Chapter 20

5 0 0
                                    

Time

Nagrereview ako ng lesson para sa mga exam namin mamaya sa ilalim ng puno kung saan kami madalas tumatambay ni Laurent.

"Adult dentition, the permanent teeth of adulthood that either replace the primary dentition or erupt distally to the primary molars." pumikit ako nang mariin. "Curretage, scraping and cleaning the walls of a real or potential space to remove pathologic material." bulong bulong ko.

"Adie!" lumapit sa akin si Hope.

Sinikop ko ang aking buhok at inilagay iyon sa likod ng tenga.

"Bakit?" I asked.

"Tapos ka na? Magti-time na. Tara na?"

Tumango ako at nagbuga ng hangin. Kailangan kong ipasa ang exam na ito.

Isinulat ko ang pangalan sa answer sheet at nagsimulang mag sagot. The exam was pretty easy. Midterms namin at gustong gusto kong pumasa sa lahat ng exam. Ayoko nang maulit pa na ang nangyari noon na bumagsam ako kaya nawala ang scholarship.

"Kape tayo?" si Hope.

"Yes! I deserve this. Thank goodness tapos na ang exam!" sinuklay ni Vivian ang kanyang buhok.

"Adie, don't tell me hindi ka sasama."

"Then I won't.." sagot ko.

"Come on! Minsan na nga lang tayo lumalabas e. Please? Treat na natin sa sarili ito."

"Fine." wala na akong nagawa.

I always make myself busy everytime. I focused more on my acads, I barely go out of my house, I always study. Simula noong nangyari sa bar, hindi ko na kailanman pinansin si Rufus while Zach, Emily, Hope, Vivian and Laurent remained being my friends.

"You're cold." puna ni Hope.

Napaangat ako ng tingin sa kanya pero kaagad ding nag iwas.

Ngumuso ako. "I'm sorry."

Bukod sa mga kaibigan, wala na akong ibang naging balita pa sa ibang tao. Ang tanging pagkakataon na lumalabas ako sa bahay ay kapag pinipilit talaga ng pinsan at kaibigan.

"Congrats! Pumasa ka sa board." ngumiti ako.

"Anong nangyari sa inyo ni Gian?" tanong ni Laurent. Binalewala ang sinabi ko.

Ah, so hindi pa naikwento ni Gian.

"Ayokong pag usapan." umirap ako at humiga sa kama niya.

"Oh come on, Adie. Ang tagal na ah? Ilang buwan na 'yon pero hindi mo pa rin naikukwento sakin."

I pouted. Iyon ngang limang taon na nagdaan, hindi ako nakamove on ito pa kayang ilang buwan pa lang?

"Come on, sige. Tatawagan ko na lang si Gian at papupuntahin dito para-"

Napabagon ako roon. "Shut up, Lau!" sigaw ko. "Angel and Gian kissed. That happened." I said.

"Did you give him a chance to explain?" he asked. "Did he kiss Angel?"

I get it, alright? He trusts Gian, he's his bestfriend. Huminga ako nang malalim at natantong hindi ko nga siya binigyan ng chance na magpaliwanag. Naniwala ako at nag rely sa point of view at sa nakita ko. What for? Edi kung gusto biya kay Angel, doon siya. I don't need a cheater in my life.

Hindi ako sumagot sa tanong ni Laurent.

"See? Hindi mo binigyan ng chance, paano kung si Angel ang humalik-"

"Paano kung si Gian ang humalik? Paano kung gusto rin ni Gian na maghalikan sila?" putol ko sa kanya.

"Paano kung hindi?" he asked in a very serious tone.

DestinedWhere stories live. Discover now