Dumating na yung araw na kinakatakutan ko.
Yung araw na kahit kailan, ayokong dumating.
Pinilit kong maging okay, sa mga nagdaang araw. Dahil ayokong magpa-apekto sa mga nangyari.
We're bestfriends and I should be happy for him.
Ayokong magpaka bitter, dahil alam kong darating din yung time na mayroon siyang mahahanap na babaeng mamahalin niya.
But I wasn't prepared.
My heart wasn't prepared.
Sana nagbigay siya ng sign, para naman kahit papano nakapaghanda ako diba?
"Geraldine," tawag ni kuya Uno sa akin mula sa labas ng kwarto. "Let's go,"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at lumabas ng kwarto.
"Good morning," nakangiting bati ni kuya.
I know he's worried about me and also kuya Dos. Pero never silang nagtanong sa akin after that incident.
"Good morning too kuya," nakangiti ko ding bati sa kaniya.
Sabay kaming bumaba at naabutan namin si kuya Dos na nakaupo sa sofa. Noong nakita niya kami, bigla siyang napatingin sa amin.
"Magandang umaga binibini," nakangiti ding bati ni kuya Dos.
"Magandang umaga din sayo ginoo," natatawang sabi ko.
"Hindi yan ginoo, bastos yan eh." natatawang sabi ni kuya Uno.
"Ginoo ako, pero medyo bastos." natatawang sabi ni kuya Dos
"Tara na, malalate ako."
Sabay sabay kaming lumabas at pumunta sa garahe. Si kuya Dos ang naka tokang mag drive ngayon.
"I wish I can drive too," I suddenly said.
"Hindi mo na kailangan matuto magdrive kasi handa naman kaming ipag-drive ka kahit saan pa yan," sabi ni kuya Dos.
"Kahit sa mars pa yan or jupiter or kahit sa planeta ni kokey, handa ka naming ipag drive." sabi naman ni kuya Uno.
Napatawa na lang ako sa mga sinasabi ng mga kuya ko. Minsan talaga ng OA nila.
Naglalakad na kami sa hallway noong sumulpot bigla si Aries.
"Good morning," bati niya sa amin. "Hellow mga kuya,"
"Anong tawag mo sa amin?" tanong ni kuya Dos.
"Kuya?" patanong na sabi ni Aries.
"Lakas ng apog mong tawagin kaming kuya ah! Close na tayo?!" asar na sabi ni kuya Dos.
"Ano pala? Daddy?"
"Aba't walanjo 'to ah!"
Bago pa sila magsuntukan doon, hinila ko na si Aries palayo kay kuya Dos.
"Bye mga daddy! I'll see you when I see you!" pahabol na sigaw niya bago kami lumayo sa kinaroroonan nila kuya.
Malapit na kami sa classroom namin nang makita ko siyang nakatayo sa gilid ng pintuaan namin.
"Tarantado," mahinang sabi ni Aries sa tabi ko. "Tara, U-turn tayo." dagdag niya pero hindi ko siya pinansin. Dumirestsyo lang ako hanggang sa nakarating ako sa harapan niya.
Nagulat siya noong nakita niya ako, kaya napa ayos siya ng tayo bigla.
"Hi,"
"Hi,"
"How are you?"
I'm not fine. And I don't know when I will be okay.
"I'm fine," naka ngiting sabi ko. "By the way congrats nga pala."
"Uhm, thanks." nahihiyang sabi niya habang nagkakamot ng batok. "Free ka ba mamayang lunch?"
"Why?"
"Group lunch sana tsaka celebration na rin,"
"Ah, sino kasama?"
"Claire, Joy, Alex, Fiona, You and Me." sabi niya.
You and Me. Sana nga may Ikaw at ako.
"Ay, hindi ako invited?" parinig ni Aries.
Sabay kaming lumingon ni Dustine sa kaniya.
"Excuse me?"
"Yes, dadaan ka?"
"Sino ka ba? Basta basta ka na lang sumisingit sa usapan ng iba,"
"At least ako sa usapan lang sumisingit, hindi katulad ng iba jan," sabi niya sabay tingin sa akin.
Napaka epal talaga! Bwiset!
"So ano, wala kang balak i-invite ako kahit in a plastic way na lang," naka ngising sabi ni Aries. "Para in case na may umiyak, anduduon ako."
"Bakit may iiyak? Hindi naman kami makiki lamay ah,"
"Hindi nga, pero baka kapag nagtagal may paglamayan ka na talaga."
Tinignan ko siya ng masama dahil konti na lang bibingo na siya!
"So ano Gerald, free ka ba mamaya?"
"Uhm. Yes."
"Ako din free mamaya," sabat ni Aries.
"Excuse me?"
"Ano na naman? Kanina ka pa excuse me ng excuse me hindi ka naman na daan!" asar na sagot ni Aries.
"Hindi porket nag excuse me, dadaanan na! Tsaka hindi ikaw kinakausap ko!"
"May sinabi ba akong ikaw kausap ko?" naka ngising sagot ni Aries
"Tss. Baliw." mahinang sabi ni Dustine pero sakto lang para marinig namin.
Nagulat ako nang biglang lumapit si Aries at masamang tinignan si Dustine.
"Anong sabi mo?" maangas na tanong ni Aries.
"Na ano? Baliw ka?" naka ngising sabi ni Dustine.
"Kung ako baliw, tanga ka naman."
"Anong sabi mo?"
"Na ano? Tanga ka?" pang gagaya ni Aries.
Pumagitna na ako sa dalawa dahil anu mang oras baka magsapakan na sila.
"Tumigil na nga kayo, para kayong mga gago." na aasar na sabi ko. "Sige na Dustine, pumunta ka na sa klase mo. And don't worry pupunta ako mamaya."
Pagka alis ni Dustine, sinapak ko ka agad si Aries sa batok.
"Araaaaay ko!"
"Talagang aaray ka, kapag hindi ka umayos! Inilayo na nga kita sa mga kuya ko kanina tapos si Dustine naman isinunod mo!"
"Wala naman akong ginagawa ah!" inosenteng sagot ni Aries habang hinihimas ang batok niya.
"Talent mo na ba talaga yang pang bwi-bwiset ha?"
"Eh ikaw, talent mo ba yang pagiging tanga ha?"
"Animal ka talaga!" babatukan ko ulit sana siya pero tumakbo na agad siya sa loob ng classroom.
Sinundan ko siya sa loob, pero bago ako makarating sa pwesto niya dumating na yung Prof namin. Bwiset! Malas!
Nasa kalagitnaan kami ng klase ng mag-ayang mag cr si Claire. Pero habang nag-lalakad kami, biglang sumulpot si Aries.
"Invited man ako or hindi, sasama ako. Baka mamaya, maatake ka doon. Apaka rupok mo pa naman,"
--------
BINABASA MO ANG
Almost Over (Bestfriend Series #1)
Teen Fiction"It hurts to know that you will never look at me the way I look at you, Dustine Aero." Bestfriend Series #1