Nang maramdaman kong huminto ang sasakyan ay nagmulat ako, inaakala kong nakarating na kami sa bahay namin ngunit nakita kong nasa gitna kami ng traffic. Mabagal... halos hindi na umandar ang mga sasakyang nasa unahan."Anong meron?" Tanong ko sa kakabalik lang na si Eagan.
"May nagkabanggaan daw, e. Kaya ayun." Sagot niya pagkatapos i-buckle ulit ang seatbelt niya.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin.. nag-iisip ako... kung tanungin ko kaya siya ngayon, sasagutin kaya niya ako ng totoo?
Aish! Zyra! Kala ko ba hindi mo na muna iintindihin 'yan!?
Pero kailangan ko ng sagot...
"Nagugutom ka na ba?" Bago pa man ako makapagsalita ay nagtanong na siya saakin. Nakangiti ako ng tipid lang bago umiling sakanya.
"You're quiet. May nangyari ba?" Obserba niya saakin.
"I was just wondering..." mahinang usal ko at ibinaling ang paningin sa bintana.
"Wondering about what?" Interesadong tanong niya. Dahan dahan ay sakanya ko binaling ang aking paningin at diretso siyang tinitigan, mata sa mata.
"Kapag ba nagtanong ako, masasagot mo 'yon ng totoo?" Seryosong usal ko dahilan para mapuno ng pagtataka ang bukas ng mukha niya.
Zyra! You're ruining the happiness on him! Kanina ang saya niyo lang tapos ngayon nagsisimula ka nanaman sa pagdududang yan!
"W-What do you mean?" He's stammering.
"Nothing, don't mind me. Baka nga gutom lang ako." Biglang bawi ko kasabay ng pagngiti ng malambing sakanya. May ibang pagkakataon pa naman para don. Kinonsidera ko na rin ang sinabi ng boses sa utak ko at narealize kong may punto iyon.
"Alright, hintayin lang muna natin 'tong kaganapan sa labas at didiretso tayo sa restaurant na malapit." He paused. "Gutom ka na ba talaga o makakapaghintay pa 'yan?" Biro niya ng may pag-aalinlangan.
I chuckled to take off his doubt. "Nah, it can wait." Sumandal ako at inihilig ang ulo ko sa sandalan ng passenger seat. "How's the trip pala?" I asked after I remembered na nawala siya for the trip. I was just looking at him genuinely curious.
"Hmm, ayos naman. Boring lang kase wala ka d'on." Napatitig ako sakanya dahil sa sinabi niya.
"Huh? Ano mo 'ko, entertainer?" Nakangiwi kong biro.
Siya naman ang napatitig saakin kapagkuwan ay natawa. "What I mean is, na-boring ako kase wala ka doon. Wala akong makakausap ng maayos, wala akong maaasar, wala akong mapipiko... wala akong maiinis." pabagal nang pabagal at pahina ng pahina ang mga sinasabi niya dahil patalim ng patalim ang tingin ko.
"Ah gan'on? So, gusto mo lang akong inisin tsaka asar-asarin para 'di ka maboring?" Singkit na ata ang mata ko sa sobrang talim ng titig ko kay Eagan.
"Wala akong sinabing gusto kitang asarin para hindi ako maboring!" Biglang depensa niya—medyo kabado. "Ibig lang sabihin nung sinabi ko, It's never boring whenever I'm with you..." agad naman akong nalusaw. "...na I'm always active whenever you're around. I always had fun teasing and irritating you, because that's me—showing my love for you."
Bumalik ang 'ha?' look ko dahil doon.
"Pa'nong pagpapakita ng pagmamahal ang pang-aasar at pang-iirita, ha, Francisco?" Nakapameywang na ako habang nakatingin sakanya hinampas ko din siya sa kanyang braso.
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Teen FictionMemories are so important in everyone's life. Once you've forgotten it, you'll feel empty and incomplete. Because of a sudden accident, Zyra Marquez's memories were taken away from her. A 17-year-old lady who just wants to do things on her own. Own...