WA: VIOLENCE
"E-Eagan," sabi ko at huminto naman siya pero hindi ako nililingon. "Pwede ba kitang makausap?" Malungkot ang boses na ani ko. Hindi sumagot si Eagan kaya marahan kong hinatak ang manggas nito. "Huy," pagod na pagtawag ko sakanya. Oo. Pagod na ako, pero hindi ako pwedeng sumuko dahil lang sa sinabi ng babaeng 'yon. "Bakit ba hindi mo 'ko kinakausap?" My voice broke because of the overflowing emotions that I am feeling at the moment.
Dahan dahan ay humarap siya saakin. Galit, sakit at pagkamuhi ang dinadala ng mga mata niyang kanina ay malamig lang ang tingin.
"Hindi mo ba taaga alam? O, nagkukunyari ka lang na walang alam?" Ngumisi siya ngunit nananatili ang mga emosyong kinakatakutan ko sa mga mata niya.
"Magtatanong ba ako kung alam ko? At tsaka, Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong ginawa, ah? Bigla mo nalang akong iniwanan para masayaw yung babae mo! Hinintay kong matapos ninyo ang isang buong kanta, pero ano? Siya na isinayaw mo sa buong gabi!" Nangingilid ang luhang paghihimutok ko. "Tapos ngayon sasabihan ako ng babae mo na hiwalay na tayo!? Kailan tayo naghiwalay, Eagan!?" 'Di ko na napigilang tuluyang mabasag ang boses dahil sa hinanakit ko.
Tumawa siya ng mapakla. "E, ano yung sainyo ng lalaking 'yon? Sinayaw ka rin naman niya 'di ba?"
"Dahil nakita niya akong mag-isa! Tinanggihan ko na ang pag-alok niya dahil nandyan ka—"
"CUT THAT FUCKING BULLSHIT!" Bigla ay napaigtad ako sa lakas ng sigaw niya, natakot ako, pero sinubukan kong labanan dahil ayokong hindi maayos ang pag-uusap namin. Ayokong maulit nanaman ang nangyari dati.
Kung noon ay kumalma siya pagkatapos makita ang gulat at takot ko, ngayon ay hindi, nananatili ang galit sa mga mata niya.
"'Wag mong idahilang tinanggihan mo siya dahil nakita ko kayo! Nakita ko kung pa'no ka niyang isayaw! Kung pa'no ka n'ya hawakan sa mukha! Kung pa'no ka niyang halikan!" Nangunot ang nuo ko bagaman lumuluha na. 'Hinalikan?'
"Hindi kami naghalika—"
"Wala akong pakialam." Biglang sabi niya sa malamig na tono. Natigilan naman ako at nasasaktan siyang tinignan. "Kahit maglampungan pa kayo sa harapan ko, Wala akong pakialam sainyo. Kahit maglandian kayo sa harap ko, wala akong pake. Lagi naman na kayong naglalandian, ano pa bang bago?" Sarkastiko at mapanlait na sabi niya kaya naubos na ang pagpapakumbaba ko at hindi ko napigilang padapuin ang palad ko sa pisngi nya.
Sinampal ko siya.
Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa sinabi nya saakin. Mapait ang titig na ibinigay ko sakanya. "Gan'yan ba ang tingin mo sa'kin, ha, Eagan?" Humihikbi nang ani ko. "Gan'yan ba kadesperada sa lalaki ang tingin mo sa'kin para halikan ko siya?" Tinulak ko siya. "Hindi ko siya hinalikan! Hindi ko siya hinalikan! Pinunasan niya yung luha ko dahil pinapaiyak mo 'kong gago ka!" Puno ng hinananakit na sabi ko habang patuloy na hinahampas ang dibdib niya.
May kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata pero agad rin siyang umiwas ng tingin, at nang maibalik niya ang tingin saakin, bumalik ang galit niyang ekspresyon. Tila nawawala sa sarili at hindi nakokontrol ang emosyon.
Bigla niyang hinawakan ng mahigpit na mahigpit ang dalawang pulsuhan ko dahilan para mapaigik ako sa sakit.
"E-Eagan... n-nasasaktan ako..." pilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero wala akong naging lakas laban sakanya.
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Teen FictionMemories are so important in everyone's life. Once you've forgotten it, you'll feel empty and incomplete. Because of a sudden accident, Zyra Marquez's memories were taken away from her. A 17-year-old lady who just wants to do things on her own. Own...