CHAPTER 6

59 5 0
                                    


"Anak, Zyra. Halika dito dali! Saluhan mo akong kumain." Boses ng isang babae at may batang lumapit sakanya.

"Mama, nakita mo po si Zara?" Tanong ng batang babae sa mas nakatatanda sa kaniya.

"Naroon siya at naglalaro kasama mga kaibigan niya, kumain ka muna bago ka makisali sakanila upang may laman ang tiyan mo okay?" Sabi nung babae kaya tumango ang bata.

"Hi, Mahal! Kamusta?" Tanong ng babae sa lalaking pumasok sa kainan na humalik sa pisngi ng babae.

'Pamilyar ang tindig niya' sabi ko habang patuloy pinapanood ang isang pamilyang iyon.

Maya-maya ay may pumasok na batang babae na kasing tangkad nung isa ngunit ang pumasok na bata ay umiiyak.

"Zara? Bakit ka umiiyak?" Biglang lumapit ang babae na halata ang pag-aalala sa muka.

"M-mamà, inaaway nila ako! Huhuhu!" Iyak ng bata kasabay ng pagsinghot. Dali dali namang lumapit ang isa pang bata at niyakap ang batang umiiyak. Kapatid 'ata niya.

"Sino nang-aaway sayo, Za? Tara aawayin din natin. Ganti tayo." Sabi naman ng batang tinatawag na Zyra—kapangalan ko.

Tumawa ang ina nila at lumuhod upang magpantay ang mga mukha nila. "Masamang gumanti sa iba, okay?"

"Mamà, pa'no kung bad sila?" Tanong nung Zyra.

"Edi lalo kang maging mabait sa kanila." Sabi ng babae sabay ngiti.

"Pero, ma! Inaaway nila ako! Maliit daw ako! Tapos —tapos a-ampon lang daw ako!" Sabi naman nung batang umiiyak.

Natigilan ang mag-asawa habang ang bata ay nagtatakang nakatingin.

"Ma, ano yung ampon?"

"Wala yun anak, gusto niyong maglaro?" Pag-iiba ng topic ng lalaking tatay marahil nila.

Biglang sumigla ang muka nung Zyra at natigil naman sa pag-iyak yung Zara. "OPOO!" Sabay na sigaw ng mga bata kaya natawa ang dalawa.

"Sinong taya?" Natatawang tanong ng babae dahilan para magtilian ang mga bata dahil alam na nila kung sino ang hahabol sakanila.

"I'll give you ten seconds to run, 1... 2... 3..." The father said then the three ran as fast as they can just to not be close enough to get caught first.

They giggled, they laughed, they ran, they smiled, they enjoyed their family moment and they had the bestest day of their lives.

Nakita kong pumasok ang pamilya sa loob ng kabahayan matapos ang nakakapagod ngunit puno ng kasiyahang paglalaro. 'Di ko alam pero sinundan ko sila sa pagpasok at tila natulos ako sa kinatatayuan ko, sobrang pamilyar ang kagamitan sa bahay na ito.

Inilibot libot ko ang paningin ko ngunit hindi ako pwedeng magkamali, BAHAY NAMIN ITO!!

Nakita ko rin ang picture frame naming buong pamilya.

So, ibig sabihin —yung babae si... mama!?

Nagising akong naiiyak ngunit sandali akong natigil ng makita ko ring kagaya ko, ay umiiyak ang kakambal ko.

"Z-Zara?" Nanghihinang tanong ko sakanya.

"Ayos ka lang ba? Anong nararamdmaan mo? May masakit ba?" Tanong niya saakin habang hawak hawak ang kamay ko.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon