One New Message ReceivedFrom: Eagan
'I think we need to talk.'
Pinakita ko iyon kay Agnes at tumango siya saakin tila sinasabing gawin ko dahil iyon ang mas makakabuti sa relasyon naming dalawa kaya naman napagdesisyunan ko rin bandang huli na sundin siya at kausapin si Eagan.
I don't want him to overthink things... I know he has a lot of questions in his mind, he needs clarification and I will give him that. It's better to hurt him with the truth than make him happy with a lie.
Iniwan na ako ni Agnes dito sa music building at ngayon ko lang nagawang mag-reply kay Eagan.
To: Eagan
'Sure, meet me at the playground.'
Kinakabahan ngunit nagmadali akong naglakad patungo sa pinakalikuran ng eskwelahan. Dahil malaki ang paaralan na ito, inabot ako ng mga sampung minuto bago nakarating sa playground.
Napatigil ako sa paglakad-takbong ginagawa nang makita ko ang likod ni Eagan. Tila nawala ang lakas ng loob kong harapin siya... tila gusto ko nang bumalik at 'wag nalang siyang siputin, ngunit naisip ko rin agad na lalo kaming magkakaroon ng hindi pagkakaintindihan kung hindi ko siya lalapitan at kung hindi kami mag-uusap.
Baka mas lumala lang ang nangyayari at baka mas masaktan ko pa s'ya ng higit pa sa sakit na posibleng nararamdaman niya ngayon.
'Baka mawala talaga siya sakin...'
Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng muli kong maisip ang pinakaayokong posibleng mangyari. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago siya nilapitan. Kinulong ko ng dalawang braso ko ang kanyang bewang, papulupot hanggang sa kanyang tiyan. Pinaghawak ko ang mga kamay ko at mahigpit siyang hinagkan patalikod. Naaamoy ko ang kanyang panlalaking amoy at ramdam ko ang kakisigan ng kanyang pangangatawan.
"Eagan," kasabay ng pagyakap ko sakanya ay ang mahina ngunit mababakasan ang lungkot na pagtawag ko sa pangalan niya.
Nagitla siya ng bahagya ngunit hindi naman niya tinanggal ang pagkakayakap ng aking braso sakanya. Naka-uniform pa siya. Ibig sabihin ba nito ay papasok dapat s'ya?
Iniangat ko ang paningin ko upang tignan kung akong reaksyon niya ngunit nakatingala siya sa makulimlim na kalangitan at nakapikit.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang medyo mapula niyang ilong. Muli akong kinain ng guilt at pagkahiya sa sarili kaya muli kong sinubsob ang mukha ko sa likuran niya.
"Nandito na 'ko." Nananatili siyang nasa ganoong posisyon habang humihigpit naman ang pag-akap ko sakanya. May kung anong kirot ako na naramdaman nang makita ko at mapagmasdan ng maigi ang itsura niya. Hindi lang pala basta pula ang ilong niya, ngunit pati rin ang kanyang medyo namumulang mga mata. He looks so fragile... so vulnerable... he looks like he's in pain.
In so much pain.
"Umiyak ka ba?" Tanong ko sa malungkot na tono ngunit hindi niya ako sinagot o nilingon man lang. Binaklas ko ang pagkakayakap ko sakanya at pumunta sa harapan niya at doon ko mas nakita ang paghihirap sa ekspresiyon niya.
Para akong sinaksak ng libo libong karayom ng makalipas ang mga segundong tinititigan ko sya ay tsaka niya ako tinignan pabalik. Nakita ko ang naghahalo halong emosyon sa mga mata niyang parang hinuhulaan ang iniisip ko.
Sinubukan kong hawakan ang gilid ng mga mata niya ng makitang may kakaunti pang bakas ng pagluha roon ngunit marahan niyang hinawi ang kamay kong hindi pa man rin nakakadampi sa pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Teen FictionMemories are so important in everyone's life. Once you've forgotten it, you'll feel empty and incomplete. Because of a sudden accident, Zyra Marquez's memories were taken away from her. A 17-year-old lady who just wants to do things on her own. Own...