Chapter 24

2 0 0
                                    

Wedding

Kaya naman pagdating sa bahay ay hindi ako makatulog. Tulala na naman dahil sa nangyari kanina.

Wow, Adelaide. How can you be so stupid?! Inintay mo ng limang taon, ganon ganon mo lang pinakawalan. Ang galing!

Gusto ko bang balikan? Uhm... Syempre! Pero hindi na pwede dahil may girlfriend na, tapos doktor pa. Anong laban ng estudyanteng katulad mo? May isang taon ka pang mag aaral, at paniguradong masaya na si Gian sa kanya kaya huwag ka nang umasa!

Well, I'm happy for him. Always, sa lahat ng pagkakataon, kung masaya siya, kahit nasasaktan ako, ay masaya pa rin dahil alam kong maayos siya.

That's why you have to work hard. Mag sikap ka, dapat ay magkaroon ka rin ng titulo. Para naman hindi walang wala kung ikukumpara sa mga nakakasalumuha niya at nagiging girlfriend.

E ano naman? Break na kayo diba. Para saan pa 'yang mga gusto mong patunayan?

I'm so frustrated. My mind is contradicting. Sa buong gabi kong inisip iyon ay nakatulugan ko na rin.

"You broke up again?"

"Yeah." tipid kong sagot.

Tumabi si Laurent sa akin. "Ano na namang nagyari?" he asked.

"Wala, ako ang problema. Napagod."

"Napagod." he echoed. "What's your plan? He has a girlfriend now." hindi maitago ang panghihinayang sa boses.

"Wala, hindi ko naman aagawin ang pagmamay ari na ng iba. We're done. And I think he's happy with Amarah." I said sadly.

Wala na akong karapatang magpaka bitter at malungkot dahil sa una pa lang ay kasalanan ko naman talaga ang nangyari. I gave up, I gave him up.

Ang bilis kong sumuko, iyon ang nasa isip ko. Napagod ka lang Adie, sinukuan mo na.

The long year went quickly. Iyong akala mo ay magtatagal, pero sobrang bilis lang na dumaan. Maganda ang naging takbo ng second sem sa third year at ang buing taon ko sa fourth year college. I graduated as a Summa Cum Laude. And I went to Manila to work.

My friends and I built our own dental clinic. It was located in BGC. The clinic is perfectly fine, ang mga customers ay hindi rin naman nawawala. I even get to meet some local artists.

I work with Vivian and Hope. Hope is three months pregnant with a baby girl at ang ama ng dinadala, si Gregor.

Emily is working in Manila under a bank company while Laurent is a very good Engineer now. Iilang building na ang naitayo niya at lahat ng iyon, successful. Minsan ay magkapartner pa nga raw ni Gian sa trabaho.

As for Gian, our paths never crossed again. Maybe we're not really meant for each other. Maybe we're really meant to be apart. Siguro, kay Amarah siya nakatadhana. A doctor and an engineer, how cute.

Hindi rin ako nakikibalita dahil hindi madalas na nakakapagbukas ng social media accounts. Inabala kong maigi ang aking sarili sa trabaho.

At ako, single pa rin.

My family's life became so much better than before. Ngayong may trabaho na ako, napagdesisyonan namin na hindi na mag trabaho sina Mama. Papa isn't very cooperative, gusto niyang magpatuloy sa pagttrabaho at hindi ko na rin iyon kinontra. It is work and family that makes him happy.

It was Tuesday when I received a text messsge from Ate Gia inviting me to their grand wedding in Tagaytay. It was dated on March 25 and the theme is olive green.

Masyado akong natuwa at na touch nang malamang ginawa niya akong isa sa mga bridesmaids kahit na hindi naman kami ganoong ka close.

"Itatas niyo sabay sabay ang belo tapos tatakbo kayo palapit sa bride, okay?" itinutok ng photographer ang camera sa amin. "1,2,3...smile!"

DestinedWhere stories live. Discover now