Chapter 8

348 17 1
                                    

Last subject namin ngayon pero dahil wala yung Prof namin maaga kaming makakauwi.

"Tara gala tayo," excited na sabi ni Claire.

Hindi kami sumagot ni Joy pero sabi nga nila, Silence means Yes.

Palabas na kami ng classroom ng biglang may umakbay sa akin.

"Sama ako! Marami na kasi masyado laman ng wallet 'ko," mayabang na sabi ni Aries.

Bigla 'kong tinanggal yung kamay niya sa balikat 'ko. Baka kasi masiko 'ko siya sa sobrang yabang niya. Mahirap na.

"Naks naman Hunter, yaman ah!" sabi ni claire.

"Di ah. Konti lang." pabebeng sabi ni Aries.

"Bwiset! Nahiya tuloy wallet 'ko sa wallet mo, Hunter." sabi ni Joy.

"Nako, wag kang mahiya Joy. Wala ka naman nun."

"Lakad ng mga babae 'to Aries. Babae ka ba ha?" asar na tanong 'ko.

"Aries," mahinang ulit niya pero sakto lang para marinig namin. "Ngayon 'ko lang na appreciate yung second name 'ko,"

"Aries," sabi ni Claire.

"Hunter Aries," sabi naman ni Joy.

"Hoy! Wag niyo ako tawaging Aries!"

"At bakit hindi?" sabi ni Claire.

"Si Therese lang pwedeng tumawag sakin 'non,"

"Wow! May tawagan sila." tumatawang sabi ni Joy.

"Aries, Therese. Magkatunog pa." gatong ni Claire

"Pero mas cute parin yung Din and Tin," sabi ni Joy.

Bakit ba kahit wala siya, napapasama pa rin siya sa usapan? Ang unfair.

"Ang bantot naman 'non!" nandidiring sagot ni Aries.



Habang naglalakad kami papuntang gate, napatingin kami sa mga estudyanteng sunod-sunod na nagtatakbuhan.

"Dalian mo, para maabutan natin!" sabi ng isang estudyante sa kaibigan niya.

"Tara sundan natin," sabi ni Joy

"Wag ka nang maki-chismis doon," sabi ni Aries habang pinipigilan si Joy.

Pero nagulat ako ng maramdaman 'ko ang sarili 'kong naglalakad sa 'kong saan nagsitakbuhan ang mga studyante.

"Lastimoza! Tara na, wag ka ng pumunta doon!" pigil din sa akin ni Aries. Pero hindi ako nagpapigil.

Tuloy-tuloy ang lakad ko, hanggang makarating ako sa oval. Isiniksik 'ko ang sarili 'ko sa kumpulan ng mga studyante.

Noong nakarating na ako sa pinaka harap, may humatak sa akin patalikod.

"Wag kang titingin," paos na sabi niya habang binaon niya ang ulo 'ko sa kaniyang dibdib.

Hindi normal ang pagpintig ng puso 'ko, dahil pakiramdam 'ko kilala 'ko 'kong sino ang taong pinapanood ng lahat.

Natatakot ako sa 'kong ano man ang makita 'ko pero huli na ang lahat ng itinulak 'ko si Aries at tumingin sa harapan.

Nakita 'ko siya.

Nakita 'ko ang lalaking mahal na mahal 'ko habang nakaluhod.

"Will you be my girlfriend?"

Para na naman akong nauupos na kandila sa kinatatayuan 'ko.

Hindi na naman ako makagalaw.

Hanggang kailan 'ko ba mararamdaman 'tong ganito? Sawang-sawa na ako.

"Yes Aero. I'm willing to be your girlfriend,"

"YESSSS! Thank you babe!"

Napatingin ako sa kamay niya nang may inilabas siyang pulang kahon.

No way....

Inilabas niya mula sa pulang kahon ang isang kwintas na hugis buwan.

Pumunta siya likuran at dahan-dahang isinuot ang kwintas,

"Bagay sayo," sabi niya pagkatapos isinuot ang kwintas.

"I love you Maria Fiona Rivera," marahang sabi niya.

Bigla akong tumakbo sa kinatatayuan 'ko. Hindi 'ko na kayng magtagal, dahil kapag nagtagal ako baka kung ano pang magawa o masabi 'ko.

I don't want to ruin their moment.

I don't want to hurt him.

I don't want to hurt anyone.

Kaya sarili mo ang sinasaktan mo? Sabi ng isip ko. Bullshit!

Mas gugustuhin 'ko na lang saktan ang sarili 'ko kaysa makasakit ng ibang tao!

Lakad takbo ang ginawa 'ko. Hindi 'ko na naman alam 'kong saan ako pupunta or kung may mapupuntahan ba ako.

Palagi na lang bang ganito?

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.

Nanghina bigla ang mga paa 'ko kaya napaluhod ako sa lupa.

Gustong kong umiyak pero wala akong luhang mailabas.

Gusto kong sumigaw pero wala akong boses para sumigaw.

Nagulat ako ng may yumakap sa likod 'ko,

"Cry Lastimoza,"

Biglang nagsipatakan ang mga masasaganang luha sa mga mata 'ko pagkarinig 'ko ng boses niya.

Humarap ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. At sa mga oras na 'to hindi na lang basta iyak ang ginawa 'ko, kundi humagulgol ako.

"Hindi dapat ako nasasaktan eh. Dapat masaya ako para sa kaniya. Ganon naman dapat ang magkaibigan di ba? Pero bakit ang sakit Aries? Hindi 'ko kayang tanggapin na may mahal na siyang iba. Hindi bilang kaibigan kundi bilang babae. Aries ang sakit sakit eh," sabi 'ko na tila batang nagsusumbong sa magulang.

Hinigpitan niya ang pagkakayap sa akin.

"Nasasaktan ka kasi mahal mo siya Lastimoza. Walang nagmamahal ang hindi nasasaktan,"

"Pero pagod na akong masaktan. Paulit ulit na lang eh. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya, pero bakit puro sakit ang bumamalik sa akin?"

"Maybe he's not the right one for you Lastimoza. And if you're tired, let him go. Kasi kung patuloy ka pang kakapit sa kaniya mas masasaktan ka lang. You deserve more than this,"

"I can't and I don't know how," mahinang sabi 'ko.

"Sometimes, holding on does more damage than letting go Therese,"

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo 'ko upang makita ang mga mata 'kong puno ng luha.

"And sometimes, you have to forget how you feel and think of what you deserve. If you can love the wrong person that much, imagine how much you can love the right one. And once you realize that you deserve better, letting go is the best decision ever Geraldine Therese."

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. Bakit lahat ng mga sinasabi niya tama? Is this a sign na kailangan ko na siyang bitawan?

"Look around you, madaming nagmamahal sayo Lastimoza," nakangiting sabi niya habang pinupunasan ang luha 'ko.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita 'kong umiiyak sila Claire at Joy, habang nakatingin lang sa amin sila kuya Dos at kuya Uno.




Hindi man ako swerte sa pag-ibig, swerte naman ako sa ibang bagay.
--------

Almost Over (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon