Chapter 8

92 69 38
                                    

Chapter 8 : The Wedding

Lovina's Point of View

"Sige na ija, lumakad ka na" sambit sa akin ni Aleng Marya

Nahihiya at kinakabahan naman akong lumakad sa gitna ng mga tao. Nakaupo sila ngayon sa sahig at pinagmamasdan ako na nakangiti. Sa kaliwang bahagi ko ay mga babaeng nakasuot ng asul na bestida at sa kanan ko naman ay mga lalaking naka topless lang at asul na pambaba.

Dumako ang tingin ko sa lalaking naghihintay sa harapan ko ngayon, nakasuot siya ng barong at maluha luha akong tinitignan na naglalakad palapit sa kaniya. Baliw talaga kahit kelan

Hindi ko naman maiwasang ngumiti sa kabaliwan niya, at mapailing iling. Nakasuot ako ngayon ng puting bestida, nakalugay ang buhok at nakatakip ng belo ang mukha. Noong malapit na ako sa kaniya ay hinawakan siya sa balikat ni Tatang Marvic kaya tuluyan na itong naiyak.

Bakit ba to umiiyak hindi naman totoo to eh, kasal kasalan lang to. Pag-iisip ko.

"You're so beautiful" sambit niya

Pinalo ko naman siya ng marahan dahil na din sa kilig at inis na nararamdaman ko, "Tahimik." sambit ko nalang pero tinawanan niya nalang ako at pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya

Inalalayan niya akong umupo paharap sa pinuno ng bayang ito, nakangiti siya sa amin ngayon.

"Ikinagagalak ko na makakita ng panibagong kasalang magaganap sa harapan ko, nawa ay maging masaya kayo sa inyong magiging buhay mag-asawa" sambit niya sa aming dalawa

Binuksan na niya ang isang aklat sa harapan niya, "Ako ang pinuno ng bayang ito, binasbasan ako ni bathala upang magkasal ng dalawang tao nang sa gayon ay patuloy na managana at pagpalain ni bathala ang bayang ating minana" panimula niya

Tinignan niya ako at ibinigay sa akin ang isang pulang maliit na kandila, kinuha ko naman iyon at tinignan si Rence na tuluyan ng umiiyak. Grabe feel na feel

Tinignan niya din si Rence at binigyan ng kulay pula ring kandila, kinuha naman ito ni Rence at tumingin din sa akin.

May lumapit na dalawang tao sa amin ni Rence at sinindihan ang kandilang hawak namin, nagsalita ulit ang pinuno, "Ikaw lalaki, hawak mo ang kulay pulang kandila na sumisimbolo sa isang nag-aalab na damdamin at matibay na pangako ..." sambit niya kaya napatingin ako kay Lawrence na umiiyak, "Nangangako ka ba na mamahalin mo si Lovina Nicolas sa hirap at ginhawa,  sa kasaganahan at kahirapan, sa kalakasan at kahinaan araw man o gabi, at walang makapaghihiwalay sa inyo kundi ang kamatayan lang?" Tanong ng pinuno

"O-opo pinuno" sagot ni Lawrence na umiiyak pa din hanggang ngayon

Napatingin naman ako sa pinuno nang dumako ang tingin niya sa akin,
"Ikaw babae, hawak mo ang kulay pulang kandila na sumisimbolo sa isang nag-aalab na damdamin at matibay na pangako ..." sambit niya "Nangangako ka ba na mamahalin mo si Lawrence Imperial sa hirap at ginhawa, sa kasaganahan at kahirapan, sa kalakasan at kahinaan, araw man o gabi, at walang makapaghihiwalay sa inyo kundi ang kamatayan lang?" Tanong niya din sa akin

Bigla namang nanginig ang tuhod ko, ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal, ngayon lang ako tinablan. Nandito ako ngayon nakaupo ... para sa akin kanina isa lang itong kasal kasalan, pero ngayon napagtanto ko na pangako at pagiging mag-asawa na namin ni Lawrence ang pinag-uusapan dito. Isa na nga tong kasalanan na inihahanda kami sa maaring kahaharapan namin sa habang buhay naming pagsasama pero masyado pa kaming bata, 17 palang kami pareho?

Lockdown in Artworld (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon