"Do I really need to come?" Frustrated na tanong ko.
"Yes! That's a family dinner, Zyra! You should come!" Pinanlalakihan na ako ng mata ni Zara dahil sa pagpupumilit kong hindi pagsama. Napabuga ako ng marahas na hangin habang bagsak ang balikat na tinignan siya. Looks like I don't have any freaking choice, then. "Is it really going to be JUST us?" Paninigurado ko.
Kinakabahan ako dahil may posibleng kasama at isasama ni papà sa family dinner na ito ang pamilya ni Eagan. I'm still not ready for us. I know how close Eagan's family to mine kaya ganto nalang ang kabang nararamdaman ko.
I don't know kung tama pa ba yung rason ko para makipag-cool off sakanya, at para iwasan siya pero kasi, may nararamdaman ako na habang tumatagal na hindi ko siya kinakausap, parang bumababaw ng bumababaw nalang yung mga dahilan ko sa pakikipag-cool off ko.
"Probably." Saad ni Zara kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Medyo lang. "Go! Dress up, Papà don't like to wait, 'di ba?" She said, trying to scare me.
"Oo na! Labas, labas!" Pagpapalayas ko sakanya at tuluyan nang sinara ang pinto.
Pairap ko na iniwas ang tingin sa pintong isinara pagkatapos ay tamad na tamad na pumasok sa bathroom ko para maligo.After ng ligo ko ay nagtoothbrush muna ako bago naisipang pumasok sa walk-in closet ko at mamili ng mga damit.
"Hindi naman formal dinner 'yon, 'di ba?" Bulong na sabi ko sa sarili ko. Aakto na sana akong isuot ang faded jeans at crop top na kinuha ko nang, as if on cue, may maingay na boses akong narinig.
"By the way, wear a dress! It's a formal dinner!" Sigaw niya. I placed the jeans and crop top back to their places. Formal then- "No, wait! Anyway, it wasn't really formal! Semi-formal lang!" Pahabol na sigaw niya. Napapikit ako. I sighed. Napakibit balikat na lamang din ako. Semi-Formal then.
"Great!" I exclaimed still sarcastically. I tried looking for a dress that suits me. Hindi masyadong marami ang dresses ko dito pero hindi rin naman masyadong kaonti. Sakto lang.
I was about to give up finding a dress when my eyes settled on the Wine Red off-shoulder Cocktail Dress that has a skirt that is 2 inches above the knee. Red is not really my color but I guess it's fun to try new things.
Medyo may kaputian naman ako kaya bumagay naman ang dress kahit papaano. It made my skin glow for some reason. Sinuot ko ang kwintas na nakita ko sa jewellery box ko na may pendant na pangalan ko sa kulay na Silver.
Itinali ko ang buhok ko sa isang messy bun at nag-iwan ng mga nakalaylay na buhok sa bandang gilid ng muka at kinuha ko ang black purse ko at doon inilagay ang cellphone at wallet ko.
"Zyra! Are you done!?" Rinig kong sabi ni Zara sa labas.
Umupo ako sa vanity chair ko at humarap sa salamin ng vanity table ko bago sumagot.
"Malapit na!""Faster!"
"Oo na! Sandali!" Sabi ko pero hindi niya rinig dahil sa sarili ko lang iyon sinabe habang hinahanap ang foundation.
I applied some make up that suits the color of the red dress together with the ruby red lipstick. I wore my 3 inches black heels at nagpabango pa ako muna bago tuluyang tumayo at labasin ang kwarto ko.
Bumaba ako at nakita ko si Zara na prente at komportableng komportable na nakaupo, pero halatang natatagalan na sa paghihintay dahil patingin tingin siya sa wristwatch niya.
"I'm done." Sabi ko at agad naman siyang napatingin saakin at bahagyang natigilan.
"I didn't know that red is your color?" She seemed amazed at my look. "We have the same lipstick choice today, huh?"
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Fiksi RemajaMemories are so important in everyone's life. Once you've forgotten it, you'll feel empty and incomplete. Because of a sudden accident, Zyra Marquez's memories were taken away from her. A 17-year-old lady who just wants to do things on her own. Own...