"Are you ready for your first day in school?" Tanong ng kanyang ina sa kanya habang inaayos niyang isukbit ang bag.
"Yes Ma." Nakangiti niyang tugon.
"Zoe. Let me know if ok magiging unang araw mo sa school na papasukan mo." Ani ng kanyang ama na ikinatango niya.
"O paano. Si Mang Roger na ang maghahatid sa iyo papasok. Malelate na kasi kami sa trabaho." Aniya ng kanyang ina. Matapos makapag paalam ay kanya kanya na silang sakay sa mga kanya kanya din nilang sasakyan. Magkaibang sasakyan kasi lagi ang gamit ng kanyang mga magulang. Sanay na siya na ganoon ang set up nila. Alam naman niya na hindi sweet sa isat isa ang mga magulang niya. Ewan ba niya kung paano naging mag asawa ang parents niya.
Matapos makuha ang kanyang baon ay lumulan na siya ng sasakyan at inihatid na siya ni Mang Roger papasok.
"Mam Zoe. Excited na po ba kayo pumasok?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
"Opo." Nakangiti niyang tugon.
"Eh paano ba yan, mag iingat po kayo sa loob. Wala kami ni Yaya Rina mo sa tabi mo." Anito sa nag aalalang tano.
"Wag po kayong mag alala. Kaya ko ang sarili ko." Aniya dito na ikinangiti nito. Nang marating na nila ang school ay nagpaalam na siya kay Mang Roger at susunduin na lamang daw siya nito mamayang uwian.
Kay bilis ng panahon at nasa ikaapat na taon na siya sa sekondarya sa school na pinapasukan niya sa Chair of St. Peter Academy. Matapos ang dalawang buwan ay muli siyang nagbalik sa paaralang iyon upang harapin ang mga hamon na naghihitay sa kanya as fourth year high school student. Habang nag lalakad papunta sa bulletin board para alamin ang section niya ay may biglang bumunggo sa kanya mula sa likuran. Nang makalampas ang mga ito ay nakilala niya kung sino bumunggo sa kanya dahil humarap ito sa kanya.
"Tsk tsk tsk. Sorry. Nakaharang ka sa dinadaanan ko eh." Ani ni Juliana habang iiling iling kasama ang dalawa nitong kaibigan. Pagkatapos siyang tignan mula ulo hanggang paa nito ay umalis na ang mga ito. Habang siya ay bumuntong hininga na lamang at nagpatuloy sa pag lalakad hanggang sa mah tumawag sa kanya.
"Zoe!" Sigaw ng kaibigan niyang si Anndrei. Nakangiti siyang sinalubong ito ng yakap.
"I miss you friend!" Anito sa kanya.
"Ako rin. Namiss kita." Aniya dito.
"Ang ganda mo ngayon friend. Sana hawahan mo ako ng kagandahan mo." Natatawang sabi nito. Habang nakatayo sila sa gilid ng corridor ay tumawag sa kanila ulit.
"Anndrei! Zoe!" Sigaw ng kaibigan nilang si Margaux na siyang ikinalingon nila.
"OMG! Friend!" Ani naman dito ni Anndrei at niyakap.
"I miss you Margaux." Aniya naman dito at niyakap niya din ito.
"Ano yan?" Tanong niya dito nang mapansin ang dala nitong libro.
"Ah eto? Nag try ako mag basa ng fictional book. Baka magustuhan ko." Anito sa kanya saka niya binasa ang title ng libro.
"Twilight Saga New Moon?" Aniya dito?
"Yeah. Maganda daw eh. Sabi nila." Anito.
"Ako hindi ako mahilig magbasa." Ani naman ni Anndrei. Maya maya ay may narinig na naman silang irit mula sa di kalayuan at nakita naman nila si Sophia.
"Hello Philippines and hello world! Welcome to Chair of St. Peter Academy!" Anito pagkatapos ay rumampa pa ito palapit sa kanila.
"I miss you. I miss you. And you?" Anito sa kanila habang nakatingin ito kay Margaux.
