Chapter 23

3 0 0
                                    

Doctor

Bumalik kaming lahat sa kwarto, nagbibihis na ang mga pinsan ko dahil sa restaurant daw kami kakain. Muntik ko nang makalimutan na mayayaman nga pala sila at mas pipiliing kumain sa labas kaysa magbaon ng pagkain at dito na lang sa kwarto kumain.

Nakaupo kami sa isang pahabang lamesa, inilalatag na ang mga pagkain. Sobrang dami nilang inorder.

"Oh! Ilapag niyo ang mga phone niyo rito. Kung sino ang mauunang makareceive ng text o kahit anong notification, siyang magbabayad ng bill." sabi ni Ate Alondra

Ano? Shit! Sa dami ng inorder ay baka kulangin ang pera ko nito. Kinabahan ako dahil naisip na hindi kami ayos ni Gian ngayon at baka tumawag siya sa akin.

Or maybe not.

"Ganito talaga ang mga pinsan natin, Adie." Ate Astrid smiled.

"Ano? Ang daya niyo, damn!" si August.

"Ayan, ngayon natin tingnan ang dulot ng pagiging playboy mo."

Nagtawanan kami roon at unti unting inilapag ang aming cellphone sa gitna ng mesa.

Hindi ako nakakain nang maayos, maya't maya ko sinusulyapan ang cellphone ko. Please! Wag kang tatawag.

Kumuha ako ng hipon at inilagay iyon sa aking plato. Biglang tumunog ang isang cellphone na may kaparehong ringtone ng akin. Mabilis kaming nagkatinginan ng mga pinsan bago tiningnan ang cellphone. May tumatawag sa isang malayong cellphone.

Kresha S. May mga katabi pang sweet emojis doon. Iyon ang nakaregister na pangalan ng tumatawag. Thank goodness hindi sa akin. Nakita kong pumikit nang mariin si August.

Sinulyapan ni Angelo ang pangalan ng tumatawag. "Corny mo, pucha!" he laughed.

Mayroon uling tumunog na cellphone, sa tapat ni August.

"Shit." bulong ni Anais.

"Ian" iyon ang nakalagay.

"Pano ba 'yan, maghahati kayong dalawa sa bayad." si Ate Alondra.

"Badtrip." bulong ni August.

Natapos ang dinner at nakabalik na kami sa hotel. Hindi pa ata napagod ang mga pinsan at nagyaya pang maglaro ng truth or dare.

Umikot ang bote ng soft drinks at tumapat kay Ate Astrid.

"Astrid, truth or dare?" si Apollo.

"Truth." sagot ni Ate Astrid.

"Boring!" si Arabella.

"Nagbigay o nabigyan ka na ba ng hickey?"

They all laughed. Ako ay nanatiling nakangiti lang.

Tumingin muna si Ate Astrid sa akin bago sumagot. "Oo." she chuckled.

Nanlaki ang mata ko roon at napatawa.

Muling umikot ang bote at tumapat iyon kay Arkin.

"Truth or dare?"

"Dare." he smirked.

"I dare you to kiss your most beautiful cousin in here." Ate Astrid said.

Tumayo si Arkin at naglakad papunta sa gitna namin ni Ate Astrid. Pagkatapos ay inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

I froze with that. Arkin smirked at me.

"Woah! Damn," si Angelus.

Hindi pa ako nakakabawi ay umikot na ang bote at tumapat iyon kay August.

DestinedWhere stories live. Discover now