Chapter 1

1.2K 28 3
                                    

Habang nag aayos ako ng buhok may kumatok sa pintuan ko.

"Pasok! Pero bawal pumasok pag pangit!" sigaw ko.

Mamaya-maya pa, pumasok si kuya Uno. "Oh dos, narinig mo yun? Bawal daw pumasok pag pangit" sabi ni kuya Uno habang humiga sa kama.

"Eh bat ka pumasok? Labas!" sabi ni kuya Dos habang dinadaganan niya si kuya Uno. Ano ba yan! Ang gulo nila!

"Wag nga kayong magulo!"

"Ilang oras ka pa bang mag-aayos diyan? First day of class late ako!" sigaw na sabi ni kuya Dos.

"Ikaw lang? Baka ako din?"  sigaw ni kuya Uno.

"Kayo lang ba ha?" sigaw ko din.

Aba! Sila lang ba may karapatang sumigaw? Syempre di ako papatalo.

"Damay damay to mga chong!" sigaw ko ulit. Tumayo na ako at humarap sa kanila, nilagay ko sa harapan ang kamay ko sabay sigaw,

"One for all," and my brothers did the same thing, "All for one!" sabay nilang sigaw na akala mo sasabak sa gera.

After a minutes umalis na kami sa bahay. Si kuya Uno ang nag drive ngayon dahil Kuya's duty. Pagka parking ni kuya Uno, bumaba agad si kuya Dos

"Una nako mga kapatid, kapuso at kapamilya late na ako. See ya laters!" sabay takbo na akala mo kasali sa marathon.

"Gago bawal tumakbo! Mahuhuli ka ng MMDA!" sigaw ni kuya Uno habang tumatawa.

Napairap na lang ako sa mga kalokohan ng mga kuya ko.

Sabay kami naglakad ni kuya Uno sa hallway. Naka akbay pa siya sa akin na akala mo mawawala ako. Duhhh! Super OA niya! Mamaya-maya pa may humarang sa harap namin.

"Good morning!!" sabi niya habang hinahabol ang hininga niya.

"Para kang malalagutan ng hininga alam mo yun?" sabi ni kuya Uno.

"Alam mo bayaw.. Feeling ko din eh.." sabi niya habang hinahabol parin niya ang hininga niya, muka siyang tanga sa totoo lang.

"Kaya gerald.. Mouth to mouth nga tayo para magkahangin baga ko." seryosong sabi niya.

What the fuck!!

Bigla siyang binatukan ni kuya and I swear mas malakas pa yun sa batok niya kay kuya Dos.

"Tarantado kang alikabok ka!" galit na sigaw ni kuya.

Habang ako hindi maipinta ang muka ko sa sobrang pagkadiri. Like seriously!?

"Aray naman bayaw!!" sigaw niya habang hawak yung batok niya. "Parang hihiwalay na yung batok ko sa lakas ng pagkakabatok mo!"

"Tarantado ka! Talagang hihiwalay yang batok mo pag di ka umayos!" sigaw ulit ni kuya at umamba na naman ng batok kaya nagsalita na ako. Kawawa naman yung isa kung nagkataon.

"Stop kuya, ako na ang papagpag sa alikabok na to." pagtataboy ko sa kuya ko.

Bago umalis si kuya Uno, sinabunutan niya muna sa ulo ang kawawang nilalang bago tuluyang umalis.

"Araaay naman!" sigaw niya habang pumapadyak-padyak pa. "Araaaaay ko!! Tama na! Tang juice naman oh!"

Naglakad na ulit ako papunta sa isang bench. Wala na akong balak pumasok sa first class namin dahil late na ako.

"Bakla talaga yang si uno! Feeling ko napunit na anit ko!" sabi niya habang kinakamot ang ulo with matching yuko-yuko pa.

"OA ka, alam mo yun?" tanong ko habang tinitignan yung kuko ko.

"Sabunutan din kaya kita para alam mo yung pakiramdam." he said and smile sarcastically.

Inilapit ko ulo ko sa kaniya "Okay. Go! You make sabunot na to me."

Tumayo siya at mamaya hinawakan niya ang ulo ko. Aba! Wag niya sabihing sineryoso niya ang sinabi ko!?

Mamaya-maya pa bigla siyang yumuko at may dumapong mainit at malambot na bagay sa noo ko. Ginalaw ko ang mga mata ko paitaas at nakita ko siyang nakapikit habang nakalapat ang mga labi niya sa noo ko.

"Amoy baby ka talaga gerald." sabi niya sabay amoy sa ulo ko. "Sasabunutan sana kita kaso naalala ko masyado kitang mahal para gawin ko yun."

Bigla akong nanigas sa narinig ko. Holy moly!

"Kaibigan kaya kita." huh?!

"Kuya mo na lang sasabunutan ko sa kili-kili para fair." sabay tawa ng malakas.

He loves me as a friend. Wow. Just wow.

------

Almost Over (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon