Chapter 4

388 22 1
                                    

Today is Saturday kaya walang pasok. I decided to go to mall para makapag unwind. Pero boring kapag ako lang, kaya isasama ko na lang siguro si Claire or Joy? Or maybe both na lang.

Saktong idadail ko number ni Claire, tumawag na siya, kaya sinagot ko agad.

"Saan tayo gagala ngayon? Hmm?"

"Lakas ng radar mo, alam mo yon?"

"Hehehe! Konti lang." she said while doing a pabebe voice.

Sinabi ko sa kaniya na magkita na lang kami sa mall. Tutal wala naman kami ibang gagalaan kundi doon lang.

After a minute dumating na ako sa mall and agad kong hinanap sila Claire, nagtext siya sa akin na andidito na daw siya with Joy.

Nakita ko sila sa isang milktea shop. Nasa tabi sila ng glass window kaya hindi na ako nahirapang hanapin sila.

I went inside and nagulat ako dahil napatingin sakin yung ibang nasa loob ng shop. I sighed deeply. Well, maganda ako eh. Ano pa nga ba?

"Kamusta tulog mo? Napaginipan mo ba sila?" nang-aasar na tanong ni Claire.

"Pinagsasabi mo?!" kunwaring naguguluhan kong tanong.

"Si Dustine tsaka si Fiona?" umalingaw-ngaw ang creepy niyang tawa sa buong shop.

"Creepy ng tawa mo Claire! My ghad!" sabi ni Joy.

Tss. Ikr ghorl.

"Wala akong pake sa kanila. Tsaka if I know, past time lang yun ni Dustine." confident kong sabi.

"Eh pano pag hindi pala? Pano pag siya na pala yung seseryosohin ni Dustine?" nang-aasar na tanong niya.

"Wala sa vocabulary ni Dustine ang salitang seryoso. Duhh!" sabi ko habang nakatingin sa labas ng glass window.

Mamaya-maya pa biglang naubo si Joy, kaya sabay kaming napatingin ni Claire sa kaniya.

"Well ano kasi, blockmate ko kasi si Fiona sa ilang subjects. Tsaka dati nakikita ko si Dustine na nakatingin kay Fiona." sabi ni Joy.

"Dati lang pala eh." sabi ni Claire.

"Pero ngayon, nakikita ko na silang madalas nag-usap sa library." sabi ulit ni Joy.

"Nag-uusap lang naman pala. Anong big deal doon? My ghaaaad!" sabi ni Claire pero biglang lumaki mata niya.

Even me, biglang lumaki yung mga singkit kong mata! What the hell???

"Anong sabi mo??" sigaw ni Claire.

"Nag-uusap sila lately sa library. I mean, silang dalawa lang. Hindi sana magiging big deal yun kung nag-uusap lang talaga sila pero nag-uusap sila ng magkahawak yung ka--mmay."

Bigla nag-init ulo ko. So what diba? Duhh! Normal lang naman yun sa mga naglalandian. Tsaka anong pake ko sa kanila?

Tsaka sa library pa talaga?! Cheap naman ni ate ghorl. Kami nga naglalandian kami sa harap ng family namin. Duhh!

Bonding tawag dun hindi landian ghorl, sabi ng isip ko. What the hell!?!

Habang nagbe-brain storming silang dalawa about kay Dustine at Fiona, tumayo na ako bitbit yung iniinom ko kahit wala ng laman. Props tawag dyan. Wag kayo.

"Saan na tayo?" tanong ni Joy.

"Kung saan may gwapo dun tayo." sagot ni Claire.

Okay okay. Doon tayo!

Napag kasunduan naming mag boy hunting. Well single namin kami tatlo. Kahit na taken na ang puso ko, single pa rin ako. Hehe. Loyal kay Dustine to! Bulong isip ko. Napa facepalm na lang ako!

Habang naglalakad kaming tatlo, may nakita akong familiar na likod. Tinitigan kong maiigi yung lalaki hanggang humarap siya sa dereksyon namin.

Nahulog yung hawak kong milktea, kaya nagulat yung dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin siya sa dereksyon namin.

Ngumiti siya noong nakilala niya kami at hinatak niya ang kasama niya sa dereksyon namin.

Gusto kong tumakbo palayo sa kanila para hindi sila makalapit sa akin pero huli na noong nasa harap ko na sila.

"Gerald!" masayang bati niya sa akin.

"Aruy ko po!" narinig kong sabi ni Claire.

Literal na aruy talaga! Damn!

"Andidito pala kayo?"

"Obvious ba!?" gigil na tanong ko.

Tumawa lang si Dustine sabay hila sa kasama niya.

"Nga pala girls, this is Fiona." sabi niya habang naka ngiti.

Actually, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Yung sobrang saya. Yung umaabot talaga yung ngiti niya sa singkit na mata niya. At yung spark? Tangina. Abot hanggang sa akin.

Inaya kami ni Dustine na kumain, pero tumangi ako. Paano ako kakain kung kasama ko silang dalawa, sige nga?

Pero at the end, pumayag yung dalawa kaya no choice na din ako, kundi sumama. Nakakahiya naman diba?

"So nililigawan mo na siya?" tanong ni Claire.

Andidito kami sa isang restaurant. Treat daw ni alikabok, kasi meet the friends daw. Corny! Bwiset!

"Oo. Almost 5months?" sabi ni Dustine kay Fion.

"4months pa lang Tin." sabi ni Fiona habang naiiling na tumatawa.

Napapintig ang tenga ko sa narinig ko. 4months ng nanliligaw si Dustine pero wala man lang akong kaalam alam?

"Ahh. Ang tagal na pala no?" sabi ni Claire.

"Mas matagal na sila ni Din." sabi naman ni Joy habang pinagdidiinan yung nickname ko.

Napatigil ako sa narinig ko. Tama! Mas matagal na kami, taob ka ghorl. Gusto kong isigaw kaso, wag na lang.

"Magkaiba naman yun. Si Fiona nililigawan ko, si Geraldine kaibigan ko."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. What the fuck is that!? Para akong nauupos na kandila sa kinuupuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag isip.

"Ahhhhh! Kaibigan," ulit ni Joy.

Unti unting lumingon yung dalawa sa akin, na parang naawa. The hell! Hindi ko kailangan ng awa!

"Naka order na kayo?" pag iiba ko ng topic.

Agad naman silang tumingin sa menu. Pero ramdam ko pa rin yung awkward sa nangyari. Pero isinawalang bahala ko na lang.

After naming kumain, nagpaalam na sila Dustine dahil may pupuntahan pa daw sila.

Pagkaalis na pagkaalis nila, sabay sabay kaming napabuga ng hangin.

"Sorry." sabi ni Joy.

"Nah! Okay lang. Yun lang naman talaga ang role ko sa buhay niya eh. Kaibigan."

-------

Almost Over (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon