Chapter 3

450 21 0
                                    

Dumeretsyo kami sa parking lot pagkatapos ng eksena sa gym. Grabe talaga mag-drama tong alikabok na 'to! Pwede na siyang manalo sa Oscar Awards.

"Pasok," sabi niya sabay bukas ng pinto ng kotse niya. "Be careful Lastimoza!" napatigil ako sa sinabi niya.

Tinatawag niya lang ako sa apelyedo 'ko pag galit siya or badtrip talaga siya.

"Bat ka ba badtrip?" tanong 'ko para naman gumaan 'yong atmosphere. Para kasi siyang mag e-evolve anytime.

"Wala." sabi niya at nag umipisa ng mag maneho.

Habang nasa biyahe nabibingi ako, hindi sa ingay kundi nabibingi ako sa sobrang tahimik. The hell! Mas gugustuhin 'ko pang mag-ingay siya buong biyahe kaysa manahimik eh!

"Magsalita ka naman, baka mabulok laway mo." pabiro 'kong sabi pero walang response ang bugok.

Ano ba yan! At the end, hindi na rin ako nagsalita. Duhh! Alangan magsalita ako? Sino naman kakausapin 'ko pag nagkataon?

Hanggang nakarating na kaming bahay tahimik pa rin si Dustine. Hinayaan 'ko na lang. Ganyan talaga yan pag hindi naka inom ng gamot.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinatak paharap sa kaniya. As in sobrang lapit. Nailang ako kaya medyo lumayo ako sa kaniya.

"May masakit ba?" tanong niya habang tinitignan niya ang muka 'ko. "Ano Lastimoza! Magsalita ka!" nagulat ako sa pag sigaw niya kaya napa-atras ako. "Fuck! Sorry baby. I didn't mean to shout at you"

"It's o--kay. I should be the one asking if okay ka lang, hinarang mo yung bola." sabi 'ko sabay tingin sa kaniya.

Ngumiti siya sakin tapos sabay haplos na pisngi 'ko.

"I'm fine baby." sabi niya tapos lumabas na siya ng kotse niya, lalabas na din sana ako ng magsalita siya .

"Stay Lastimoza,"

Ginawa pa akong aso ng mokong! He went to my side para pagbuksan ako ng pinto. Pag kalabas 'ko, hinawakan niya ang kamay 'ko at tumingin ng pagka seryoso sa akin,

"Lahat sasaluhin 'ko para sayo. Kahit bugok na itlog, kahit over riped na kamatis, kahit tae ng kalabaw o kahit bomba pa yan. Lahat lahat! Basta wag ka lang masaktan,"

Halos mapatalon kaming dalawa ng may nagbato ng manga sa harap namin, pagtingin 'ko sa may gate nakatayo doon si kuya Uno at kuya Dos.

"Eh over riped na manga, kaya mong saluhin?" sabi ni kuya Dos.

Pagtingin ko sa kamay niya, may hawak siyang mga manga. What the hell saan galing yun?!

"Bayaw naman! Puti yung suot 'kong damit! Tangina naman oh!" inis na sabi niya kay kuya Dos.

Kumuha agad ako ng wipes sa bag 'ko para may ipang punas siya sa damit niya na nalagyan ng manga.

"Akala 'ko ba handa mong saluhin lahat? Wala ka pala eh!"

"Sabi 'ko nga. Pero wala akong sinabing ngayon 'ko gagawin yun!"

Binato ulit ni kuya Uno si Dustine kaya ang nangyari nagbatuhan sila ng manga sa labas.

Pumasok na kami ng bahay nila kuya at umuwi naman na si Dustine pagkatapos ng batuhan ng manga.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa taas para makaligo. After 'kong maligo, I do my other routines. I jumped to my bed para makahiga na. I decided to check my fb account, then twitter and instagram. While I was scrolling to my feeds napatigil ako sa isang picture na pinost ni Dustine. It was a girl, stolen shot siya. Naka side view yung babae kaya hindi 'ko makita mabuti ang muka niya. Then I read the caption,

Almost Over (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon