Chapter 16

319 13 3
                                    

For the past 3days, kami palagi ni Dustine ang magkasama. Sabay kaming papasok at sabay din kaming uuwi. Sabay kami tuwing lunch. Kapag may vacant naman ako, lumalabas kami ng campus para lang bumili ng milktea kahit may klase pa siya.

Hindi ko alam 'kong matutuwa ba ako sa mga nangyari or dapat ba akong kabahan. Dahil sa loob ng limang araw mas lumalim 'yong nararamdaman 'ko para sa kaniya.



"You can now have your lunch," pagtatapos ng Prof namin.

Tatayo na sana ako, pero nagulat ako ng may naglapag ng papel sa desk 'ko kaya medyo napatili ako,

"Papel. Kaibigan lang ang papel mo sa buhay niya,"

Sinamaan 'ko siya ng tingin at inambahan ng batok pero mabilis siyang lumayo sa 'kin.

"Ang hilig mong pumapel, lammoyun?" inis na sigaw 'ko sa kaniya. Pero tinawanan lang niya ako.

"Cory mo talaga Lastimoza, buti na lang talaga maganda ka," tumatawa pa ring sabi niya.

"Kaysa naman sayo, lahat pangit duhh!" inis 'ko siyang inirapan,

"Bawas-bawasan mo yang kakairap mo Lastimoza, mamaya may masamang hangin, maduling ka usto mo 'yon?"

Babatukan 'ko ulit sana siya pero may tumawag sa pangalan 'ko kaya sabay kaming napatingin sa may pinto,

"Lunch?" ngiting sabi niya.

Ngumiti din ako sa kaniya at tumango. Pupunta na sana ako sa pwesto niya pero biglang hinawakan ni Aries ang kamay 'ko, kaya napatingin ako sa kaniya.

"Lunch?"

Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako 'nong makita 'ko ang mata niya. Bakit para siyang galit? Bakit para siyang nasasaktan?

"Gerald/Therese," sabay nilang sabi.

Tumingin ako kay Dustine at 'yong kaninang naka ngiting muka niya ay napalitan ng pagkainis. Tumingin din ako kay Aries at kita 'ko parin sa mata niya 'yong galit.

"Gerald," tawag sa 'kin ni Dustine kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

Babawiin 'ko na sana 'yong kamay 'ko kay Aries pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak,

"Aries ano ba,"

"Lunch," bulong na sabi niya "Ngayon lang Therese,"

"Aries,"

"Please, Therese. 3days na kayong nag-sosolo, baka pwedeng ako naman. Kahit ngayon lang,"

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman 'kong may humawak sa kabiling kamay 'ko,

"Dus--"

"Ako nauna di ba?"

"Pake 'ko 'kong nauna ka?"  naka ngising sagot ni Aries.

"Back off,"

"Paano 'kong ayaw 'ko?"

"Edi pakamatay ka na,"

"Mauna ka na, ikaw nakaisip"

Lumapit si Dustine kay Aries, kaya bigla akong nataranta. Pumagitna ako sa kanila at tinulak sila palayo sa isa't isa.

"Ano ba! Tumigil nga kayo!"

"Bakit hindi na lang natin papiliin si Geraldine," sabi ni Dustine kaya sabay silang napatingin sa akin,

"Huh?" naguguluhan 'ko silang tinignan, "Bakit ako?"

"Ako o Siya?" tanong ni Dustine,

"Uhmm--"

Almost Over (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon