CHAPTER 57

37 1 1
                                    

Memories (Part 2)

"Love, gising na, kakain na tayo." Dinig ko'ng boses ng napakapamilyar na tao at dama ko ang bahagyang pag-tapik niya saaking braso kaya dahan dahan akong nagmulat.

Bumungad ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko kaya agad akong napangiti at ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg dahilan para bahagya siyang matisod at mapalapit saakin.

"Mahal!" Gulat na sabi niya na ikinatawa ko lang.

"Goodmorning, handsome." I greeted him as I kiss his lips.

I felt him smiled. "Goodmorning, baby." He placed the tray—na dala dala pala niya—on the bedside table—still not taking my arms off of him before carefully lifting me as he sat on the bed's side and made me sit on his lap—paharap sakanya. "Kain ka na," he kissed my temple before reaching for the tray and helping me eat my breakfast.

Nagsimula akong kumain habang si Harold ay patuloy akong sinusubuan. He's always like this kapag magkasama kami, kaya hindi na ako naiilang dahil sobrang komportable ko na sakanya.

2 years ng pagmamahal... akala ko magiging masaya ang pamilya ko nung ipakilala ko siya, kaso sana pala hindi ko nalang iyon ginawa. Simula kasi ng malaman nilang may boyfriend ako at si Harold 'yon, hindi na nila kami tinantanan.

My dad would say that, that Eagan guy is good for me, but I don't think so, I know myself. I know who's gonna be good for me and papà knows who'll be good for his business.

Business. I sighed.

'Tao rin naman ako, pero bakit parang wala akong sariling buhay at kalayaan?'

"Mahal?" Nagising ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Harold.

Agad akong lumingon sakanya at ngumiti. "Yeah?"

"Pumunta dito ang pamilya mo," panimula niya dahilan para mabura ang ngiting nakapaskil sa aking labi at nangunot ng bahagya ang nuo ko.

"Anong ginawa nila dito?"

"Gusto raw nilang mag-sorry about sa ginawa nila sa 'yo," alanganing sabi niya. "Nand'on pa rin sila sa salas, gusto mo ba'ng kausapin?"

"Ayoko." Seryosong ani ko. "Paalisin mo sila, Harold. Ayoko silang makita."

"Mahal," he sighed. "Bakit hindi nalang ninyo 'to ayusin? At the end of the day, pamilya mo pa rin naman sila—"

"Pero hindi ko dama yung pagiging pamilya nila, Harold, e." Putol ko.

"Patapusin mo muna ako, okay?" He cupped my face and look directly into my eyes. "Malapit na 17th birthday mo, mahal ko. Gusto mo ba'ng magbirthday ka ng hindi kayo ayos ng pamilya mo?" Tanong niya. "'Di ba mas maganda kung sabay sabay kayong mag-ce-celebrate ng birthday mo? Come to think of it, magiging mas masaya kung ayos kayo, 'di ba?" He smiled.

Napatitig ako sakanya. 'How can this man not be mad at my family even though, they've caused a lot of trouble to us already?' Dahan dahan ko'ng inangat ang mga kamay ko at kinulong siya sa aking bisig.

Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likuran habang ang isang kamay ay humahaplos ng marahan sa aking buhok. "Pakinggan mo muna ang mga paliwanag nila, okay? Nasa 'yo pa rin naman ang desisiyon kung hahayaan mo sila o hindi, e. Susuportahan lang kita." Sabi niya.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon