Chapter 5

6 1 0
                                    

Field Trip

Alas quatro pa lang ay gumising na ako. Kailangan kasing 5:30 ay nasa school na kami. Nagmamadali akong kumain bago naligo at nag ayos. PE Uniform lang ang suot namin ngayon para raw pare pareho at madaling hanapin kung sakaling mapahiwalay.

"Good morning Mama! Aalis na po ako." sabi ko at lumapit sa kanya para yumakap.

"Okay, mag ingat ka anak. Nandyan na ata ang tricycle ni Joven, doon ka na sumakay." sagot niya.

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay dala dala ang bag.

"Kuya Joven! Pahatid po." sigaw ko sa kapitbahay namin.

"Oh, kasama ka pala sa tour? Halika na." sagot niya.

Nakarating ako sa school, nakapila na ang mga bus sa labas at ang dami na ring estudyante roon. Pumasok ako sa school at mabilis na hinanap sila Angel at Emily sa alon ng mga tao. Sobrang sikip dahil halos lahat ay nasa gate. Hindi pa naaayos ng mga teachers ang estudyante kada section.

Tinutulak ko ang bawat estudyanteng nasasalubong ko pero dahil sa sikip ay halos hindi na nila maramdaman iyon. Isang tulak ko sa lalaking nasa harap ay agad akong nagsisi.

Nanlaki ang mata ko nang makita king sino iyon. "Oh my gosh!" napahawak ako sa aking bibig.

"Adelaide." mariing bulong niya. "What are you doing?"

"I'm sorry, hinahanap ko kasi sila Emily kaso ang sikip kasi kaya..."

"Kaya ka nanunulak?" he smirked.

"Hindi, oo. Uh sorry, ang sikip kasi e." I pouted.

"Let's go, ihahatid kita sa kanila."

"Huh? Pero hindi-" hindi pa ako natatapos magaalita ay itinulak niya na ako palabas ng school at hinawakan ang aking balikat para igiya sa direksyon ng bus namin.

"What's your bus number?"

"5A." sagot ko

Naglakad kami papunta sa mga sasakyan at hinanap ang bus number ko.

"Adie!" si Emily na agad naghugis O ang labi nang makita kung sino ang kasama ko.

"Uy! Andyan na si Angel?" I asked.

"Wala pa. Hi, Gian!"

Nag angat ako ng tingin kay Gian at nakita kong tumango siya kay Emily bayo nagbaba ng tingin sakin.

"Uh, salamat sa pag hatid. Bumalik ka na, baka mahuli ka pa." I said.

"Okay,"

Inintay kong makalayo siya sa bus namin bago ako pumasok doon.

"Grabe! Level up ka na girl ah! May pag hatid pa?" asar ni Emily.

"Nakita niya lang akong nakikipag tulakan sa loob kaya nag magandang loob.." sagot ko.

"Hmm. Okay, sabi mo e..." halatang halata na nagpipigil siya ng ngiti. "Tabi tayo ah."

Nauna kaming pumunta sa dalawang museum. Gandang ganda ako roon kaya pagpasok pa lang ay naka ready na ang phone ko para kumuha ng pictures.

Nang matapos ang lahat ng pupuntahan sa Manila ay nag punta na kami sa Amusement Park na nasa Laguna. First time kong napaunta sa ganito dahil madalas ay sa peryahan lang. Pero hanggang laro lang kami roon dahil takot akong sumakay sa mga rides. Palaging iniisip na babagsak iyon o may mangyayaring kung ano.

Tuwang tuwa kaming tatlo nila Angel at Emily nang matapos ang pagtatatak sa aming braso at makapasok doon.

"Saan tayo unang sasakay?" si Emily.

DestinedWhere stories live. Discover now