Italic=flashback. Hehe reminder lang po ulit! ❤
---------------------D's
2 months.
2 months after ng birthday ko, akala ko ganun pa din.
Ganun pa din kami ni jema.
But sad to say.
She's so focused on her studies.
Which is right.
Pero, selfish ba ako kung kailangan ko din ng atensyon nya?
Like, kahit saglit lang ng oras nya.
Nakaka lungkot isipin na.
Parang nanglilimos na ako ng attention nya.
Is it wrong to feel like I'm being neglected by her?
Yes, kaya ko naman sarili ko. Pero wala. In times I needed her.
"Sorry love, maraming projects and assignment eh"
Yan yung lagi Kong naririnig sakanya.
No doubt, I'm so proud of her. Mahirap naman talaga pag nasa college ka na.
Pero mahirap din isipin na, kung okay lang ba sya, kung kumain na sya sa tamang oras, kung kailangan nya ng help ko. Kung okay lang kami. Ang hirap.
Kinakain ako ng insecurities ko.
Masyado akong nag o-overthink.
Pero masisisi nyo ba ako?
Takot ako.
Takot akong may makilala sya doon tapos mabaling yung attention nya sa iba. At iiwan nya ako.
She did it once. Kaya ang hirap.
But then again. I trust her. And I will trust her love for me. I needed to.
Today is Sunday.
Kakatapos ko lang mag simba. I pray to God na okay lang sya. Balak ko nga sya puntahan pero may exam kami bukas.
I texted her good morning . everyday naman eh. Hindi ko nakakalimutan itxt sya lage. Kahit nga minsan . morning and good night greetings na lang yung convo naming dalawa.