Chapter 18

12 0 0
                                    

Welcome

Ate Gia woke up. Wala siyang naaalala, kahit ano at kahit sino, lalo na kung ano ang mga nangyari. Gian was supposed to introduce me to his family as his girlfriend but then we realized that this is not the right time for that. Especially now that his sister suffers from memory loss and she needs them so much.

Paminsan minsan ay bumibisita ako kay Ate Gia, just as a friend, or Ate Astrid's cousin and not as Gian's girlfriend.

I held her hand. "Hi, Ate Gia. I hope you feel well and remember things real soon. There are a lot of people who loves you, please remember for them," for me.

I smiled as she looks at the guitar in front of her, siguro ay may naaalala siya roon o di kaya naman pamilyar sa kanya ang bagay na iyon. I know she's listening, iyon nga lang hindi nagsasalita at halos hindi rin tumitingin kapag kinakausap.

Isang buwan na siyang gising pero tulala lang siya at hindi nagsasalita. Gian said that she barely goes out if her room, dalawang beses pa lang halos niya nakitang lumabas ng kwarto ang kapatid. Kapag kinakausap at bihita lang din silang tingnan sa mukha.

"Gusto kong makaalala na siya..." he said.

"I'm sure she will, she just needs time." alu ko kahit hindi ko sigurado kung makakatulong ba iyon.

"I'm sorry, I want you to meet my family formally but things just gets crazy. I'm sorry." sabi niya at kinuha ang aking kamay.

Nag iwas ako ng tingin at tumingin na lang sa harap ng sasakyan. Minamasdan ang bawat tubig na ipinapatak ng ulan.

"It's fine, I understand. Wala namang may gusto sa nangyari. But don't worry about it."

It's really fine. Wala naman kaming magagawa, naiintindihan ko rin na hindi ako pupwedeng ipakilala nang ganoon ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Na ganoon ang sitwasyon ni Ate Gia.

Kung ako ang nasa sitwasyon ni Gian ay iyon din naman ang pipiliin kong gawin. I have to put my family first.

"I'll take you home now." binitiwan niya ang kamay ko at inistart ang sasakyan.

Bakasyon na. Pero ang mga tao sa amin, palagi pa ring busy. Naiisip ko na gusto ko na rin magkaroon ng trabaho para hindi ako ang laging naiiwan sa bahay. Noong sobrang mahirap pa kami, palagi ring walang tao sa bahay dahil sa hanap buhay ni Mama at Papa, si Mama tumatanggap ng mga palaba ng kapitbahay, si Papa naman nasa construction site. Parang hindi naman din nagbago, ngayong medyo umayos na ang estado namin sa buhay, busy pa rin sila.

My friends, Vivian and Hope both went to a family vacation, si Emily ay busy sa boyfriend, at ako, nakaupo habang nakatanaw sa labas. Ang exciting!

"Hello, Em. Pwede ka ba ngayon? Gusto kong manuod ng movie at bored na bored na ako rito sa bahay e, pwede ba tayong magkita?" I said hoping "Yes" would be her answer.

"Hindi e, aalis kasi kami ng boyfriend ko, kung gusto mo bukas na lang?" she said.

"Ah, okay. Sige bukas na lang."

Naubos ang oras ko sa panunuod ng kung ano anong movies online. Gian is busy with his work ang family but can dtill manage to see me once a week. Sabi niya isang buwan na lang ay tapos na ang beach house. Thank goodness!

Ngayon ko balak ipakilala si Gian kina Mama. Since ilang buwan na kami, I've decided to introduce him to them.

"Anong papanuorin natin?" he asked.

As expected, hindi natuloy ang gala namin ni Emily ngayon, sabi niya at busy siya kaya nakalimutan niya na may lakad kami.

"Uh, yung action." I answered.

DestinedWhere stories live. Discover now