"Ayaw mo ba'ng lumabas labas, anak?" Tanong ni mamà kapagkuwan. Ilang linggo na rin simula nung nangyari ang nangyari sa supposed to be kasal ko. Nakalabas na rin ako ng hospital dahil hindi naman malala ang pagkawala ng malay ko. Nandito lang ako sa bahay namin ni mamà. "Mas maganda kung maarawan ka naman tsaka makalanghap ng sariwang hangin." Patuloy pa niya.
"Baka mamaya po, mà. Lalabas ako." Tanging sabi ko.
Sa totoo lang, ayokong lumabas dahil natatakot akong may maengkwentrong bagong pangyayaring ikasasakit nanaman ng puso at damdamin ko.
Natatakot ako na baka sa paglabas ko, mamulat nanaman ako sa reyalidad na ginamit lang nila ako, niloko, at pinagkaisahan. Gusto ko munang manatili rito dahil simula ng magkulong ako sa bahay na 'to, nakapagpahinga ako ng pansamantala. Sabihin niyo nang duwag ako pero para sa taong panay sakit nalang ang nararamdaman, may pipiliin ko pang manatili sa safe zone kaysa masaktan nanamang ulit.
Ngunit batid ko rin naman na kailangan kong humarap sa reyalidad dahil kahit gaano pa katagal ang pagtatago ko, alam kong darating ang oras na kakailanganin ko talagang harapin ang problema. Kung kaya ko namang gawin ngayon, bakit patatagalin ko pa? 'Di ba?
"Kain na?" Nakangiting alok ni mamà sa mga kamay niya na malugod ko namang tinanggap. Sabay kaming bumaba sa hapagkainan at gaya ng lagi nang ginagawa ni mamà, sinasandukan niya ako at hinahainan ng aking kakainin.
"Mà, you don't have to." Sabi ko na tinutukoy ang paglalagay niya ng pagkain sa pinggan ko.
"'Di ba sabi ko gusto kong bumawi? Halos tatlong taon din ng mawalay ka sa 'kin, anak. Na miss ko 'tong gawin sa 'yo, kaya hayaan mo na si mamà." Malambing ang boses niya kaya maski ako ay naglambing na rin.
"Salamat, mamà."
Pagkatapos kumain ay naligo ako upang gawin ang sinabi kong paglabas sa kabahayan na ito. After maligo at magbihis, inilabas ko ang cellphone ko at may tinawagan.
[Hello?] bati ng nasa kabilang linya na mukhang 'di pa nag-abalang tignan ang caller ID ng tumatawag sakanya.
"Good morning, mahal." Bati ko pabalik. Sandaling natahimik ang kabilang linya, animo'y natitigilang tinignan ang pangalan ng tumawag sakanya at maya maya lang ay sumigla ang boses niya.
[Zyra!] he laughed. [Good morning to you too, mahal.] punong puno ng kagalakan ang boses niya kaya napangiti rin ako.
Sa loob ng halos apat na linggong iyon, sinasanay ko na ang sarili kong si Harold ang nand'yan para saakin. Sinasanay kong siya na ang nakakasama ko, at siya ang nasa tabi ko. Nasanay na rin naman akong tawag tawagin siyang mahal dahil hindi na naman bago saamin 'yon, since nakakaalala na ako. I mean, s'ya naman talaga ang una at ang mas minamahal ko.
Sa lahat ng mga araw na nagdaan, masasabi kong unti unti na ring umaayos ang kalagayan ko. Mas nagiging komportable na ako dahil nasasanay na rin naman. At aminin ko man o hindi, alam kong hindi sapilitan ang pagiging masaya ko sa piling ni Harold. Sa piling ni mama. Sa piling nilang dalawa.
"Gusto ko lang sana magpasama." Nakagat ko ang labi ko ng maalalang parang kagigising lang n'ya. "Kung pwede ka lang syempre, pero kung pagod ka naman... okay lang." Biglang bawi ko na bahagyang napapikit pa.
Narinig ko ang marahang pagtawa n'ya at kakatwang gusto ko iyong paulit ulitin sa pandinig ko dahil nadadala ako sa gaspang ng boses niya at sa lalim n'on. [Sa'n gusto pumunta ng prinsesa ko?] Kapagkuwan ay masuyong tanong niya na nagdala ng kung anong kilig sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Teen FictionMemories are so important in everyone's life. Once you've forgotten it, you'll feel empty and incomplete. Because of a sudden accident, Zyra Marquez's memories were taken away from her. A 17-year-old lady who just wants to do things on her own. Own...