Chapter 15

8 1 0
                                    

Drunk

"Ngayon tayo mag bar." sabi ni Laurent sa tawag.

Aba at talagang kung ano ang sabihin niya ay iyon ang susundin. Maswerte siya at maagang natapos ang klase namin ngayon.

"Fine." sabi ko at ibinaba ang tawag bago iniligpit ang mga gamit.

Dumaan pa muna ako ng canteen para bumili ny pagkain bago umuwi, ayoko naman na magutom ako dahil ano pa bang ieexpect ko sa bar? Wala namang steak doon.

Saglit akong nagpahinga bago naligo at nag ayos. Nagauot ako ng isang itim na mesh ruched dress at isang itim na sling back heels dahil wala akong ideya sa kung ano ang dapat isuot doon.

Maya maya pa ay may bumusina na sa labas ng bahay namin.

"Lau!" sigaw ko bago isinara ang pinto.

"Hey, you ready?" tanong niya. "Ganda." he whispered.

I smirked. "Yup, oh nasan ang bestfriend mo?" sabi ko.

"Mag iintay na lang daw siya roon e." nagkibit balikat siya.

"Ah ganon ba, sige. Saan ba tayo?" sabi ko.

"Bar." tipid niyang sagot.

"Bar? Saan?"

"Sa Manila."

Sa Manila pa?! Ang layo non ah, akala ko naman dyan lang kami sa Focal Point.

"Bakit doon pa? Wala ba dyang mas malapit?" tanong ko.

"Adie, the bars in Manila are far better than the ones in here. Minsan lang naman e, atsaka may nag iintay satin remember?"

"Yeah, whatever."

Nakarating kami sa bar na sinasabi ni Laurent. Sa labas pa lang nito ay mukhang ang mahal mahal na. Mabuti na lang at maayos pa rin ang suot ko. Nasa taas ng barnay ang pangalan nitong "Prive".

"Let's go?"

Lumingon ako sa katabi at tumango. Sa pagpasok sa bar makikita ang magandang design nito sa loob. Ang daming tao at maingay. Ang mga ilaw, iba iba ang kulay at nakakahilo kapag doon ka nag focus.

"Saan tayo? Ang daming tao." sabi ko at mas lalong dumikit kay Laurent. Hindi sanay sa dami nang taong nakikita. "Lau, ang daming tao." sabi ko nang medyo nababangga na ako ng mga tao roon.

I heard him chuckle. "First time mo 'to?" he asked. "Halika rito." lumapit siya at nagpalit kami ng pwesto

Obvious ba? "Ikaw lang ang nakapagpasama sa akin sa ganito." sabi ko. "Nasaan ba ang kaibigan mo? Gusto ko nang umupo, Lau."

"We'll find him, nasa second floor daw siya e." sabi niya bago tumingala at luminga sa mga nasa second floor.

Ganoon din ang ginawa ko kahit hindi ko naman alam ang mukha ng kaibigan niya, nakihanap na rin ako.

Habang lumilinga natuon ang mga mata ko sa lalaking nakaitim na button down shirt at slacks. Nakahilig ang mga braso sa salaming pang harang habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw sa dancefloor. Ang hawak na rocks glass na may lamang alcohol ay ginagalaw galaw para maghalo ang yelo at kung ano man ang liquor na naroon.

"Ayun!" sabi ni Laurent bago ako hinila paakyat.

Jusko! Utang na loob, nagkita na kami kahapon lang tapos ngayon nagkita na naman kami. Ang galing naman ng tadhana sa parteng ito. Nakakatuwa.

Halos hindi ako makagalaw nang hilahin ako ni Laurent papunta roon. Shit! Siya ba? Siya ang bestfriend na sinasabi ni Laurent? Ilang beses ba kaming magkikita?

DestinedWhere stories live. Discover now