Chapter 12

8 1 0
                                    

Years

"Ininvite kami ng pamilya ng bestfriend ko for dinner. Bukas." panimula ni Laurent habang ibinababa ang gamit sa upuan.

I smiled. "Oh? Edi mabuti. Magkikita na kayo sa wakas." sagot ko.

I'm happy for him, finally, magkikita na sila ng kaibigang matagal na nawala.

"You know what, I think maganda kung magkita rin kayo. Like, you know bestfriend ko naman kayong dalawa." sabi niya na para bang nagi-isip.

"Huh? E hindi naman kami close. It will be awkward for sure." kinuha ko ang wallet sa aking bag.

"E kaya nga magkikita para maging close rin kayo, diba. Big circle of friends." sabay tawa niya.

Tumayo ako at pumunta sa cashier bago umorder ng pagkain. Nasa fastfood kami ni Laurent ngayon para kumain. Weekend at wala akong pasok. Samantalang si Laurent, ewan ko.

"Pwede rin naman." sabi ko pagkaupo.

"Really? Papayag ka?" he asked. "Mabait naman iyon, medyo seryoso nga lang at suplado pero mabait."

Napatingin ako sa kanya nang maalalang nakapag handle na rin ako ng taong seryoso at suplado pero mabait, noon.

Halos matawa ako sa sarili nang marealize na hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin siya kahit sa mga maliliit na bagay lang.

"Ayos lang." sabi ko. "Wala ka bang balak magtrabaho?"

"I don't know. I don't need to work." he answered.

I rolled my eyes. Whatever!

"Kahit na! Tapos ka ng Engineering 'no. Sayang ang pinag aralan." sabi ko at tinusok ang chicken.

"Nagrereview pa ako for the board exam if you we're so oblivious to forget that." masungit niyang sagot.

Inirapan ko siya. "Arte mo. What I'm saying is pwede ka namang magwork while reviewing diba? Sabagay, if you want to focus that much in reviewing then..." parang ako rin ang sumagot ng tanong ko sa kanya.

"Excited ka ba sa dinner niyo?" pag iiba ko sa topic.

"Ofcourse. Limang taon ko rin silang hindi nakita, kahit anong paramdam wala. Si Kuya lang ang may communication sa kanila. Sa ngayon. Sa tingin ko nagkabalikan na ang Ate niya at si Kuya." nagkibit balikat siya na parang wala lang pero halatang excited na siyang pumunta sa dinner na 'yon.

"Balitaan mo ako kung anong mangyayari sa dinner niyo." I smiled.

I spent most of my time with school and Laurent. Hindi lang dahil sa bestfriend ko siya, dahil na rin palagi niya akong tinutulungan sa mga projects ko.

Emily went to different school but is still located in Cavite. Minsan lang kami nagkikita dahil sa hectic na schedule naming dalawa but we still managed to communicate through our phones.

I've met friends in school, sila ang palagi kong kasama kapag may groupings o di kaya ay kapag pupunta ng canteen. They were more of a college barkada na palaging nagyayayang gumala after a busy week.

Tumunog ang cellphone ko sa isang tawag.

"Hello?"

"Adie! May pasok ako ngayon pero isang oras na lang, are you busy? Can we meet?" maligayang sabi ni Emily sa phone.

"Hindi, kasama ko si Laurent ngayon pero sige. Saan?" sagot ko sabay tingin kay Laurent.

Nakatingin din siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Sa Tagaytay. Okay lang sayo?" she asked.

"Tagaytay? Ang layo, pero... ayos lang naman."

"Okay! Sige intayin mo ako, 1 hour class na lang naman. Bye, see you!"

DestinedWhere stories live. Discover now