Chapter 13

4 0 0
                                    

Without Me

"Hey, tonight's our dinner." Laurent said in a hoarse voice.

"Yup, good luck! Magkikita na kayo ng bestfriend mo." I answered.

"Yeah. I hope nothing changed in our relationship. He's the only bestfriend I have before you."

"I'll call you later, excited si Mom e. Maghahanda lang ako ng isusuot." sabi niya bago binaba ang tawag.

Humilig ako sa upuan na nasa tapat ng aking study table at kinuha ang binder para magrewrite ng notes.

So far, na-eenjoy ko naman ang course ko. Two years na since I studied Dentistry and I can say, it is interesting. Ang bilis lumipas ng limang taon. Ito na agad ako. Ilang taon na lang tapos nang mag aral.

My life changed for the better, you can say that. Although my parents became really busy with their works, ayos lang naman dahil busy din ako sa paga-aral. I miss my old school, pero maraming hindi magandang memories doon kaya ayos na rin na hindi na ako nag-aaral doon.

I'm thankful I took the scholarship examination in my dream school. I'm lucky I passed, kung hindi, doon pa rin ako nag-aral ng Senior High School. Baka hindi rin ako nakamove on kay Angel at Gian.

Really? Nakamove on na ba talaga ako kay Gian?

I don't know. I have no idea. But because of the things I do, because I'm always busy, na-didivert ang atensyon ko sa ibang bagay, nakakatulong iyon para hindi ko na siya maisip. At ang tagal na rin, ilang taon na ang lumipas. I'm sure kung nasaan man siya ngayon, he's happy. Maybe he already has a girlfriend. He's happy now, he's better without me.

Inilabas ko ang bullet journal ko at binasa ang mga nakasulat doon. Puro kung paano ang takbo ng buhay ko ngayon. The mood board in the journal says I'm always happy. Iilan lang ang box na may markang malungkot ako .

I spent the day cleaning the house, watching movies, doing assignments at thesis. Iyon lang, palaging ganoon lang lumilipas ang weekend ko kung walang pasok. Sila Mama at Papa, palaging wala. Tuwing weekend, laging ako lang ang tao sa bahay. Dahil ang off nila sa trabaho, weekdays. Tuloy, halos hindi na kami magkita sa bahay.

Gumabi na pero hindi ako tinawagan ni Laurent. Baka enjoy na enjoy siya kasama ang bestfriend niya ngayon. Kahit kailan, hindi niya nasabi sa akin kung ano ang pangalan ng kaibigan pero ine-encourage niya akong sumama kapag nagkita sila para makilala ko rin.

I slept early and woke up early too. Naghanda ako ng agahan at mabilis na kumilos para pumasok.

"Good morning, Adie!" bati ni Hope.

"Oh! Good mood ka ngayon ah. Good morning din." sabi ko habang itinatali ang buhok.

"Mornin', Adie." bati ni Zachary.

Mabilis na nagtinginan at nagtawanan ang mga kaklase ko. "Uy! Sagutin mo na kasi 'to, Adie. Nakakaawa na e." asar asar ng mga kaklaseng lalaki.

"Shut up." umiling si Zachary habang nginunguya ang chewing gum niya bago bumaling sa akin at ngumisi.

Masyado talagang maangas ang isang 'to.

"Hindi ko type." nagkibit balikat ako bago ngumisi.

"Ooooooh!"  sigawan ng mga kaklase.

Ang mga OA na kaklase ay nagtakip pa ng mga labi habang inaasar si Zachary.

"Di ka pala type pre e!"

"Di ka ba titigil?" pikon na sabi ni Zachary kaya nagsilingon ang mga kaklase ko.

"Chill pre, joke lang." suko ng kaibigan niya.

DestinedWhere stories live. Discover now