Chapter 7

354 20 1
                                    

"Geraldine, gising na!" rinig kong sigaw ni kuya Dos. Pero hindi ako kumilos, at wala akong balak kumilos.

Pakiramdam ko na paralyze yung katawan ko sa hindi ko malamang dahilan.

Dalawang araw na ang nakaraan nang mangyari yun, pero bakit ramdam ko pa rin yung sakit? Bakit paulit-ulit ko pa ring naaalala lahat.

"Hindi kami talo no!"
"Eh lalaki yan na nagkatawang babae lang!"
"Pangalan pa lang di na kami talo!"

Kaya pala Gerald ang tawag niya sa akin. Kasi para sa kaniya, lalaki ako.

Kaya pala hindi niya ako kayang mahalin bilang babae, dahil lalaki ang tingin niya sa akin.

Lalaki na nagkatawang babae.

Nagulat ako ng biglang may nagpunas ng pisngi ko. Pag dilat ko nakita ko si kuya Dos.

"Ang alam ko pababa ang tulo ng laway, pero bakit sayo pataas?"

"Kuya, babae ako diba?"

"Dipende sa panahon," natatawang sabi ni kuya.

Pati sila lalaki ang tingin sa akin.

"Ayokong kumain." sabi ko kay kuya sabay talukbong ng kumot.

"Problema mo? May sakit ka ba?" tanong ni kuya, pero hindi ko siya sinagot. "Pag nagutom ka, bumaba ka na lang"

Pagkasarado niya ng pintuan, napabuga ako ng hangin, pero kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.

Naalimpungatan ako ng may marinig akong tumutugtog na guitara. Pagtingin ko sa mini sofa, nakita ko si kuya Uno.

He's strumming his guitar while staring at me. Bumangon ako at umupo sa tabi niya.

"Why are you here?"

"Checking you."

"Nurse ka ba?" natatawang tanong ko.

"Nope. But I'm your brother, you know."

"Ikr." tamad kong sagot.

"Why are you crying?" nabigla ako sa tanong niya.

"Crying? Kailan?" kunwaring naguguluhang tanong ko.

"Kanina. Sabi sa akin ni Dos."

Chismoso talaga si kuya Dos. Bwiset.

"Kagigising ko lang yun kuya. Natural lang yun. My ghad!"

"Ge. Kunwari maniniwala ako." naka ngiwi niyang sabi.

Ilang oras kaming natahimik ng magsalita si kuya Uno.

"Any request?"

"The one that got away," mahinang sagot ko.

Umpisa palang ng kanta parang gusto ko ng humagulgol pero pinigilan ko dahil ayokong makita ni kuya.

Bata pa lang ako palagi ng sinasabi ni kuya Uno sa akin na kailangan kong maging matapang, dahil hindi sa lahat ng oras nasa tabi ko sila ni kuya Dos.

Sabi naman ni kuya Dos, okay lang maging maldita para hindi ako apihin ng ibang tao.

In another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world

If there's another life and if I see you there, I hope you will be mine.

In another life
I would make you stay
So I don't have to say
You were the one that got away

And maybe in another life we will be together, holding hands, like what I dreamt of.

Nahihirapan na akong huminga dahil sa pagpigil ko sa luha ko. Ayoko ring gumalaw dahil konting galaw ko lang, alam kong tutulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Are you sure, you're okay?" nag-aalalang tanong ni kuya Uno.

Hindi ko namalayang tapos na pala siya sa pagtugtog.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay kuya."

"I don't know. Hindi ka kasi nag-oopen sa akin or kay Dos."

Totoo yun. Never akong nag-open ng kahit anong problema kila kuya. Natatakot ako sa magiging reaksyon nilang dalawa. Natatakot ako na baka husgahan nila yung mga disisyong ginawa at gagawin ko. Natatakot ako na hindi nila ako maintindihan.

"Hindi namin alam kung okay ka lang ba o hindi. Ang hirap mo kasing basahin pagdating sa mga problema mo. Pamilya tayo Therese. Kaya dapat nagtutulungan tayo sa kahit anong bagay. Ako ang pangay pero pakiramdam ko, wala akong kwenta."

Parang piniga ang puso ko sa narinig ko.

"Kuya." nang hihinang tawag ko sa kaniya.

"Tell to kuya all your rants, I'll listen." he said softly.

Niyakap ko si kuya ng sobrang higpit dahilan ng pag-buhos ng mga masasaganang luha ko.

"I'll tell you when I'm ready kuya."

"Sali ako daya niyo!" biglang sigaw ni kuya Dos. "Pinag chichismisan niyo atta ako eh!"

"Oh, group hug!" masayang sabi ni kuya Uno.

Niyakap ako ni kuya Uno at kuya Dos ng sobrang higpit, at sa mga oras na to, biglang gumaan ang pakiramdam ko.

My brothers are my partners, rivals, my friends and my enemies. I'm really lucky to have them,

-----

Almost Over (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon