Chapter 7

5 0 0
                                    

Motorcycle

"Adie malapit nang matapos ang two months mo." walang emosyong sabi ni Angel.

Sus! Wala ba siyang tiwala sa akin?

"Kaya nga, ihanda mo na ang 2,500 mo sa katapusan." I smirked.

Humagalpak naman ng tawa si Emily.

"Ang yabang mo, Adelaide! Yung sakin 500 na lang ang kulang. Sigurado kong nahuhulog na si Gian dito e." sabi niya.

"Whatever, matagal nakong merong pera. Siguraduhin mo lang na nagawa mo nga, baka naman niyayabangan mo lang kami." she said bago umalis.

Why is she so bitter?

"Anong problema non?" tanong ko kay Emily.

"Ewan ko dyan, inggitera. Palibhasa fi pinapansin ni Gian." Emily laughed. "By the way, may practice mamaya ang music club, tayo ang kakanta sa recognition ng Grade 11 at graduation ng mga Grade 12."

"Talaga? Saan?" kuryoso kong tanong.

"Edi saan pa? Sa Senior High School building syempre. Makikita mo na naman ang boyfriend mo." she giggled.

"Hindi ko boyfriend si Gian. Tigilan mo nga ako." sabi ko sabay kuha sa notebook ko at binuklat ang likuran noon.

Hinawakan ko ang sketch ng lalaki na hindi ko pa natatapos. His hair was messy, his eyes were dashing, his smile will take you to heavens.

Am I falling for you?

Nagising ako sa katotohanan nang malakas na tumunog ang cellphone ko.

"Kaninong cellphone iyon?" tanong ni Mrs. Profeta

Walang nagsalita. Bigla akong kinabahan.

"Sabi ko kaninong cellphone iyon?!" sumigaw siya.

Wala pa ring nagsalita. Hindi rin ako nagsalita pero nagtitinginan na ang mga kaklase ko.

"Kay Adie po, Ma'am." sabi ni Angel.

What the hell! Bakit niya ginawa 'yon?

"Dela Fuente?" sabi ng teacher.

"Ma'am, sorry po. Hindi ko nai-silent." sabi ko.

"Akin na ang phone mo."

"Po?"

Narinig ko ang halakhak ni Angel sa likod. What the hell is her problem?! Bakit ba ang bitchy niya ngayon! Napipikon na ako sa kanya ah.

"I said akin na-"

"Ma'am, sorry akin po iyon. Nag text kasi ang mama ko. May emergency po." sabi ni Matthew sabay lingon sa akin at ngumiti.

"Kanino ba talaga? Ay nako mga batang to!" sabi ng teacher at bumalik na sa unahan.

Ngumiti rin ako pabik sa kaklase. "Thank you." sabi ko kahit na hindi niya naririnig.

"Okay. I-silent niyo ang cellphone niyo habang may klase. Noon ko pa sinabi iyan sa inyo. Sa susunod ha." sabi ng teacher.

Natapos na ang klase pero hindi pa rin ako umaalis sa upuan. Inis na inis ako sa ginawa ni Angel. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Ano ba talagang problema niya?

"Angel anong problema mo sakin?" sabi ko.

Mabilis na nalukot ang mukha niya. "A-Ano?" tanong niya pabalik.

"Narinig mo ako. At ang tanong hindi sinasagot gamit ang tanong din. Hindi ka naman siguro tanga."

"Adie.." pigil ni Emily.

DestinedWhere stories live. Discover now