Dustine Aero

191 9 7
                                    

Kakatapos lang ng practice namin sa basketball ng may lumapit sa akin na dalawang babae. But I didn't bother them dahil nagmamadali ako. Balak 'ko sanang tumambay sa bahay nila Gerald.


Aalis na dapat ako ng biglang hinawakan 'nong isang babae ang kamay 'ko kaya napatigil ako, "Yes?" Hinila 'ko pabalik ang kamay 'ko dahil naiirita ako.


"Hi. Dustine Aero, right?"


Kumunot ang noo 'ko, "Sorry, wrong person ka,"


"Come on, makikipag kaibigan lang ako sayo,"


"Miss, I don't have time okay? Tsaka hindi ako friendly," umalis na ako sa harapan nila pero sinundan ako 'nong babaeng kumausap sa akin. Derederetsyo lang ako ng lakad hanggang sa makarating akong shower room pero nakasunod pa rin 'yong babae,


"Aso ka ba?" inis na tanong 'ko. Wala akong pake 'kong bastos ang dating, basta ang alam 'ko naiirita ako.


"Hey, you're so rude!"


"I don't care. Sunod ka ng sunod, baka gusto mo pa rin akong sundan hanggang sa loob?"


Hindi 'ko na siya hinintay na magsalita dahil pumasok na kaagad ako sa loob. Sa totoo lang, naiirita ako sa mga babaeng kagaya niya. Oo, mahilig ako sa mga babae, noon, pero nakaka turn-off kasi eh! Dapat sila ang sinusundan o hinahabol. Nagmumuka kasi silang desperada.


Pagkalabas 'ko nakita 'ko siyang nasa gilid na tila ba hinihintay ako pero tuloy-tuloy lang ako sa lakad hanggang makarating ako ng parking lot. Paalis na sana ako ng makita 'ko siyang tumatakbo papunta sa kotse 'ko, "Damn!"


Kinatok niya ang bintana pero hindi 'ko siya pinagbuksan. Bahala siyang mapudpod ang kamay niya sa kakakatok! Pinaadar 'ko na ulit ang kotse 'ko at tuluyan ng nilasan ang parking lot. Pero nakita 'ko siya sa side mirror na nakatanaw sa papalis 'kong sasakyan.


Tuwing practice namin palagi 'kong nakikita 'yong babaeng 'yon. Inaabutan niya ako palagi ng tubig kahit binibigay 'ko lang naman 'yon sa mga team mates 'ko.


"Fiona tara na," yaya sa kaniya ng kaibigan niya.


"Wait lang, hindi pa naman nag-bell eh."


"Mas nauuna kayang dumating si Ma'am kaysa mag-ring 'yong bell,"



Nakita 'ko sa peripheral vision 'ko na tumayo 'yong Fiona at palapit sa kinauupuan 'ko kaya tumayo ako at kinuha ang phone 'ko.


Bat ba lapit ng lapit 'tong babaeng to! Nakakaurat na.


Dinail 'ko ang number ni Geraldine at sinagot naman niya kaagad, "Hey, lunch break niyo na ba?" nilakasan 'ko ang boses 'ko para marinig niya na may kausap ako,


"Yes. Inaayos 'ko lang mga gamit 'ko tapos pupunta na ako sa canteen. Nauna na sila Claire eh,"


"Dyan ka lang, susunduin kita."


"Sige. Bilisan mo, nagugutom na ako,"


Pumunta ako sa bench at kinuha ang mga gamit 'ko. Nakita 'ko siyang nakatayo at nakatingin sa akin, pero derederetsyo lang akong lumabas ng gym.


"Din here!" sigaw ng kaibigan naming si Joy,


"Wow naman! Kahit kailan attention seeker 'tong mag jowang 'to," How I wish,


"Bakit hindi pa ba?" tanong ni Alex,


"Gago! Hindi," gusto 'ko mang sabihin na Oo kahit na hindi, pinigilan 'ko ang sarili 'ko.


Almost Over (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon