CHAPTER 45

25 2 1
                                    

'Di ko alam kung ano ang maitatawag sa ginagawa ko. Instead of going home because Eagan will no longer drop me home, nagtanong tanong pa ako sa mga close na friend nung Cameron na 'yon kung saang hospital ba silang dalawa.

I was on my way home when Tita Eliza called and asked if Eagan was with me, but I said no. She was panicking so, I was panicking as well, and was really nervous because the last thing he said is 'he' is 'with' that 'Cameron' girl.

At first, well, hindi naging madali dahil ayaw daw ipasabi, pero ewan, blinack mail ko nalang, grabe kasi. Nasasaktan ako pero nag-aalala ako para kay Eagan. Just by thinking na magkasama sila, nasasaktan na ako ng sobra.

'Sa'king girlfriend nga niya, wala siyang masyadong oras, pero dun sa babaeng 'yon, nakakasama pa niya ng ganito katagal!?' Ayokong hayaan siyang manatili roon nang gan'on katagal.

'Akala ko ba itinakbo lang sa ospital? Gan'on ba kalala yung sugat na 'yon para hindi niya maiwan-iwan? Wala ba'ng pamilya yung babaeng 'yon para siya pa yung magbantay? Bakit, kritikal na ba ang kalagayan at kailangan ng operahan?' Masyado na akong nag o-overthink!

Simula ng nagselos ako sakanila ni Zara, napapraning na ako na baka in the mean time, iiwan na niya ako kasi nagsasawa na siya sa akin dahil nga sa lagi laging pagiging clueless ko dahil 'wala' nga akong 'alam.' Gusto ko lang naman na siyang makasama.

'Sobra sobra ba kung hihilingin ko lang makuha kahit kaunting atensyon niya?' Hindi naman 'di ba?

I sighed before continuing walking inside the hospital and went to the front desk to ask for Cameron's room number. Asher—our driver—dropped me off at pinauwi ko na siya at sinabihang tatawagan ko nalang if ever.

"Room 143 po, ma'am. Third Floor." Kinakabahang sabi ng nurse na binantaan ko pa dahil ayaw niya akong papasukin kanina dahil hindi raw ako relatives. Pinagpilitan kong pinsan ako at isusumbong ko siya sa tito kong Lawyer 'kuno' na hindi ako pinapapasok kahit may 'karapatan' ako. Buti gumana.

Dali dali akong sumakay ng elevator at pinindot ang Third Floor button and when the elevator's door opened, I immediately ran to find that biatch's room.

"141, 142, There! 143!" I mumbled before letting out a deep sigh after knocking on the door. It took them thirty seconds to open the door.—Yes! I counted! Gan'on na ko ka praning! Gosh, I'm desperate!

A mid-30's man welcomed my sense of seeing. Maybe he is the father of the so-called-patient na dinala ng fiancè ko rito. Pansin ko lang, ha? Masyado nang nagiging harsh ang wordings ko, sorry. Sobrang pag-aalala lang talaga sa fiancè ko dahil hinahanap na rin siya sa kanila.

"May kailangan ka ba, hija?" He sounded so nice kaya medyo na-guilty ako sa pagsasalita ng kung ano ano sa anak niya.

"Uhm, dito po ba yung room ni Cameron?" I asked in an innocent and soft voice, and he nodded. "...nabalitaan ko po kasing nadala raw po rito si Cameron, kaya pumunta po ako." I smiled.

"Kaibigan ka ba ng anak ko?" So, I was right. He is the father.

"Opo, Mr. Miles." Sabi ko.

"Tito nalang, hija." Ngiti niya bago niluwagan ang pagkakabukas sa pinto at pinapasok. The room is big, well, kind of.

Nag-'thank you' lang ako before slowly walking just to see Eagan sitting beside Cameron's hospital bed while Cameron—on the other side—is lying on the bed while they were both laughing and giggling.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon