Chapter 15

6 0 0
                                    

Blessed

After what happened, Isaiah and I get back together. Naalala ko, na gulat ang mga kaibigan niya at mga kasama ko sa pag pasok namin sa resto kung nasaan sila. Isaiah held my hand, ganon rin ako sakanya hanggang sa nakalapit kami sa lamesa ng aking mga kasama para ihatid sa upuan ko.

"Doon na lang muna ako, sabihan mo ko pag gusto mo na umalis," pabulong na sabi niya saakin ngunit alam ko na narinig iyon ng mga kasama ko.

Mukha nang nagtataka ang ginawad sakin ng ilang kasama ko roon. Ang manager ko ay palipat lipat ang tingin samin ni Isaiah, kaya dali na akong tumango para umalis na siya roon at pumunta na sa kasama niya.

"Sino 'yon, Phoebe?" tanong ng manager ko.

"Umalis ka lang, ta's pag balik mo ay may kalandian ka na agad!" dagdag niya pa.

"Oy, grabe ka naman mars..sino ba kasi 'yon?" Sabay baling sakin ng tingin ng director ng aming pelikula.

"Matagal na kami'ng magkakilala..I met him in Siargao," I said while observing how would they react.

"Kailan? Isang beses ka pa lang nag Siargao at yun ay noon na guest ka sa event, doon ba phoebe?" tanong ng manager ko.

Tumango ako. Marami pa silang tinanong na kesyo daw paano kami naging magkakilala, bakit ka magkasama ngayon, at marami pa, sinagot ko lahat iyon para mapanatag na ang isip nila.

Maraming nakaalam, hindi naman ako natakot na baka malaman ng mga humahang sakin, ngayon gusto ko na lamang malaman ng lahat kung sino siya at ano kami. Before, our relationship was a little secret though not really a secret but we kept it private. Marami na ang nakakaalam at si mommy ay alam na rin though alam niya naman pero ngayon lang niya nalaman na nagkabalikan na kami.

"You are very blooming this days, ano'ng sekreto?" tanong ng isang media sa press confirence ng movie na ipapalabas na tatlong araw mula ngayon.

"In love kasi," natawa ang lahat sa ani ng aking katrabaho na artists rin.

Napatingin ako sakanya at umiling iling.

"No, I'm just very happy now, genuinely."

Natapos ang araw nang masaya. Akala ko dati ay hindi ko na ito mararamdaman ulit, na hindi ako makakatawa, na dahil kasabay ng pag ka wala ni daddy ay siyang pag hiwalay namin ni Isaiah. I never dreamed to be this lucky, I feel like I'm very lucky, nawalan man ako ng ama pero dumating naman na lalaki na aalagaan ako kailanman.

Nandito kami ngayon sa Siargao, ilang linggo matapos ang premiere ng movie ay ready na muli ako sa bakasyon na pinaubaya saakin ng management.

It was very surreal, hindi ko inakala na mangyayari 'to. It was like, cupid is within us, tinulungan niya kami para mabuo ulit, ngayon magkasama na kami wala na ata ako na mahihiling pa.

I sat on tire, gulong na ginawang duyan. From here, kita ko ang kabuuan ng dagat, gabi na ngayon at tanging ilaw na lang ng mga naglalayag na barko ang nakikita ko roon. The sea seems so quiet tonight, only the sound of the waves crashing through the shore and those little fireflies at night.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko sa kandungan.

"Oh, you done cooking?" tanong ko kay Isaiah ngayon dahil sabi niya pwede na muna ako lumabas dahil hindi pa tapos ang luto niya.

"Yes," he softly my held my hand until he intertwined it. He squatted in front of me while I'm on the swing.

"Kakain na ba? Tara na?" tatayo na sana ako ngunit hinigit niya ako para pumirmi sa pag upo.

"Wait lang, dito muna tayo," he says while his eyes where still on me.

"I just want to say thank you," he added.

"For what?"

"For everything, for being with me, for staying..lahat, pinagpapasalamat ko iyon."

"I should be the one who thank you," I said softly para maramdaman niya kung gaano ako nag papasalamat sakanya.

"Thank you for waiting, thank you for your understanding, thank you for always being there for me..no words can express how much I thank you for all of this.." sabi ko ng nagingilid na ang luha.

"Akala ko wala na e, akala ko naka move on ka na at ako na lang ito'ng nakakulong sa past..." naiiyak ko na sabi at siya naman ay titig na titig sakin habang hinahaplos ang mga kamay ko.

"Hinding hindi ako makaka move-on sayo, Phoebe. You caged me, kinulong mo ko sa puso mo at kailanman ay hindi ata ako makakakawala."

Niyakap niya ako ng mahigpit. I've never been this love by anyone, all my life I played the feelings of many men at akala ko ay dahil doon makukuntento ako pero hindi pala simula ng dumating si Isaiah.

Isaiah and I started with a bet, ang bilis bilis nang lahat ng pangyayari nung naging kami at ngayon ito pala ang magiging bagsak namin.

"Pangalawang beses na to, Phoebe.." may kinuha siya sa bulsa niya at nilabas ang maliit na pulang box sa gulat ko ay natakip ako ng kamay sa aking bibig.

"Will you marry me, again?"

I'm so happy, sa sobrang saya ko ay napaiyak ako. Isaiah is the best man I know, he have his own way to make me felt like this, hindi ko inakala na mahuhulog ako sakanya. Isaiah lives in a peaceful island, out of nowhere I met him, I get to know him, and now here he is, kneeling in front of me and asking me to marry him again.

"Yes," sinoot niya saakin ang sing-sing, tumayo siya at tumayo rin ako. Hinagkan niya ako ng mahigpit, I bury my face to his chest 'cause I cannot control my tears.

I felt his lips near my ears. Whispering.

"Don't leave me, please."

He says, like he was begging me to stay.

"I won't, promise."

Bilog na bilog ang buwan sa gabing iyon. Tanging ilaw lang nito ang nagsisilbing liwanag sa'ming dalawa. I may not be the luckiest girl before but now I felt like I'm more than to be called a lucky person. I'm blessed.

Splendid love (COMPLETED)Where stories live. Discover now