Chapter 11

58 44 11
                                    

Chapter 11 : Moonlight


Lovina's Point of View

Nandito kami sa kwarto ni Miah, nandito din ang tita niya. Magkasama sila sa bahay, buong pamilya niya ay kasama niya sa bahay, mula sa lolo hanggang apo hahhaha, ang cute lang tignan.

Malaki naman ang bahay nila at talagang yayamanin, pero ang simple lang nila mamuhay, may iba pa ngang bahay ang mga tita at tito niya pero nanatili nalang sila dito sama sama sa bahay na ito, para kahit saan sila mag tungo sa bahay na ito, maririnig nila ang boses ng bawat kapamilya nila dito.

"Alright you're done Miah ..." sambit ng tita niya, pinagmasdan ni Miah ang sarili niya sa salamin.

"Woww Miah ang ganda moooo~" sambit ni Elena

"Oo nga ang cute mo diyan" dagdag ko naman sa pagpuri ni Elena kay Miah

"Cute lang? Dapat maganda din" pagdedemand ni Miah

"Sinabihan na ngang cute ayaw pa" sambit ko kaya natawa naman silang dalawa,

"Ikaw na next Bianca ... come here" sambit ni Tita May,

Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa upuan na nasa harap niya. Nakaharap ako sa salamin at mula sa likod hinawakan niya ang mukha ko.

"You're so pretty iha, ano pa bang ia ayos ko sayo?" Pagpuri ni Tita May

"Nako tita nambola ka pa hahahha pero salamat po" pasasalamat ko naman

Ngumiti naman siya at sinimulan ng ayusan ang buhok ko, mukha at ang pananamit ko. Tumagal ng isang oras ang pag-aayos niya sa akin, ganun din naman katagal na oras niyang inayusan sila Miah at Elena. Worried tuloy ako at baka pagod na siya, 3 hrs na siyang nag-ayos eh.

"Open your eyes Bianca ..." sambit ni tita at dahan dahan ko naman itong binuksan,

Matagal akong napatitig sa mukha ko, gayun din sa suot kong damit, ako ba to?

"Wow namannn bessy Biancs iba ka na hindi ka talaga papaawat hahaha" sambit ni Elena kaya natawa nalang ako

"Ang ganda mo diyan sa red Bianca" dagdag naman ni Miah kaya nginitian ko naman siya

"Salamat " sambit ko while flashing my sweetest smile

"Hindi malabong mahulog sayo ang ka date mo ngayon iha hahah, maganda ka na nga kapag walang make-up mas gumanda ka pa ngayon" sambit ni tita, nahiya naman ako, nakaka overwhelm naman ang mga sinabi niya.

"Nako nakoo ... may asawa na yan bawal na yang lumandi at pagnakita kong lumandi yan ngayong gabi ewan ko lang" panenermon ni Miah, natawa nalang ako

Bumaling ulit ako kay tita at ngumiti, "Tita salamat talaga sa oras ah ... sa pag-aayos niyo po sa amin ... salamat po talaga at sorry din po sa abala" sambit ko

"Nako wala yun, masaya akong napaganda kayo ngayong gabi ... oh siya anong oras na oh ...7 pm ang lakad niyo diba?" Sambit ni Tita

"Opo " sagot ko, nakita kong tumayo na sila Miah at Elena mula sa pagkakaupo sa kama

"Hmm tita aalis na po kami, baka mahuli pa kami eh, 6:40 na" sambit ni Elena at tinignan muli ang sarili niya sa salamin. Naka dark blue backless dress siya ngayon at dark din ang make-up niya.

Lockdown in Artworld (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon