CHAPTER 19

19 1 0
                                    


Matapos ang masasayang nangyari kanina ay dumiretso kaming lahat sa hapag kainan. Hindi man inaaasahang ganito ang kalalabasan ng pagpapatuloy ko kay Eagan sa kabahayan ay masaya ako.

Konti lamang ang kinuha kong mga pagkain— sa dinami rami ng hinanda ng mga katulong namin dito sa bahay— dahil kakatapos nga lang naming kumain ni Eagan.

"How are you two?" Biglang saad ni papà pagkatapos ng kanilang usapan nila tita at tito.

"Uh, we're doing fine, pà. Masaya naman po." Sabi ko ng nakangiti at nakita ko ang relief sa mukha niya at ang saya sa kanyang mga mata.

"That's good to hear." He smiled at me so I smiled back before returning my attention to the food in front of me.

"Anyways, we have a party coming up next week, we would like you to come. If you don't mind, of course." Baling sakin ni Tita Eliza.

"Ano pong meron tita?" I asked.

"Oh, yeah. I forgot to inform you. Well, next week kasi ay birthday na ni Eagan." Nakangiting ani tita kaya nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko.

"Birthday mo!?" Nahihiya naman siyang tumango. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" I pouted and I heard them giggled so I stopped pouting and just focused my attention to what he was about to say.

"Sasabihin ko naman talaga sayo dapat, e. Naunahan lang ako ni mommy. I actually want to ask you if you can be my date on my birthday as well." Napakamot kamot pa siya ng kanyang batok kaya hindi ko mapigilan ang tawang kumawala sa aking bibig na mas lalo pang lumakas dahil siya naman ang sumimangot at nagbigay ng masamang tingin.

"Sabi ko nga titigil na." Napalabi ako para pigilan ang tawa. Sandali pa akong nag iwas ng tingin upang bumuntong hininga at hinarap siya ng nakangiti. "Bakit naman hindi?" Sagot ko sa kaninang tanong niya sa malambing na boses habang pinipilit na 'wag tumawa kaya napailing nalang ang mga kasama namin at nagpatuloy kaming lahat sa pagkain.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil friday na. Mas nakakaexcite pumasok kapag friday dahil ang araw na iyon ay ang pinakahuling araw ng linggo.

Nag-unat unat muna ako bago tuluyang dumiretso sa banyo para gawin ang morning routine ko. Sinabihan ako ni Eagan na hindi niya ako masusundo ngayon dahil magkakaroon sila ng practice para sa basketball.

Pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng gate ay nakita ko si Harold at kaagad na kumalabog ang tibok ng puso ko sa kaba. Nakasandal ang kanyang likod sa gate habang nakapasok ang isang kamay niya sa bulsa niya at ang isa ay tamad na nakalaylay lang.

Marahil ay naramdaman niyang natigilan ang taong daraan kaya ay nag-angat siya ng kanyang tingin at hinuli ng malulungkot niyang mga mata ang saakin.

Bahagya mang nagulat ay nagawa ko pa ring magiwas ng tingin upang magpatay malisya na hindi siya nakita at nagdirediretso sa paglalakad. I saw in my peripheral vision that he will grab my arm so I immediately moved my arm in-front of me and walked faster.

*BA DUM BA DUM BA DUM*

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit ako at napahinga ng malalim at bumuga ng hangin.

*inhale*

*exhale*

*inhale*

*exhale*

*inha—*

"Ano ba!" Sambit ko matapos akong magulat dahil may biglang umakbay saakin.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon