CHAPTER 58

24 2 2
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko ng magkamalay ako. Napahawak ako sa bandang sentido ko at bahagyang minasahe iyon. Still with my eyes closed, I groaned as I tried to sit up but I don't have enough strength to do so.

"Mahal?" I heard a very familiar voice welcomed my ears. So, I slowly opened my eyes to meet the teary-eyes of the handsome man infront of me. "Mahal..." mahinang ani pa niya kasabay na ng pagtulo ng kanyang luha sa mga mata. He looks like he'd been awake for so long, and haven't had enough sleep. "Sobrang na-miss kita, Zyra..." he gently held the back of my head and hugged me.

Nakasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib habang inaalala ko ang lahat ng nangyari...

'M-My memories...'

Dahan dahang kumalas si Harold sa pagkakayakap niya at ikinulong ang aking magkabilang pisngi sa kanyang maiinit na palad.

"How are you, love? I was so worried. Akala ko magiging huli na ang lahat—akala ko magiging huli na ako..." Kahit natapos na ang mga pangyayari sa simbahan ay maririnig pa rin a kanyang boses ang kaba ngunit mas nananaig ang ginhawa dahil siguro hindi natuloy ang kasal. "May masakit ba sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Tanong pa niya ngunit nanatili akong nakatitig sakanya. Was it just my dreams... or my memories? It felt so true and downright real. It can't be just a dream. "Zyra? Magsalita ka naman..." nag-aalala na ang boses ni Harold.

Nang hindi pa ako nagsalita ay may kung ano siyang pinindot sa bandang itaas lang ng kama na kinahihigaan ko at maya maya lang ay may mga doctor nang pumasok. "Hi, I'm Doctor Lim, I was the one who examine your condition when you got here. So, how are you feeling?" Saad ng doctor.

Ano nga ba ang nararamdaman ko? Ano pa ba ang dapat kong maramdaman ngayon? "I-I d-don't kn-now..." nahihirapang ani ko. Sumenyas siya sa isang nurse ng kung ano at maya maya ay may ibinigay saaking isang baso ng tubig.

"Is your head aching? Anything you think is wrong in your body?" He continued.

"I-I had a d-dream..." sabi ko pagkatapos uminom ng tubig. They became interested at my words. "Naroon sa p-panaginip n-na 'yon n-na naaksidente a-ako..." napahawak ako sa aking ulo. "Hindi ko maipaliwanag... p-parang totoo, p-parang n-nangyari 'yon... h-hindi ko alam, pero parang may kulang pa rin." naguguluhang ani ko.

"It's okay, but based on your statement, you felt like it was true, right?" I nodded. "That could possibly mean that your dreams aren't just a dream. Maybe it was your memories. Something might have triggered it before you passed out but there's a 95% possibility that those are your lost memories." The doctor smiled. "Have some rest, you'll remember your memories sooner, just don't pressure yourself too much to prevent your head from hurting." Bumaling siya kay Harold. "Just press the button if you need something." Then he left.

Agad naman akong dinaluhan ni Harold. "Kamusta kalagayan mo, mahal?" Malambing ang pagkakasabi niya n'on sa akin. Unti-unti ay naalala ko ang napanaginipan ko at kaagad na sumakit ang puso ko sa isiping pareho kaming napagkaitan ng kasiyahan.

Naluluha akong napatingin sakanya. "H-Harold..." tila nagsusumbong ang aking tinig. "M-May naaalala na ako..." humihikbing sabi ko at niyakap siya. "Naaalala na kita."

Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking likuran at ang bahagyang paghaplos niya sa aking buhok. "Magiging maayos na rin ang lahat, mahal. Tahan na... sabi ko naman sa'yo 'di ba? Nandito lang ako." Kasabay ng paghigpit ng pag-akap niya saakin.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon