CHAPTER 34

32 2 0
                                    

"Kinakabahan ako..." sabi ko kay Zara na inaayusan ako.

"How many times do you need to say that?" She chuckled.

Pinagdikit ko naman ang mga palad kong nanlalamig at kiniskis iyon sa isa't isa upang mawala o mabawasan man lang ang panlalamig.

"Eh, sa kinakabahan ako, e? What do I do?" Natatarantang ani ko.

"Nakapag desisyon ka na ba kung sino yung magiging partner mo?" She is now curling my already wavy hair. D'on naman ako napa-isip. Sino ba talaga? Yung boyfriend ko, o yung taong nakuha na ang pagpayag ko nung una palang?

"I don't know..." mahinang ani ko. I wonder what Eagan's reaction will be? It's like, duh? He's my boyfriend pero iba makakapareha ko for the prom? Ano nanamang sasabihin ng mga studyante!? Hindi ba at may issue na kami ni Harold sa kanila? Ano nang mangyayari ulit?

"Ugh!" Inis na sabi ko at aaktong guguluhin ang buhok ng pigilan ako ni Zara.

"Sis! Be annoyed, but don't ruin your hair! It took me hours!" Natatawang pigil niya sa kamay ko.

"You nearly burned my hand!" Singhal ko ng makitang napakalapit ng pangkulot ng buhok na mainit pa sa kamay ko. Agad naman niyang binitawan yung pagkakahawak sakin.

"Ooops," mukhang narealise nga niya. "Sorry, I just can't let you ruin your hair?" Patanong na paliwanag niya.

"So, you'll burn me instead?" Sarkastiko ngunit nagbibiro ang tono ko.

"Chill! Take a chill pill, sis! Calm down!" Nakataas ang parehong braso na tila sumusuko na ani niya. I just laughed. A long silence covered our atmosphere, she is now doing my make-up. From the foundation, to the conceler, from the contour to the eyeshadows, then mascara for my eyelash.

"What do you think Eagan's reaction will be?" I asked her after the long silence.

"Who knows? But for the boyfriend seeing his girlfriend being with another guy? That will probably hurt his ego and his feelings too." She said.

"I know..." mahinang ani ko.

"Smile!"  Sabi niya ng maglalagay nalang siya ng blush on bago ang matte red lipstick.

"You're so beautiful!!!" She said. "Wear your gown na, dali!" Sabi ulit niya. Napapabuntong hininga ko namang kinuha ang gown ko at sinuot iyon.

Pagkatapos kong magbihis ay saktong tumunog naman ang cellphone ko. Tinignan ko ito at gan'on nalang ang kunot ng nuo ko ng makitang unknown number ang tumatawag.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

[Zyra! It's Harold, ready ka na ba? Susunduin kita!] Biglang sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"A-Ah! Nako! Harold, hindi na! May driver naman kami, ihahatid nalang ako ng driver namin." Agad na tanggi ko.

[Gan'on ba?] halata ang pagkalamya ng boses niya.

"Kita nalang tayo sa school, gusto rin sana kitang makausap." Sabi ko nalang at mukang naganahan naman siya dahil don, his voice lit up.

[Okay, Sige! See you! Ingat ka.]

"Yeah, See you." Nakangiting pamamaalam ko bago pinatay ang tawag.

"Sinong kausap mo?" Tanong ng kapatid ko ng makapasok siya sa kwarto ko. Lumabas siya kanina dahil nga magbibihis ako.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon