Chapter 25

10 0 0
                                    

Destined

Maputi, payat, matalino, maingay... maganda. Ganoon ko siya nakikita, she is really loud and confident. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya. I first saw her inside the canteen, abala sa pag kain samantalang ang dalawang kaibigan ay panay ang sulyap sa banda namin.

Tumitingin ako roon tuwing nararamdaman kong hindi na nakatingin ang mga kasama niya. Naka ponytail ang itim na buhok kaya kitang kita ang mukha. Her jaw is defined and her lips were red. Kahit na walang kahit anong nakalagay sa mukha ay natural nang maganda.

Hindi siya madaling babae. Iyon ang akala ko pero noong lumapit siya sa akin at binigyan ako ng pagkain, parang bumaba ang expectations ko sa kanya. She is confident, pero noong nireject ko ay parang agad na naubos ang confidence sa katawan.

Napatayo ako nang ipinatong niya ang dalang lalagyan ng pagkain sa binabasa kong libro. I'm just pretending to be busy, gusto kong makita niya na iniignora ko siya, para lang tumigil na.

Hindi bagay sa kanya na siya ang gumagawa ng first move. Nabasa ang libro ko kaya nag inarte akong nagalit sa kanya para tumigil sa ginagawa. Kahapon lang ay walang interes sa akin ito, ni hindi nga ako tinitingnan, pagkatapos ngayon? Binibigyan pa ako ng pagkain?

Kinabukasan din, nakatanggap din ako ng text mula sa kanya. Hindi talaga titigil 'to.

Ako:

Oh. The girl who made my book wet? I have no time for you.

Ganyan lang, susungitan ko lang. Panigurado hindi na ako rereplyan nyan mamaya. Ang mga ganyan pa namang klaseng babae, ayaw na hindi nirereplyan.

She's just not the typical junior high school girl. Iyong mga bata na maraming crush at aalamin kung ano ang pangalan ng mga crush, pagkatapos ay ititext at aasang papatulan sila.

Adelaide:

Hindi ko naman sinasadya e. At ginawa ko lang iyon dahil hindi mo tinaggap. Sungit masyado.

She even asked me for a date! What's wrong with this kid? Grade 9 pa lang siya, ang dami nang alam tungkol sa mga ganitong bagay.

Isang oras siyang nag intay sa akin, sa clinic. Mayroon kaming tinapos na project kaya na late ako ng dating doon. I feel sorry for her and I felt guilty. Nang makarating sa clinic at nakita kong nakatungo siya habang nakaupo sa bench.

I was just supposed to tempt her, titingnan lang sana kung madali bang makukuha ang isang 'to.

What happened?

"I'm sorry, nag intay ka pa. May report kaming ginawa ng group mates ko. I'm sorry."

"Wala iyon. Tara na?" she tried to sound cheerful.

"Give me your bag." I said.

"Huh? Hindi na, kaya ko naman 'to-"

Kinuha ko ang bag niya at isunuot iyon. Kahit dito na lang, makabawi ako.

"Masarap diba? Hindi 'yan mahal katulad ng mga kinakain mo, pero masarap din naman." she smiled.

Ganito ba siya sa mga nagiging crush niya? It is still impossible, isang araw at hindi ako pinapansin pagkatapos ntayon at gumagawa ng first move para mapansin ko. She's up to something.

We spent the field trip together, naiwala niya ang mga kaibigan niya. Mabuti na lang at naroon ako, kung hindi edi naligaw ito sa Amusement park. This is her first time, palagi rawng sa perya lang sila nagpupunta.

Sinundan ko talaga siya. Maaga pa lang ay napansin ko nang may sariling mundo ang dalawa niyang kaibigan.

"Sus! Ito na ba 'yon?" pagyayabang niya sa akin.

DestinedWhere stories live. Discover now