Chapter 6

6 0 0
                                    

Hatid

"Ang lungkot naman! Umuulan." sabi ni Emily pagkapasok sa classroom.

Shit. Wala pa naman akong dalang payong.

Binuksan ko ang cellphone ko habang iniintay namin ang teacher sa pangalawang subject. Binasa ko ang texts ni Gian kagabi.

Gian:

It's not like that.

Hey, are you angry?

I'm sorry. Good night.

Ngumuso ako nang mabasa ang mga message niya. Nagpipigil na ngumiti.

"Sino 'yang ka text mo?" si Angel sabay kuha sa phone ko.

"Angel akin na 'yan!" tumayo ako para kuhanin ang phone sa kanya. "Angel!"

"Oh. Bakit? Secret ba? Boyfriend mo?" sabi niya pagkatapos ay tiningnan ang phone. "Hindi ka na nagsasabi sa amin ah." nagtaas siya ng kilay.

Bago pa niya mabasa ang nandoon ay nakuha ko na ang cellphone. Tumingin siya sa akin bago umirap. Agad akong nag reply sa mga texts ni Gian.

"Nagsasabi pa rin naman ako sa group chat ah. Atsaka kailangan ba lahat ng gagawin ko, sasabihin ko?"

"Ofcourse, Adie! We're paying you after this, dapat lang na alam namin ang takbo ng ginagawa mo. Katext mo si Gian?" iritado niyang tugon.

I looked at her and sighed. "Oo." I said calmly.

Pansin ko, Angel's really acting weird these past few days? Weeks? Basta. She's cold at parang palaging naiirita kapag nababanggit ni Emily ang tungkol sa amin ni Gian. Although wala namang kami, pero basta. Iyong misyon. Kapag nababanggit iyon, parang biglang nagbabago ang mood niya.

Hindi naman ganoon si Emily. Wala nga siyang pakialam sa ginagawa ko, kung mag update man ako ng tungkol doon o hindi. It's just Angel. I don't know.

Baka naman,

Oh no! Crush niya ba si Gian?!

Ako:

Paano kung galit ako?

He immediately replied.

Gian:

I'll fetch you.

What?

Ako:

Just kidding. Hindi ako galit :)

Gian:

Sanay ka bang sumakay sa motor?

Oh? Bakit niya naitanong?

Ako:

Oo, meron kami no'n pero ginagamit ni Papa para sa trabaho e. Bakit?

Gian:

Nothing.

Dumating ang teacher namin at in-announce na mamaya malalaman kung sino ang nakapasok sa mga clubs. Lahat ng sumali ay pupunta sa Senior High School building para doon mamayang uwian.

Gian:

Goodluck!

Ako:

Thank you.

"Angel, Adie ano? Tara na!" inip na sabi ni Emily sa aming dalawa.

"Ito na." mabilis kong inayos ang mga gamit ko at pasalampak na inilagay ang mga notebook sa bag bago iyon isinuot.

"Angel? Sasabay ka ba?" tanong ni Emily.

Lumingon ako sa nakaupo pang si Angel. Nakatingin sa amin gamit ang seryosong mga mata.

DestinedWhere stories live. Discover now