Chapter 22

3 0 0
                                    

Cousin

"Oh, bati na kayo?" Vivian asked happily.

Tumango lang ako at ngumiti.

"Alam mo bang usap usapan ka sa seniors ngayon? Dahil kay... Rufus." si Hope.

Ano? Anong meron kay Rufus?

Nag angat ako ng tingin. "Bakit naman?" lito kong tanong.

"Syempre nagagalit ang mga babaeng may gusto kay Rufus, inis na inis sa babaeng dinidate niya raw." pag singit ng isa naming kaklase.

Kunot noo ko silang tiningnan. Dinidate?

"Nag date ba kayo ni Rufus, Adie?" tanong ni Vivian.

Inilapag ko ang binder sa table. "Hindi." I sighed.

Akala nila nagdidate kami ni Rufus? Iyon ba ang pinagkakalat niya? What a supid boy!

"Hindi kami nag date, niyaya niya ako sa bar noon at pumayag ako pero hindi na nasundan." I said.

Bigla akong nanlamig nang narealize ang sinabi ko sa text, hindi binaggit ni Rufus kung date ba ang pupuntahan namin doon sa una niyang message sa akin pero sumagot ako ng "Sure." Baka naman kaya iyon ang kumakalat, na "date" iyon, dahil date pala ang yinutukoy ni Rufus sa message.

Ugh, bahala na. Ang mahalaga ay alam kong hindi kami nagdidate.

"Oh, suot mo na 'yang singsing ah. Dati nakasabit lang sa leeg at natatabunan pa ng uniform." ngumiti si Vivian.

"Engaged ka na?!" si Hope

"Wag kang OA, Hope. Napiktal ang chain ng kwintas kaya ko isinuot." I said and chuckled.

"Napiktal o piniktal talaga?" nagtaas ng kilay si Vivian.

Tumahimik lang ako at nagpatuloy sa pag aaral.

Nang mapadaan kami sa building ng mga fourth year, mabilis na nag kumpulan ang mga tao roon lalo na ang mga babae.

"Oh! She's dating Rufus, diba?" someone said.

"I hope she's not! They're not bagay. She's poor and Rufus is rich." sabi ng isang matangkad at payat na babae habang hini-head to foot ako ng tingin.

"Gold digger."

Here we go again.

"Oh! Adie, paano ka nakuha ni Rufus ha? Nag kiss na ba kayo?" tanong ng tropa niyang lalaki.

Ano?!

"Aba, ang bastos mo ah!" umamba si Vivian na susuntukin ang tropa ni Rufus.

Mabilis ko namang hinila ang brado niya para pigilan. "Viv, hayaan mo na." I said.

"Ako naman sunod, Adie!" may nagsabi pa. "Two timer ka pala." they laughed.

Hindi ko na pinag aksayahan pa ng oras ang mga iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang mga reaksyon nila, bakit? Is he a douche? A manwhore? I didn't know a thing about Rufus.

"I'm sorry, Adie. Hindi namin kaagad nasabi sayo, Rufus is a bad news. Playboy, whore, hindi ko na alam kung ano pabg malalanding salita ang magdedescribe sa kanya." Hope said in a small voice.

So, that explains why he's forcing a kiss. Kung bakit pinipilit niya na mag sayaw kami noon. Bastos!

Mabuti na lang ay graduate na si Rufus. Mga hindi maka move on na lang na kaibigan at mat gusto sa kanya ang magmumulto sa akin.

"May ginawa ba siya sayo, Adie?" tanong ni Vivian.

"Uh, bukod sa gusto niyang sumayaw kami sa bar, pinilit niya rin akong halikan sa kotse noong hinatid niya ako pauwi." I said.

DestinedWhere stories live. Discover now