Chapter 7: Tagong Bayan
Lovina's Point of View
Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo ngayon sa damuhan sa likod ng school, ang aga naman niya akala ko ba 8 pa siya darating? Nakangiti akong lumapit sa kaniya pero may wire pa din sa pagitan namin, tago ang part ng school na ito at wala masyadong tao.
"Pssttt!!" Pagtatawag ko kay Lawrence, "Pssttt!! Lawrence" pagtatawag ko ulit sa kaniya nang hindi niya ako lingunin.
Luminga linga pa ako sa paligid, baka kasi may nakarinig ng boses ko. Pero I'm sure wala pang mga tao, 7:30 am palang ngayon, 7:50-8:00 am madalas pumapasok ang mga studyante.
Nakita ko ang dahan dahan niyang paglingon sa akin at nagulat noong makita ako, napatayo rin siya bigla at saka nagsalita.
"Nandiyan ka na pala ang aga mo naman?" Tanong niya sa akin
Napangiti naman ako, "Hindi ako makapaghintay na makita ka eh" tugon ko naman
"Same here" sambit niya, "Follow me" dagdag niya saka nagsimula ng maglakad
Medyo malayo layo na ang nalakad namin at wire lang talaga ang pagitan namin, sa likod ng school na ito ay puro kakahuyan lang pero may naririnig akong tunog ng sasakyan sa malayo.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong niya habang naglalakad pa din
"Malakas ang tibok ng puso ko na dito daw ang daan eh" sambit ko, nakita ko naman ang pagngiti niya
Napatingin naman ako sa paligid, medyo abandonado na ang parte na ito, may mga sunog na kahoy din sa paligid at may gupit gupit na wire.
"Come over here ... I really want to hug you now " sambit niya
Napangiti naman ako sa sinabi niya at dahan dahang dumaan sa wire na ito palabas ng school, inalalayan niya din ako na hindi madaplisan ng mga tusok tusok ng wire.
Nang tuluyan na akong makalabas ay bigla na din niya akong niyakap, "Argh I miss you so much Lovi" sambit niya
Niyakap ko naman siya ng mahigpit, "Miss you too Rence " sagot ko
"Miss you more! I'm glad you can walk now" sambit niya at hinahalik halikan pa ang ulo ko
"Oh? What happened to your forehead?" Tanong niya sa akin unti unti na din siyang kumalas
Napakamot naman ako ng ulo, "Napaaway lang ..." sagot ko nalang
"What!?" Exaggerated niyang tanong
"Napaaway lang" sagot ko naman
Tinignan niya ako at nagtatangis na ang bagang niya, "Napaaway!?" Tanong niya uli, or akusa niya sa akin? Hindi ko alam it's more likely accusing or what
"Oo, napaaway lang" sagot ko nalang
Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng masama, "Nakikipag-away ka eh hindi pa nga magaling yang binti mo." Panenermon niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
FantasíaLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...