Chapter 3

10 0 0
                                    

Audition

"Gian! Para sayo oh." tawag ko.

Inabot ko sa kanya ang dala dala kong lalagyan ng pagkain. Naalala ko na hindi pa pala naisosoli sa akin ang lalagyan nung huli kong ibinigay sa mga kaibigan niya.

"Masugid talaga 'tong manliligaw mong Grade 9, ah." puna ng katabi niyang lalaki na talagang idiniin ang "Grade 9" na para bang ang laki ng agwat doon.

Lumingon si Gian sa akin, nakasimangot na kaagad bago ibinaba ang salamin. Syempre nakasimangot 'yan, palagi naman.

Laking gulat ko nang kinuha niya ang lalagyan sa aking kamay.

"Thanks." he said and turned his back on me.

He didn't even smile?! Asshole.

"Pahingi kami, Gian ah." sabi ng kaibigan.

Ngumuso ako at unti unti na ring napangiti. Sa wakas! Tinanggap niya na. Kinuha ng kaklase niya ang lalagyan ng pagkain na dinala ko noong huli at inabot sa akin.

"No. This is mine." sagot niya sa mga kabigan sabay tingin sa akin.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko roon.

"Adie, ito oh. Salamat ah." ngumiti si Alejandro.

"Ang damot mo pre!"

"You're welcome!" inalis ko ang tingin sa kanya at ibinalik kay Gian na mariing nakatitig sa akin ngayon. "Gian, uh, una na ako." ngumiti ako.

Masaya akong naglakad pabalik sa classroom. Feeling ko tuloy nagtagumpay na ako kahit unang step pa lang naman ang nagagawa ko.

Nang matapos ang klase ay dumiretso kami ni Emily sa building ng mga Senior High School. Doon kasi gaganapin ang audition para sa music club.

"Gonzales, Emily H." tawag ng babaeng senior high.

"Go, Em!" bulong ko.

Mabilis na ibinigay ni Emily sa akin ang dalang speaker at phone. Ako ang magp-play noon habang kumakanta siya. Mabilis siyang pumasok at hinawakan ang mic.

Nag thumbs up siya sa akin bago ko pinatugtog ang kanta. Habang kumakanta ai Emily ay lumilinga ako sa buong classroom. Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha. Judge siya? Magaling ba siyang kumanta? Bakit isa siya sa mga mamimili ng makakapasok? Hindi naman siya teacher ah.

"Sunod, dela Fuente, Adelaide V." sabi ng estudyante nang matapos si Emily.

Kabado akong naglakad papunta sa gitna at hinawakan ang mic. Napapikit ako nang magsimula ang intro ng kakantahin ko.

"The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath

Emeralds from mountains and thrust towards the sky

Never revealing their depth.

Tell me that we belong together

Dress it up with the trappings of love

I'll be captivated, I'll hang from your lips

Instead of the gallows of heartache that hang from above."

Dumilat ako nang matapos ang unang parte ng kanta. Tumitig ako sa magaganda niyang mata bago isinatinig ang chorus nito.

"I'll be your cryin' shoulder

I'll be love suicide

I'll be better when I'm older"

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya at maliit na bumuka ang bibig na para bang sumasabay sa kanta.

DestinedWhere stories live. Discover now