Chapter 14

5 0 0
                                    

Brother

A month passed so fast just like how easily the wind blew the leaves from it's tree. Sa sobrang bilis ng panahon, mabilis din ang mga pangyayari at may mga bagay na gusto mong balikan dahil sa bilis nitong natapos pero imposible.

Tumunog ang cellphone ko at may natanggap na tawag galing sa pinsan.

"Hey! Adie, can I ask you a favor?" Ate Astrid was on the phone.

"Ano iyon, Ate?"

Umupo ako sa aking swivel chair at binuhay ang laptop.

"My bestfriend Gia needs someone who will do her makeup, I'm busy and she's in a hurry. Pwede bang ikaw na lang?" sabi niya.

"Uh, okay lang naman Ate. Saan ba iyon?" I asked.

"I'll text you the location, thank you, Adie at pasensya na sa abala." sabi niya bago pinatay ang tawag.

Simula nang natapos ang prom night namin, natuto na rin akong mag makeup. Palagi akong tinuturuan ni Ate Astrid. Ang mga pinag practicean kong makeup, puro sa kanya galing.

Naligo ako at nagsuot ng isang dark green long sleeve top, faded pants at puting sneakers.

Pumasok ako sa isang maganda at engrandeng subdivision. Ang mga bahay, ay kasing laki ng kina Ate Astrid. Walang mga tao sa daanan at wala ring mga sasakyan na naka parada roon. Lahat, nasa parking nila.

Bumaba ako sa tricycle na tumigil sa tapat ng isang sobrang laking bahay.

"Good morning, Ma'am. Ano pong sa kanila?" tanong ng guard.

Grabe, may guard!

"Uh, si Gia po?" sabi ko.

"Ah, teka sasabihin ko kay Ma'am, may bisita siya. Dito ka muna." binuksan ng guard ang gate at tumayo lang ako sa gilid noon.

Iginala ko ang aking oaningin sa paligid ng bahay nila at nakita sa garahe ang pamilyar na SUV. Maya maya pa ay lumabas ulit ang guard. "Ma'am, pasok ka raw."

"Salamat po." I smiled.

Binuksan ng katulong ang double doors ng bahay nila bago ako pumasok.

"Thank you po." sabi ko.

"Oh, hi! Kain ka muna ah? Pabababain ko si Gian para mag asikaso sayo." sabi niya bago mabilis na tumalikod sa akin para umakyat.

Gian?!

Oh shit, Gia. Siya si Gianna? Yung Ate ni Gian!

"A-Ah! Hindi na po, andito naman ang katulong." sabi ko at tumingin sa katulong nila na nasa gilid ko pero nakaakyat na siya.

Gusto kong umalis na ngayon din sa bahay nila pero wala na akong magagawa.

Napansin kong nakatingin ang katulong sa dala kong makeup bag pero mabilis ding lumipat ang titig sa aking mata saka ngumiti. Siguro at curious siya kung ano ang dala ko.

"Hello po." I smiled at her.

Ngumit siya at lumapit sa akin. "Ano 'yang dala mo?" turo niya sa bag.

"Mga makeup po, aayusan ko si Ate Gia."

"Ah oo, aattend nga ng party 'yon."

"What?" iritadong sagot ng kapatid.

Tumingala ako at nakita ang sobrang laking chandelier sa itaas. Ang ganda noon at kumikislap ang mga batong nakasabit.

"Samahan mo muna si Adie rito." tumingin siya sa akin at ngumiti. "Maliligo lang ako ha?"

DestinedWhere stories live. Discover now