Lunch break ngayon kaya magkasama kaming pumuntang canteen. Pag pasok pa lang namin sa loob, napatingin na sa amin ang halos lahat ng tao.
Who wouldn't? Duhh.
"Din here!" sigaw ng isang kaibigan namin. Lumapit kami doon sa table.
"Wow naman! Kahit kailan attention seeker tong mag jowang to." sabi ni Claire.
"Jowa my ass!" maarteng sabi ko kaya tinawanan nila ako.
"Bakit hindi pa ba?" pabirong tanong ni Alex. Duhh! How I wish, sabi ng isip ko. What the hell?!
"Gago! Hindi." sabi niya sabay iling.
"Ang hina mo pre." sabi ulit ni Alex habang tumatawa.
"Hindi kami pwede," sabi niya.
"Why not?" tanong ulit ni Alex.
What the fuck? Bakit may mga ganitong tanong na?
"We're just friends dude." sabi niya while staring at someone "I mean we're best of friends." he said while smiling.
After we ate our lunch, bumalik na kami sa classroom dahil may subject pa kami. Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng may kumalabit sa akin.
"I think, I'm in love," sabi niya habang nakatingin sa may kisame.
"Gago! Lagi ka namang in love. What's new?"
Well, totoo naman yun. Duhh! He's always in love. Kapag may maganda siyang nakikita, matik na in love na ang tukmol!
After our 9 subjects, at last uwian na! This is my favorite part eh. I mean, not only me.
"Geraldine, pwedeng pahiram muna si Dustine?" sabi ni Efren, Dustine's friend and also his teammate.
"Kahit saang lupalop niyo pa dalhin yan, wala akong pake."
"Sweet mo naman masyado bebi. Sa sobrang sweet mo magkaka diabetes na ako," he said sarcastically while pinching my cheeks. Gago to ah!
"Ano ba yan! Live show!" sabi ni Alex, our friend.
"Lumayas na nga kayo sa harap ko! Ang babaho niyo." I said while covering my nose.
"Tara na nga baka magbago pa isip ni bebi ko. Baka hindi na niya ako ipahiram sainyo." sabi ni Dustine habang tumatawa.
Nauna ng maglakad yung ibang teammates niya, habang siya naman ay nasa harap ko pa.
"Gerald, hintayin mo ako."
"And why would I do that? Ano ka VIP?"
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa na parang kinikilig,
"Grabe! Ang cute talaga!"
"Cute are for dogs only! I'm not dog!"
Bigla siyang ngumit sa akin. "Aso ka naman diba?"
Sinapak ko ka agad siya sa may braso.
"Araaay! Magkapatid nga talaga kayo ni uno!" sabi niya habang hinihimas ang braso niya.
"Sige na, punta na po ako." bigla niya akong hinila para halikan sa noo.
Well, ever since naman hilig niya na akong halikan sa noo. Bigla siyang tumakbo pero huminto din siya bigla sabay tingin sa akin,
"Geraldine, stay!" sigaw niya with matching turo sa sahig.
Anak ng! Ginawa pa talaga akong aso! Dinampot ko yung bottled water para ibato sa kaniya pero kumaripas na siya sa pagtakbo habang tumatawa ng malakas.
Aalis na sana ako para pumunta sa isang bench kaso tinawag niya ulit ako.
"Gerald, stay lang okay? Aanakan kita pag umalis ka diyan!" he shouted and he winked at me and throw me a flying kiss.
What the hell was that!?
Bigla akong napatingin sa paligid ko and everyone's looking at me.
Ano ba yan! Eksena talaga yung alikabok na yun!
After an hour, nabagot na ako kaya naisipan kong pumunta sa may gym kung saan sila naglalaro. Papasok pa lang ako pero naririnig ko na ang mga hiwayan ng tao sa loob ng gym. Wala naman silang laban ngayon, it's just a practice game pero kung maka sigaw tong mga babae't binabae akala mo championship na. Ghad!
Umupo ako sa harap ng court. Nakita ko agad si Dustine, hinihingal na siya. Tatakbo tapos mag-aagawan sila sa bola. Tapos ishoshoot nila sa ring. Actually, wala akong masyadong alam sa game na to. Nanonood lang ako, pero sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyayari. Basta kapag naka shoot yung team nila Dustine, papalakpak lang ako. Pag nakarinig naman ako ng pito tapos ituturo nung referri yung team ni Dustine, mumuruhin ko yung referri.
Tsaka isa pa nanonood lang naman ako ng basketball dahil sa mga kuya ko and kay Dustine. Minsan pa nga napipilitan lang ako.
Nagulat ako nang biglang nag vibrate yung phone ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang nag message. Well, si kuya Dos lang pala.
From: Dos-pordos
Asan ka?
To: Dos-pordos
Gym.
From: Dos-pordos
Ginagawa mo dyan?
Magrereply na sana ako ng biglang, may dumagan sa akin. What the hell!?? Ready na sana akong sigawan yung gagong dumagan sa akin pero nagulat ako ng bumungad sa akin ang nag-aalalang muka niya
"Are you okay?" tanong niya, pero hindi ako sumagot. "Are you okay!?" tanong niya ulit, but this time medyo sumigaw na siya.
Natakot ako sa itsura niya kaya tumango na lang ako. Nagulat ko ng bigla siyang tumayo at kinelyohan niya ang isang teammate niya.
"Tangina mo ba?" galit na sigaw niya.
"Sorry Dustine. Hin--ddi ko sinasadya. Napalakas sa pasa. Sorry," sagot 'nong teammate niya.
"Pano pag hindi ko naharang ha?" sigaw niya.
Halos mag-echo na sa loob sa lakas ng sigaw niya.
"Anong magagawa ng sorry mo pag nagkataon ha? Kung sapakin kaya kita tapos sabihin kong napalakas lang? Ano ha? Sagot!"
Natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin kaya lumapit na ako sa kaniya.
"Dust, let's go!" sabi ko habang hinihila siya sa damit.
He's to tall para maabot ko ang balikat niya kaya sa damit ko na lang siya hinila.
"Dust--" sabi ko but he cut me off.
"Pano pag natamaan ka ng bola?" grabe naman to, sigaw ng sigaw mababasag na eardrums ko.
"Hindi naman ako natamaan diba? Ano ka ba! Lets go na!"
Binitawan niya na yung teammate niya. But before we leave the gym, nagsalita siya.
"Pag may nakita lang ako kahit maliit na sugat montero, maghukay ka na ng sarili mong libingan."
And after that he dragged me out of the gym. My ghad! What was that?
---------
BINABASA MO ANG
Almost Over (Bestfriend Series #1)
Teen Fiction"It hurts to know that you will never look at me the way I look at you, Dustine Aero." Bestfriend Series #1