"Saan kita ibaba?" inis na tanong ni kuya Dos dahil nabulabog 'ko daw ang magandang tulog niya.
"Sa coffee shop nga,"
"Mag boyfriend ka na kasi para hindi ako ang iniistorbo mo,"
"Mag girlfriend ka na din para hindi ka grumpy,"
"Gusto mo bang makarating sa coffee ng buo?"
"See? You're so grumpy, kamuka mo na tuloy si humpty dumpty,"
"Funny ka no Therese?" I laughed so hard when I saw my kuya's annoying face. Apaka asar talo naman nito.
"Btw, kailan ulit alis mo?"
"Kakauwi 'ko pa lang gusto mo na agad akong paalisin?"
"I'm just asking 'kong kailan! My ghad!"
"Next next next week,"
"Kailan 'yon?"
"Three weeks from now! Awit ka ba? Ang dami mong tanong. Kaya nga tatlong next 'yong sinabi 'ko di ba?"
Kuya Dos is now on his 5th year. Habang si kuya Uno naman ay graduate na last year and he's now working on an Airline company. Habang ako naman ay 4th year na.
Kuya Dos is busy on his intern and busy din si kuya Uno sa work niya kaya halos hindi na kami magkakitaan. While our parents naman ay busy din sa work nila, most of the time wala din sila sa Pilipinas kaya naiiwan akong mag-isa sa bahay.
"Bakit ba asar na asar ka?"
"Nakakaasar kasing makita ang pagmumuka mo!"
Umamba akong babatukan siya pero agad siyang lumayo, "Sige! Awit ka, batukan mo 'ko, patay tayong dalawa dito!"
"Patay agad? Di ba pwedeng hospital muna?"
"Tanga! Dead on arrival!"
After a minute, nakarating na kami sa coffee shop, bumaba na kaagad ako dahil legit na talaga 'yong galit ni kuya sa akin.
"Wag na wag kang magpapasundo sa'kin!"
"As if naman matitiis mo 'ko," pahabol 'kong sabi pero hindi na niya narinig dahil umalis na kaagad siya pagkasarado 'ko ng pinto.
Pumasok na ako sacoffee shop at dumeretsyo sa counter. I ordered Black coffee and a piece of chocolate cake. After I got my orders, dumeretsyo ako sa pinaka-dulo dahil 'yon na lang ang available na table.
I sippid on my coffee and I closed my eyes. Sobrang sakit ng ulo 'ko dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Nag-rereview kasi ako para sa darating na exam.
"Ampupu! Ang sakit!" inis na sabi 'ko habang sinasapok 'ko ang sarili 'kong ulo.
"Stop, it won't help to ease the pain."
Napadilat ako ng mata dahil ngayon 'ko na lang ulit narinig ang boses niya. Ampotek! Apaka wrong timing naman oh!
"You look like trashier kapag nagugulat ka," I heard him chuckle,
"Feeling close," I whispered,
"Can I sit?"
"Kahit naman umayaw ako nakaupo ka na, duh!"
Pagkaupo niya inabot niya ang baso 'ko at walang pasabi siyang uminom habang nakatingin sa akin,
"Are you flirting me?" inis 'kong tanong.
"What do you think?"
"Yes!"
"Bakit magpapalandi ka ba?" his evil smile rose from his lips,
BINABASA MO ANG
Almost Over (Bestfriend Series #1)
Novela Juvenil"It hurts to know that you will never look at me the way I look at you, Dustine Aero." Bestfriend Series #1