CHAPTER 17

29 3 0
                                    



Naalimpungatan ako dahil sa boses ng babae na naririnig ko. "She's fine, tito. Kanina pa po ako tumawag sainyo, mga dalawang oras na rin po ang nakakaraan, hindi pa rin po kasi gising si—" napahinto si Agnes ng mapatingin siya saakin. "—Zyra! Tito gising na po siya!... sige po... opo... bye po."

Mabilis naman siyang naupo sa gilid ko at kabadong nagtanong. "Anong nangyari, girl?"

"A-Ahh... tubig, penge..." medyo namamaos na sabi ko at kinuha naman agad niya ang tubigan ko at pinainom ako.

"Oh, ano ngang nangyari at bakit dito sa clinic ang bagsak mo?" Nagbibiro ngunit bakas ang pag-aalalang usal niya.

Umiwas ako ng tingin. "W-Wala naman... may napag-usapan lang kami..." bulong na dugtong ko sa sinabi kong ako lang ang nakarinig.

"Ha?"

Ngumiti ako sakanya. "W-Wala... sabi ko, wala naman. Siguro dahil sa stress kaya nahilo ako at sumakit ang ulo ko, pero okay na naman ako." Hindi ako makatingin sa mga mata niya habang sinasabi iyon halata namang hindi siya kumbinsido sa sinagot ko sakanya pero nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya nagpumilit pa.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng may maalala ako. "Sino pala 'yong nagdala sa'kin dito?" Takang tanong ko at mukhang wala siyang kaide-ideya ng isasagot.

"Ewan ko rin... actually nasa classroom na ako ng pinatawag daw ako dito sa clinic, sabe ni maam Shion. Nandito ka raw at may nagpasabi na tawagin ako para bantayan ka." nakahawak siya sa kanyang baba na tila pinagtatagpi tagpi ang nangyari habang nag-iisip naman ako kung sino ang maaaring magdala sa akin dito sa clinic.

Nang maalala ko ang huling kasama ko kanina... si Harold.

"S-hit! Bes! O-Oh my..." bulong ko at agad naman akong nabalingan ng atensyon ni Agnes.

"B-Bakit? Hala! May masakit sa'yo!? Saan!? Nurse!!" Tuloy tuloy na sabi ni Aggy kaya hinila ko siya at tinakpan ang bibig niya. Thank God nurse Tin didn't heard her.

"M-Mukang alam ko na kung sino yung nagdala saakin dito." Bulong ko pa na akala mo ay may makakarinig saakin.

"Grabe ka naman makahila! Grabe ka maka-react! Hindi ka naman pala sure sa sasabihin mo!" Mahinang sigaw din ni Aggy matapos marinig ang sinabi ko. Kung may mahinang sigaw man.

"Kung iisipin mong mabuti..." panimula ko, at agad naman si Aggy na nilapit ang muka niya — ready for chika si bakla.  "Lumayo ka naman ng kaunti! Parang engot naman sa lapit 'to!" Nginiwian naman niya ako.

"Bilis! Pa bitin ka, e!"

"Nagmamadali!?" Inirapan ko siya. "Eto nga, kung iisiping mabuti... nung iniwan mo 'ko sa field, nakasama ko si Harold... nagkausap kaming dalawa tapos umalis siya—kasabay n'on yung pagsakit ng ulo ko at kung hindi ako nagkakamali, nang matumba ako ay may sumalo sa'kin." sabi ko na nagtaas bas ng kilay. "Hindi ko namukhaan kasi medyo blurry, e."

"Eh, ano naman ngayon?" Walang clue na aniya kaya napangiwi ako. "Gaga! You're not making any sense kasi!" Lalo akong napangiwi. "Umalis si Harold—nawalan ka ng malay. Oh, e, sino nga yung tingin mong nagdala sa'yo dito?" Napa-facepalm naman ako.

"Si Harold, bes! Si Harold yung iniisip kong nagdala sa'kin dito!" Tinignan niya ako na para bang napugutan ako ng ulo at siya naman ang napa face palm.

"Bes, wait, ha? Eto, para maging malinaw tayo... nung sumakit ulo mo, nakita mo pa ba si Harold n'on?" Napa-'ha?' naman ako. "I mean— Ugh! Nakita mo ba munang makaalis si Harold bago ka nawalan ng malay!?" Tanong niya at d'on naman ako napaisip.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon