Nang matapos ang 15 minutes break namin ay dumiretso na kami ni Eagan sa next class namin which is Math's class, pero parang wala talaga ako sa hulog dahil kahit anong paliwanag ng teacher ay hindi ko makuha ang tamang sagot.Hindi naman sa mahina ako sa subject na 'to but it's just that... it's too hard to focus kapag may pakiramdam kang hindi mo gets kung ano.
"Kita nalang tayo sa cafeteria, Eagan, ha? I need to go to the toilet." Nakangiting sabi ko kay Eagan nang sabay kaming lumabas ng classroom.
"Okay, sure. See you." Tapos ay ginulo niya ang buhok ko.
Nakita ko si Agnes na lumabas ng katabi naming classroom—since magkaiba kami ng klase sa ibang mga subjects— at agad naman din niya akong napansin.
"Zyraaa!" Malakas na ani niya bago pa ako makapagsalita kasabay ng kanyang pagtakbo papalapit sa kinaroroonan ko at binigyan ako ng yakap.
"Hi, Aggy!" Bati ko pabalik at niyakap rin siya.
"Sabay tayo lunch?" Nakangiting tanong niya na tinanguan ko naman.
"Punta ka na sa cafeteria, nand'on na rin si Eagan, susunod nalang ako. Magsi-cr muna ako." Sabi ko at agad naman siyang sumang-ayon kasabay ng paghalik sa pisngi ko bago tumalikod.
"Hintayin ka namin, girl! Bilisan mo, o-order nalang din kami ng food mo." Pahabol na sabi pa niya.
"Dagdagan mo ng pizza yung pagkain ko, ha?" Pahabol ko pa na tinanguan niya lang bago siya kumaway.
Hinintay ko pa munang mawala siya sa paningin ko bago ako naglakad patungo sa comfort room. I looked at myself in the mirror as I wash my hands, sighing.
"Birthday na pala ni Eagan next week,"Pagkausap ko sa sarili ko habang pinupunasan na ang kamay ko ngayon gamit ang tissue na nasa gilid. "Ano kaya magandang iregalo?"
Hinila ko ang bag ko na nakapatong sa gilid ng lababo at kinuha roon ang pulbos ko at naglagay din ako ng kaunting lipgloss para hindi ako magmukhang maputla.
"Yung bagay na simple lang pero alam mong magiging meaningful sa kan'ya." Nagitla ako sa gulat ng may sumagot saakin at nakita ko ang babaeng lumabas sa isang cubicle.
"Uh? Excuse me?" Takang tanong ko habang hawak hawak ang takip ng lipgloss.
Ngumiti siya at naglakad patungo sa gilid ko upang makapaghugas din ng kanyang kamay. "Tinatanong mo sarili mo anong magandang regalo, e. Since may naisip akong isagot, sinabi ko na." She grinned.
"Atleast may sumagot sayo diba?""Ah, hehe." Tawa ko nalang.
"Ang peke, a'?" Nagulat ako dahil sa sinabi niya pero ng makitang nakangiti pa rin siya ay hindi ko na lamang pinansin. "Para sa boyfriend mo ba?" Tumango ako.
"Well, guys are different. Some are thoughtful but some expects a lot. But for me lang, a'? If a person loves you, like, for real? They wouldn't want something materialistic in return. Most of the time, if it's genuine love, just the presence of the person they adore is enough for them." Paliwanag niya. Napatango tango naman ako. "Materialistic ba yung boyfriend mo?" Maya at tanong niya.
Napaisip naman ako. Materialistic ba si Eagan? Parang hindi naman dahil hindi ko naman s'ya kinakikitaan ng interes sa kung anong mga bagay bagay. Although marami siyang gamit dahil mayaman naman sila, pero hindi ko talaga masabi dahil base na rin sa pag-oobserba ko tuwing kasama ko siya, hindi siya yung maluho sa mga bagay.
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Teen FictionMemories are so important in everyone's life. Once you've forgotten it, you'll feel empty and incomplete. Because of a sudden accident, Zyra Marquez's memories were taken away from her. A 17-year-old lady who just wants to do things on her own. Own...