"Anong and you? Ituktok ko sa iyo itong libro eh." Aniya naman ni Margaux na ikinatawa nila. Maya maya ay lumakad na sila papunta sa bulletin board para alamin ang section nila.
"Natatakot ako. Baka bumaba ako ng section." Maarteng sabi ni Sophia.
"Ewan ko sayo. Arte mo!" Sagot naman dito ni Margaux.
"Ayun! Section one tayong lahat." Aniya sa mga ito.
"Talaga?" Nasisiyahang sabi naman ni Anndrei.
"Oo. Tingnan niyo." Aniya na nakangiti.
"Ayos!" Ani naman ni Sophia.
"Ayos! Mangongopya ka na naman. Diyan ka magaling!" Sopla naman ni Margaux dito.
"Alam mo kontrabida ka talaga sa akin eh. Bakit di ka na lang kasi sumang ayon sa mga sasabihin ko." Ani no Sophia dito.
"Sasang ayon lang ako kapag naperfect mo ng straight ang mga magiging exams natin sa Math." Ani naman ni Margaux.
"Yun lang. Di mo magagawa yun." Natatawang sabi dito.
Maya maya ay nakarinig sila ng pagtawag sa speaker ng school na sinasabing pumunta na sila sa covered court upang mag flag ceremony. Nang makapunta na sila doon ay pumila na sila ng naaayon sa height. Pagkatapos ay dinala na sila ng kanilang adviser sa magiging class room nila. Science teacher ang kanilang adviser at naeexcite siya mga mangyayari sa araw na iyon. Siyempre first day of school naroon ang pagpapakilala nila sa isat isa. Kaya naman nung turn na niya ay pumunta siya sa unahan ay nagpakilala.
"Hi everyone. My name is Erica Zoe Ixchel Bantog. 15 years old and my hobby is to pose and dance. Someday I want to be a professional model." Aniya sa mga kaklase niya. Pagkatapos ah umupo na siya sa kanyang upuan nang biglang may nagpakilala sa kanya mula sa likod niya.
"Hi Zoe. Ako si Redentor. Red for short." Anito sa kanya at nakipag kamay. Tinanggap naman niya iyon ng nakangiti.
"Nakakatawa ka. Magpapakilala ka naman din mamaya." Aniya dito na ikinangiti nito.
"Siyempre. Mas maganda yung mag pakilala ako sa iyo ng personal." Anito sa kanya nang biglang lumakas ang boses ng kanilang class adviser.
"Hijo. Boy at the back! Unang pasukan pa lang at nagpapakitang gilas ka na. Hala. Dito ka magpakilala ka na kaagad." Ani ng class adviser nila na ikinatawa ng mga kaklase nila. Napapakamot ito sa ulo dahil nahihiya ito.
"Hi. My name is Redentor De Santos. 16 years old. Transferee from the Province of Benguet. Proud ako na may lahi akong Igorot. Someday I want to be a professional owner of a farm and also to be with someone who will stay beside me." Anito sabay kindat sa mga babae nilang kaklase na halatang kinilig.
"Mahaba habang buwang mo akong makaksama Mr. De Santos. Ayaw mo ba?" Pang uuyam ng adviser nila dito na ikinatawa ng mga kaklase nila. Nang makarating ito sa upuan nito sa likod niya ay nilingon niya ito.
"Bakit mo sinabi yun? Magiging mainit ang ulo sa iyo ng adviser natin." Aniya dito na ikinangisi nito.
"Hayaan mo siya." Nakangiti nitong sabi.
"Friends?" Anito sa kanya na siyang lingon niya ulit.
"Friends---" akmang makikipag kamay siya dito nang nasa tabi na nila ang adviser nila.
"Mr. De Santos anong ginagawa mo at dinadaldal mo si Ms. Bantog?" Nakataas na kilay na sabi ng kanilang adviser.
"W-wala po mam." Anito habang pinipigil nito ang tawa.
"Ok. Both of you are cleaners for today. Understood?" Anito sa kanila na siyang ikinapikit niya ng mata.
"Yes mam." Sabay nilang tugon sa teacher nila.

BINABASA MO ANG
Because Of You (Series 3)
Roman d'amourWalang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat ga...