D's
"Di pa ba tapos yan ?" Sigaw ko kay jema na nasa fitting room.
Ewan ko ba't kailangan nya pang isukat yun eh alam nya naman ang size nya.
Yeah guys, nasa MOA kami ngayon nag sho-shopping SIYA ng dadalhin nya sa trip. Eh andami nya namang swim wear . nag suggest nga ako na mag rash guard na lang sya pero sinabihan lang ako nang KJ .
What? Ang init kaya and I'm just being a friend you know, ayoko mabastos sya. ☺
"Hoy?! Kanina pa kita tinatawag, tulala ka naman jan" oh she's here na pala
"Tapos na ba yan? Ba't ba kasi bili ka nang bili ng ganyan eh andami na nyan sa bahay mo" sabi ko sa kanya
"Ihhh, ayoko na nun, saka ulit-ulit na yun eh, gusto ko bago para pang IG hehe" yun lang? Haha
"Hayy, oo na, Tara na nga. Bayaran na natin yan" saka sya hinila papuntang counter.
Take note, ako yung pumila, at napakadaming 2-piece yung binili nya. Ano yun? Forever syang mag to-two piece? Pambihira
.
Pagdating ko sa counter inisa-isa ko yung mga pinamili nya para madaling ma punch ng cashier. Todo smile naman yung cashier sakin. Ano meron?
"Ahh miss? Would you please hurry up? May pupuntahan pa kaming shop eh" mataray na sabi ng katabi ko.
"Sorry po ma'am" haha naawa ako sa cashier. Jema naman kasi. Tsk.
Sya nag ang nagbayad at ako ang nag bitbit. Eto na ata yung papel ko sa buhay nya. Taga bitbit😑
"Kung maka ngiti naman kala mo naman maganda tsk" rinig kong sambit nya
."ano yun jema? Di ko narinig"
"Wala! Sabi ko bilisan mo nagugutom na ako ." dragon talaga to
"San po ba tayo kakain madam?" Tanong ko sa kanya
"Ewan ko sayo. Ikaw bahala"
"Ano ba problema mo? Ha jema? Di kita matantya" naiinis na talaga ako
"Ewan ko sayo bilis na jan"
"Sino ba kasi ang nang iinis jan. Bigla bigla ka na lang nagiging ganyan tsk" singhal ko
"Oo na sorry na. Kasi naman eh. Tara na nga kain na tayo" at hinila pa ako
.
.Dumating kami sa isang ramen house. Buti na lang comfort food ko yung naisip nyang ipakain sakin. Kundi.
"Oh sige na kain ka na. Pasensya na kanina. Nainis lang ako"
"Ano ba kasi ang kinaiinisan mo? Yung cashier ba?" Tanong ko. Dun lang naman nagsimula yun eh
"Wala! Sige na kain na. Punta pa tayong Uniqlo mamaya. " hayy
"Ano ba kasi bibilhin mo dun? Hayy jema, pagod na ako kakabitbit ng mga pinamili mo" haha pagod na talaga ako eh
"Bili lang ako ng dress, you know mag paparty tayo dun hehe sige na booooo" ayan na naman sya.
"Oo na. Bilisan mo na kumain. Jan." Para matapos na to.
Mag aalas dos na kasi. So imagine? 10:30am na nga sya dumating. Andami pang demands.
..
.Pagkatapos namin sa UniQlo, bumili kami ng milktea sa Coco at umuwi na. Hayy what a day
.
"Deans, thank you for this day ah, kita na lang tayo bukas, 1pm yung flight natin. " sabi nya.
"Di mo lang ba ako papapasukin? Andami kaya ng pinamili mo. Wala man lang tubig jan?" Sabi ko at bumaba sa kotse
"Haha akala lo kasi nagmamadali ka"
"Wow naman sayo jemalyn, kanina mo pa kaya ako inaalipin tapos ako pa nagmamadali? Grabe ka talaga sakin" kunwaring nasasaktan haha
"Sus, Arte pa deans haha Tara na nga" sabi nya at naunang umakyat sa unit nya
.
."Ano, tutulungan pa ba kitang mag empake ng mga gamit mo?" Sabi ko sa kanya
"Haha thanks but no thanks, kaya ko na to . may pineapple juice sa ref. Kuha ka na lang jan and pwede ka ng umalis. Haha" natatawang sabi nya
"Yeah, thank you for this day jema, una na ako ! See you tomorrow" sabi ko at hinalikan sya sa forehead. Well? Ganun kami eh.
"Beep me pag nakarating ka na ah"
"Yes madam! Bye!" At lumabas na ako sa unit nya.
.
.Jema
What a day for me, almost 4pm na kami naka uwi ni deanna.
Ayos na sana yung mood ko kanina eh, kung di dahil sa cashier kanina, kung maka ngiti kasi . anlandi. Tsk. Buti na lang di tiningnan ni Deanna kaya napahiya sya.
Nag freshen up muna ako kasi nanlalagkit yung katawan ko. Quick shower lang naman.
.
.After 15 mins. Paglabas ko ng shower, tumawag si Deanna
.."Yes hello?"
"Just wanna tell you na nakarating na ako sa unit ko. "
"Di naman masyadong Halata na ang tamad mong mag txt ano?" Tsk² typical Deanna Wong
" haha oo na, basta yun. Andito na ako. Sige na bye na" sabi nya at in-end ang call.
.
Nagsimula na akong mag empake ng dadalhin ko.
Swimsuit ✔
Rashguard✔
Dress ✔
Undergarments and personal hygiene kit✔
Passport and ticket ✔
Hoodie ✔Yownnn after 2 hours tapos na din. Maliit na maleta ang gagamitin ko kasi hirap ako pag bag. Hehe sling bag lang yung hand carry ko at ang laman nun ang wallet, cards, passport saka ticket namin ni Deanna .
Hinatid ni jho sakin eh. Nakalimutan ko nga ibigay kay deans eh
After preparing my things, nagluto na ako ng dinner ko . yung simple lang. Chicken adobi para madali. Hehe.
Kumain na ako, and since tapos na akong maligo kanina. Nag toothbrush na lang ako at humiga na sa kama ....
After a while, nag open ako ng FB ko. Wala lang , pampaantok lang.
.
Since boring naman at inaantok na talaga ako. Nagpasya na akong mahiga ng maayos. Nag pray At natulog....
.
.-----
Hellooooo!!👋👋