Chapter 19 : Gunshots
Lovina's Point of View
"Where have you been!? Are you aware what time is now!? Huh? It's already 10:30 pm in the evening Bianca! At ngayon ka lang umuwi! Alam mo bang sobra kaming nag-alala sayo ng Papa mo!? Nasa Hospital pa ang ate mo sabay ikaw nag gagagala ka na umaabot pa hanggang alas diyes ng gabi?! Huh!?" Galit na panenermon sa akin ni Mama
Napalunok nalang ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya, guilty naman talaga ako dahil anong oras na ako umuwi. Hindi ko lang kasi talaga kayang iwanan si Lawrence mag-isa, wala siyang makakasama kapag umuwi nako kaya hinintay ko na munang gumaan ang loob niya kahit papaano bago ako umuwi.
"I'm sorry-----"
"You're grounded! No gadgets in one week!" Pagtatapos ni Mama sa usapan at nag walkout sa harap ko
"Pero Ma----"
"No buts! O baka gusto mo gawin ko pang 2 weeks!" Pananakot niya sa akin
Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa sofa sa sala, nakita ko naman si Mama na umakyat na sa kwarto nila ni Papa. Haysss paano na to? Paano ko ma co contact si Rence? Paano ko siya ma che check!? Hindi ko nga alam kung kailan ulit ang sunod na kita namin sabay hindi ko pa siya ma co contact? Paano nalang!?
Tumingin ako sa kusina ng bahay ng may mapansing isang anino ng tao doon na sumisilip at tama nga ako may tao nga na nagtatago doon at sumisilip.
-
"Arghhh!!" Napasambunot ako sa buhok ko at napaupo bigla. Nahihirapan na naman kasi akong matulog haysss! Alas dos na ng umaga may klase pa ako mamaya!
Padabog akong humiga ulit sa higaan ko at mariing pinikit ang mga mata,
"Lawrence may sumaksak sa ate ko at kamukha niyo ni Sherwin ang taong pinagkakamalang sumaksak sa kaniya"
"H-Huh? May sumaksak sa ate mo?" Gulat na tanong niya, "At a-anong kamukha namin?" Dagdag na tanong niya pa
"Kamukha niyo ... I mean ahh ano ... kamukha niyo yung suspect"
"Huh? P-Paanong kamukha?" Takang tanong niya
"A-Ano basta kamukha niyo sila sa CCTV footage eh ..."
Nakita ko ang paglandas ng lungkot sa mga mata niya, "Iniisip mo ba na kami yun Lovi?" Tanong niya
"H-Huh ano hindi ah gusto ko lang sabihin sayo na may pangyayaring naganap na ganun"
"May tiwala ka ba sa akin Lovi?" Tanong niya
"Oo naman"
"Kapag sinabi ko bang hindi kami yun maniniwala ka?" Tanong niya pa ulit
"Oo naman"
"Good. Cause I'm telling you hindi kami yun." Tugon niya
Napamulat ulit ako matapos maalala ang mga pinag-usapan namin ni Rence kagabi, kung hindi nga sila iyon sino naman? Napatitig ako sa kisame at mukha ni Lawrence ang nakikita ko habang magkausap kami
![](https://img.wattpad.com/cover/220691912-288-k545753.jpg)
BINABASA MO ANG
Lockdown in Artworld (Ongoing)
FantasíaLockdown in Artworld : Ongoing Lovina Nicolas is a great artist. She loves to draw so much and she expressed her world through arts. She says that everything is perfect when she's facing her artwork. One day a magical book exist in her life. This b...