talaga ang hampas ng alon."
Huh? Ano'ng malakas? hindi nga ganoon kalaki ang alon sa araw ngayon. Natawa ako sa sinabi niya.
"I'm Phoebe, ano name mo?" Wow, she has a guts to know my name. But sorry, baby girl, I know what you're doing.
I smirked.
"I just here, trying to help. You don't need to know my name." I said rudely.
Binitiwan ko ang baywang niya at umalis na. I dont have time for flirting, sa tagal ko dito sa Isla ay kabisado ko na ang mga babae na gusto ako'ng makilala.
"Kinakabahan ka ba pre?" tanong sa'kin ni Pedro na kaibigan ko rito sa Isla.
"Sakto lang. Pag kabado ka baka matalo ka. Kaya kung ako sayo wag ka kabahan."
Naglalakad kami ngayon papasok ng resto kung saan kami magkakape. Alas singko pa lang ng umaga at mamaya kailangan na ulit mag ensayo.
Pumasok na kaming tatlo at naupo sa 'di kalayuan sa may bintana.
"Pre, kanina pa tingin ng tingin dito yung babae," nguso niya sa babae sa may bintana ng resto na ito kaya napatingin rin ako.
Siya yung kahapon. Yung sa dagat na tinanong ang pangalan ko.
Tumayo siya, akala ko ay aalis na yun pala ay naglakad sa gawin namin. Inantay ko siya na makarating dito, at tinaasan ng kilay. Oh baby girl, what are you up to?
"Can I sit here?" tanong niya.
"No."
Hindi niya ako pinansin at naupo pa rin! Ang lakas ng loob ng babaeng to ah!
Sa tabi ko pa siya naupo. Hindi ako nagsalita, ayoko makipag usap. Si Pedro ang kumausap.
"Miss, artista ka ah! Ikaw si Phoebe Alonzo diba?"
Sila ang nagusap. Tumayo ako at umalis na lang. Hindi ko alam kung bakit ilang minuto ako'ng nakatayo sa labas ng resto, naglakad ako patungo sa bintana kung saan nakita ko mula rito sila Pedro at Phoebe ay masayang nag uusap.
YOU ARE READING
Splendid love (COMPLETED)
Fiksi UmumPhoebe Alonzo known to be an artist, she is wild, and vulgar. She do what she wants even flirting to those guys,many issue came like a wild waves. Isaiah Yullo Nieves known to be a surfer. Who lives in a beautiful Island of Siargao. He is mysteriou...